Magkahawak-kamay na pumasok sina Namjoon at Jin sa tinutuluyan nilang bahay--yup,para na silang mag-asawang nagsasama sa iisang bahay.Nasa ibang bansa kasi naninirahan ang mga magulang ni Jin habang matagal ng namumuhay mag-isa si Namjoon dahil bumukod siya sa mga magulang niya dahil sa hindi nila pagkakaunawaan.
Highschool palang si Namjoon nung maglayas siya sa bahay nila. Buti na lang bago namayapa ang lola niya,iniwanan siya nito ng pera kaya yun ang ginamit niyang pansimula sa bagong buhay na tatahakin niyang mag-isa. Nakapagpatayo siya ng isang coffee shop business na pinagkunan niya ng panggastos niya sa pag-aaral niya at nakabili din siya ng sariling bahay--which is ang tinitirhan nila ngayon ng kasintahang si Jin.
Nakilala niya si Jin,nung mga panahong sobra siyang nahihirapan sa pag-iisa,siyempre kasama na sa pag-iisa niya ang kalungkutan. Ang totoo niyan,he's a loner talaga at hirap magtiwala sa ibang tao. Ayaw niyang mapalapit sa ibang tao at magkaroon ng ugnayan dahil feeling niya,iiwan din siya pag hindi na siya kailangan. So as much as possible, mas gusto niyang mapag-isa na lang.
But not one of his boring lunch time,nilapitan siya ng king heartthrob at anak ng may-ari ng school na pinapasukan niya,asking him to be his friend. He was amazed how Jungkook is very down to earth kahit maraming humahanga dito at gustong-gusto makipagkaibigan.
So na-touched siya sa ginawa nitong paglapit sa kanya at tinanggap siya bilang kaibigan. From that very moment,parang si Jungkook yung naging kapitan niya sa tuwing feeling niya babagsak siya. At ito pa ang naging dahilan para magkakilala sila ni Jin..
Isa din si Jin sa madaming gustong makipagkaibigan dahil sa sobra nitong bait dagdag pa ang kagandahan nitong taglay. Hindi niya inasahan na ipapakilala siya ni Jungkook dito at talaga namang naging magkaibigan sila ni Jin.
Si Jungkook pa talaga ang gumawa ng paraan para mauwi sa isang relasyon ang pagkakaibigan nila ni Jin. Ayaw nga niya eh,dahil wala siyang lakas ng loob at feeling niya hindi sila bagay. Pero di niya inasahan na gusto din pala siya ni Jin.
So,niligawan niya ito at agad naman siyang sinagot ni Jin. Naging sila,hanggang sa magtapos sila ng highschool, at magpasa-hanggang ngayon,matatag at nananatili silang kumakapit sa isa't-isa. Oo,dumadanas din sila ng pagtatampuhan,selosan at di pagkakaunawaan. Muntik na din silang maghiwalay pero awa naman ng diyos at naayos nila agad. Kung kinakailangan manuyo siya,talagang ginagawa niya para lang magkaayos silang dalawa ni Jin.
For five years being in a relationship with Jin,masasabi niyang yun--eto ang pinakamamasaya at magandang nangyari buong buhay niya. Isang malaking blessing si Jin sa kanya.
Kinumpleto na siya nito eh..so what more can he asks for? Wala na. Kulang na lang legit papers o katibayan na mag-asawa na sila. Namumuhay na sila bilang mag-asawa but he's planning to marry Jin as soon as possible--kung pwede nga lang na ngayon na,he would love to.
Pero dahil nag-aaral pa sila sa college, ayaw muna niyang madaliin si Jin. Napag-usapan naman na nila na after nilang mag-aral,pwede na. So,two years pa bago sila magtapos ng pag-aaral.. Madami pa siyang panahon para mas mapaghandaan ang plano niyang pagpo-propose dito.
"Love,maliligo ako"
Tanong ni Jin sa kanya pagpasok nila sa bahay nila.Nakangiting yumakap siya dito,loving the feeling of Jin in his arms...sobrang kuntentong-kuntento na siya.
"Mm,gusto mo ba sabay na tayo?"
Pilyo niyang tanong. Nakatanggap lang siya ng mga kurot sa tagiliran mula sa asawa niya."love,lumalandi ka na naman. Tigilan mo muna ako,pagod pa'ko kagabi nuh?"
Natawa siya sa naging sagot nitong yun at nahalikan pa sa mukha.
"Oops, sorry love.. Ehe sige na nga,hintayin kita dito mm?"
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...