Come to an end

291 6 0
                                    


*still Jimin's pov*

"Anak,gising na"

I slowly sat up,blinking my eyes to clear my visions and looked over to my Papa.

"Good morning princess..Come on,let's eat breakfast"

"Sige po,Papa and good morning din sa inyo. Si Jungkook po?"

"Umm,inutusan siya ng Daddy niya sa labas di ko lang alam kung saan"

Tinulungan na'ko ni Papa na makabangon sa kama. Sinabi ko kay Papa na susunod na lang ako because I want to take a shower muna dahil init na init ako. Pumayag naman siya,at nauna ng bumaba.

Medyo naiinis ako kasi di ako ginising ni Jungkook para man lang sabihin na aalis siya o kung saan man siya pupunta. I really hate the thoughts of him leaving na hindi ko alam kung saan siya pumupunta. Di ba nakakainis ang ganun? Tsk.

Matapos kong makaligo at makabihis,bumaba na din ako para saluhan sina Papa at ang mag-asawang Jeon since wala naman ang Daddy nitong bulilit na nasa tummy ko.

"Good morning sweetie"

"Good morning din po sa inyong lahat"

Inaya pa'ko ni aunt Mina na maupo sa tabi nina Papa at uncle Junsu para makakain na din.

"Kain ka na anak, baka mamaya pa makabalik si Jungkook"

"Ganun po ba? Sa'n po ba siya nagpunta Papa?"

"Pinapunta ko muna sa office ko para mahasa na ang boyfriend mo sa pagnenegosyo. Don't pouts baby boy,babalik din siya agad"
Si uncle Junsu ang sumagot.

Hindi na lang ako nagsalita at tahimik na lang kumain. Ano naman kayang oras babalik ang lalaking yun? 8 palang ng umaga.

"Ayos ka lang ba Chimchim?"

"P-po? Ayos lang po ako auntie"

"Auntie? Its Mommy to you cutie,remember?"

"Oh,onga po pala. Sorry po,M-Mommy"

She giggles,obviously enjoying my embarrassed reaction..Hayy~ medyo naiilang kasi akong may tinatawag na Mommy. It's uncomfortable, but overwhelming. Di naman sa ayaw ko,hindi lang talaga kasi ako sanay dahil nga lumaki akong walang kinagisnan na Mama.

"That's better baby boy. Now eat,don't be too sad and missing Kookie too much. Babalik yun agad dito"

"Opo M-Mommy"

Kumain na lang ulit ako,nakikingiti at nakikinig-kinig sa mga pinag-uusapan nila na hindi ko ma-gets kasi pang matanda ang topic nila so,I excused myself na magpapahinga muna sa room namin ni Kookie.

Pumayag naman sila,kaya umakyat na ulit ako sa room namin. Inabala ko naman ang sarili ko sa paglilinis ng buong kwarto,pagbabasa ng kung ano-anong online stories but I'm still bored. At ito namang magaling na lalaking yun hindi man lang maalalang tumawag. Nakakainis na ah!

O baka naman may iba ng pinagkakaabalahan? Di kaya--

Ringggggggg!!

Speaking, baka nasamid kaya naalala akong tawagan? Psh!

"O napatawag ka?"

"Baby ko naman,sorry na hindi na'ko nakapagpaalam sayo. Patapos na'tong pinapaayos ni Daddy saken,babalik na'ko ha?"

"Wag na,diyan ka nalang"

"Baby ko,sorry na please wag ka ng magalit. Promise pagbalik ko maya-maya, babawi ako sayo.. I'm really sorry"

Kookmin's presents: Then,Now and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon