Date

473 16 0
                                    


JIMIN'S POV

"Anak,bangon na"

Mahihinang tapik sa balikat ko ang gumising saken..arghhh! Gusto ko pang matulog eh..

"Five minutes Papa.."

"No more five minutes Park Jimin.. Bangon na,dali. Nandiyan na ang de sundo mong kuneho na galing sa kalawakan. Pag hindi ka pa bumangon diyan,papaalisin ko na siya"

"Wag!! Eto na po,babangon na"

"Madali ka naman palang kausap eh..haha,bilisan mo na,baka ma late pa kayo"

Tatawa-tawang lumabas na siya dito sa kwarto ko..aish, ang sarap pa naman matulog. Pftt,di bale makikita ko naman si Jungkook eh.

Bumangon na'ko para makaligo,at makapagbihis. Excited na'kong magbalik school,kaya lang baka i-bully na naman ako ng mga naghahabol kay Jungkook.

Bumaba na din ako para makapag-breakfast. Nadatnan ko nga sina Papa at Jungkook na nag-uusap pa. Medyo mahina ang mga boses nila so wala akong idea kung ano ang pinag-uusapan nila. Sabay pa silang lumingon sa kinatatayuan ko,at nag-smile.

Tumayo si Jungkook para salubungin ako ng masarap na yakap... Aww,what a day to start eh??

"Hi,Goodmorning baby ko"

"Goodmorning Kookie..nagbreakfast ka na?"

"Oo with my parents kanina but if yayayain mo ko,hinding-hindi ako tatanggi"

"Pftt..o tara kain tayo"

Halos ayaw niya akong pakawalan sa mahigpit niyang yakap--well ako din naman but expect ko na,na sisingit ang Papa ko.

"O tama na yakapan na ganyan,nakakainggit. Maupo na kayo pareho dito"

Aish,I told you..

"Opo"

Sabay naming sagot,at naupo na para makakain. Nakakatuwa lang sila tingnan na dalawa na nagkukulitan..parang close na talaga sila saka eto talaga namiss ko.

"O mga bata,mauuna na'ko. Jungkook, ingatan mo ang anak ko ha? Sayo ko lang siya ipagkakatiwala"

"Pangako po,uncle salamat po sa tiwala"

"Walang anuman. O sige na,baka kailangan na'ko sa restaurant.. Bye anak,pag aral,aral talaga..mamaya na ligawan"

"Papa!"

"Pftt. Joke lang.. Kookie,pagmamaneho mo ha? Ingat kayo"

"Opo uncle.. Kayo din po, ingat kayo"

Tumango naman si Papa saka nagmamadali ng umalis. Kami din ni Jungkook,tinapos na namin ang pagkain.

"Baby ko,tara na"

"Sige lika na"

Tinulungan na niya akong niligpit ang mga pinagkainan namin saka lumabas na kami. He led me to his car tas sabay na kaming sumakay.

"Wear your seatbelt,baby ko"

"H-ha? A oo"

Akma ko ng ila-lock ang seatbelt ko but he took it from me and siya na ang naglagay that made our faces inch away. Amoy ko na nga ang mabango niyang hininga--shet! Di pa naman siguro ako obvious na namumula? Juskolord, wag naman sana.

"Ahh~ kung hindi lang ako nakapangako sa Papa mo,hahalikan na kita eh.. Do you have any idea how much I longed to kiss those lips? Ang hirap magpigil...sobra"

Kookmin's presents: Then,Now and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon