JIMIN'S POVHayy~
"Chim, ano gusto mo kainin?"
Lumingon ako kay Papa na kakapasok lang while fixing his apron. Huh? Nasaan si Kookie?
"Mamaya na po. Uhm,Papa si Kookie? Oh my God! Binugbog mo ba siya?"
"Yah,why would I do that? OA ka naman masyado 'nak eh. Inutusan kong bumili sa tindahan"
Ayy buti naman akala ko binugbog niya eh. Inakbayan ako ni Papa.
"Halika nga sa may garden,usap tayo"
"Opo"
He led me to the garden,sabay upo sa favorite spot ko dito sa restaurant ni Papa--ang swings. Gustong-gusto ko dito,nakakarelax dagdag pa ang mabangong hangin dahil sa mga bulaklak na tanim ni Papa.
"Sinabi na saken ni Jungkook ang lahat.. Nagtatampo ka pa ba sa kanya?"
"Papa"
Well,medyo. Di naman agad mawawala yun eh,pero di ko din naman siya matitiis. Mahal ko eh.
"Pinagpaliwanag mo na ba? Anak,di mo siya dapat iniiwasan. Kung may pinagtatampuhan kayo,pag-usapan niyo"
"Alam ko naman po yun,Papa eh. Nag-usap naman na kami,at nagpaliwanag na din siya... pero kasi,nakakapagtampo naman kasi siya diba?"
"Hayy~ mga bata pa talaga kayo. Pa'no kayo bubuo ng sarili niyong pamilya kung maliit na pagtatampuhan lang,pinalalaki niyo?"
"Papa naman eh"
"Ano? Hayy~ Chimchim, you're such a baby"
Oo na,ako na pabebe...and I admit,na mali nga akong mas I'm choosing to just ignore him. Pinaiyak ko pa siya at alam ko na ang kaya niyang gawin--na nasasaktan niya ang sarili niya unintentionally.
I felt a gentle squeeze in my hands, saka inakbayan ako ulit ni Papa.
"Lahat naman tayo nagkakamali,anak. Hanggat maaari,ayokong makealam sa relationship niyo ni Jungkook...andito lang ako para lang sumuporta. Acceptable naman yung reasons niya diba? He's not as perfect as he may seems,nakakaramdam lang din siya ng selos,galit,inis basta lahat ng emotions na nakakasakit sa dibdib niya. Diba dapat sa isang relationship, may unawaan,pagtitiwala at pagpapasensya? Dapat hindi pataasan ng pride o kung ano mang tawag dun? Walang iwanan,walang sukuan? Yang tampuhan at di pagkakaunawaan minsan,diyan nasusubukan kung ga'no kayo katatag ng partner mo,kung hanggang saan ang kaya mong ibigay na pagpapasensya sa kanya at kung hanggang saan kayo kayang dalhin ng pagmamahal niyo sa isa't-isa"
"Papa"
"Ang akin ay payo lang ang anak. Ikaw at si Jungkook lang ang magdedesisyon para sa inyong dalawa. Sabi ko nga sayo, kung ano man ang maging desisyon mo na sa tingin mong yun ang tama,susuportahan lang kita"
Yan,ang sarap talagang nasesermunan kase para kang gigisingin sa katotohanan. Tama kasi siya sa lahat ng sinabi niya---and this made me realized na may mali din ako. Na hindi na nga dapat pinatatagal ang tampuhan kase lalo lang magiging malala. Parang ngayon,siguro kung kagabi pa tinanggap ko na ang sorry niya,di na sana kami ganito ngayon--di na niya maiisip na saktan ang sarili niya.
Minsan pala talaga,nagiging makitid ng utak ng tao kapag nagagalit at isinasara ang mga tenga para sa paliwanag. I've been selfish,na mas inisip kong ako yung nasaktan sa nangyari...that I didn't even thought how painful it was for Jungkook after he saw Taehyung kissed me.
Oo nga,pota!
"Oh,maiwan na kita anak..Nandiyan na pala ang inutusan ko"
"P-po?"
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
Hayran KurguWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...