JIMIN'S POVHayy~
Nalulungkot naman ako for Jin,for what happened to their baby. Masakit,dama namin ang bigat ng pinagdadaanan nina Jin at Namjoon eh.
First baby nila sana yun,sayang lang nadamay ang isang inosenteng bata dahil sa nangyaring gulo kahapon. And speaking of that chaos,di ko din maiwasang magalit.
Nalaman ko kanina yung mga lists ng mga students na umatake at nanggulo sa grupo nina Jungkook na nandamay pa ng ilan pang mga estudyante. Sila yung mga kaibigan ni IU na umatake din saken noon. Ginantihan nila si Jungkook.
Na-kick out na sila at wala ng chance na makapasok miski sa loob ng campus,dahil nga madami ang mga nasaktang estudyante kabilang itong katabi kong si Jungkook at mga kaibigan namin.
Ang pinag-aalala ko ngayon ay dahil hindi kabilang si IU sa mga na-expel,so meaning pwede pa ding manggulo yung mga kaibigan nito.
At ang nakapagtataka pa,parang bigla naman siyang bumait saken. Kinausap niya ako kanina,asking for my forgiveness na binigay ko naman sa kanya. Kaya lang,parang hindi ako kampante sa kanya--I mean,di ako panatag na nakakalapit na naman siya saken lalo na kay Jungkook.
H-Hindi naman sa nagseselos ako,pero kasi feeling ko baka ipagpalit ako ni Kookie sa kanya..arghh! Ayoko naman na mag-isip ng ganito pero ito yung nararamdaman ko eh.
Saka ito yung mga naririnig ko sa school, na bagay na bagay daw ang dalawa sa isa't-isa.Ano ba naman ang laban ko sa isang magandang babae na kagaya ni IU? She's very talented, cute at maganda pa. Ako? Wala as in nothing. Walang-wala.
"Hey, baby what's wrong? Why you're groaning?"
Tanong nitong katabi kong di pa pala tulog."Wala,tulog ka na Kookie"
"Ayy parang di naman ako naniniwalang walang gumugulo sayo..ano yun asawa ko? Sabihin mo na baka may maitulong ako"
"Wala nga"
He pulled me to his chest,seriously looked at me na akala mo mababasa niya ang nasa isip ko sa pagtitig niya saken ng ganito. Hayy~ ang kulit neto.
"Di mo na naman ba mapagkakatiwala saken yang gumugulo sa isip mo?"
He asked with a pouts on his lips..Hayy~ di naman sa hindi ko siya mapagkakatiwalaan pero nakakahiya namang sabihin sa kanya ang mga iniisip ko ngayon. Baka pagtawanan pa niya ako.
"D-Di naman sa ganun,Kookie. Nahihiya ako sayo,yun ang totoo"
"Bakit naman? Di ba dapat wala tayong secret sa isa't-isa? Baby ko,gusto kong maging open tayo sa isa't-isa, ayokong naglilihiman tayo"
"Ughh fine! Si IU kase"
Bumangon siya at naupo,saka sumeryoso ang mukha niya.
"Inano ka? Sinaktan ka ba niya ulit? Tangina,ginalaw ka na naman ba nila? Di ko alam kung pa'no nakalabas ng kulungan yun eh,bwisit!"
"Y-yah! Hindi naman niya ako sinaktan and in fact humingi siya ng tawad siyempre binigay ko naman sa kanya..Kaya lang kasi.."
"What? Asawa ko,wag na wag ka ng lalapit sa babaeng yun ah,mamaya saktan ka na naman nila at di kita maprotektahan dahil injured ako"
Ahh~ pa'no ko ba'to sasabihin sa kanya? M-may sinabi kasi saken si IU---actually hiniling pala.
"Baby ko,anong sinabi niya sayo?"
Bumangon at naupo na din muna ako,bago ko siya sinagot.
"A-ang sabi niya,gusto ka niya talaga. And sana daw mapapayag kitang makipagkita sa kanya"
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...