Lahat sila shocked at nalulungkot sa nangyari sa magiging anak sana nina Namjoon at Jin. So,they've decided na magpalipas na ng gabi para samahan ang magkasintahan sa pinagdadaanan ng mga ito."Uy Taehyung, di ka pa din ba kinakausap ni Jas?"
Untag ni Yoongi na naupo pa sa kinauupuan niyang barandilyas ng terrace ng bahay nina Jin.Naisipan kasi niyang magpahangin saglit dito,thinking about how he could approach Jas kase maghapon na siya nitong hindi kinikibo.
"Din? So meaning, di ka pa din kinakausap ni Jhope?"
"Oo,dude eh. Nagso-sorry naman ako at nangakong di na makikipag-away, ayaw talaga akong kibuin tsk nakakainis na nga dude"
"Hayy~ di ko na din alam ang gagawin ko para mapansin ako ni Jas..nakakaasar!"
Tumango-tango naman si Yoongi na sang-ayon sa lahat ng mga sinabi niya. Iisa kase ang pinoproblema nila sa di pagpansin sa kanila ng mga nililigawan nilang sina Jas at Jhope. Yun ay dahil sa nangyaring gang war kahapon.
Parehong nagtatampo ang dalawa sa kanila pero alam nilang nag-alala lang ang mga ito sa kanila. Kaya ayan,pareho sila ni Yoongi na todo papansin na at paghingi ng sorry, di pa din sila pinapansin ng mga nililigawan nila.
Sabay pa silang napabuntong-hininga ni Yoongi that made them both chuckles.. Parang ang laki-laki ng problema nilang pareho ni Yoongi kung makabuntong-hininga sila.
Buti nga sila ganito ka-simpleng dahilan lang ang pinoproblema nila,di katulad ng pinagdadaanan ngayon ng mga kaibigan nilang sina Jin at Namjoon na sobrang bigat ng dinadala ng problema dahil sa pagkawala ng magiging anak ng mga ito.
"O,bakit lumabas ka din pala dito? How's Jin? Tumigil na ba siya sa pag-iyak?".
Pang-iiba niya, trying to start a conversation for the both of them."Oo,nakatulog na siya dahil sa pag-iyak at inakyat na siya ni Namjoon sa kwarto nila. Ayun sina Jimin at Jungkook kasama si Micka at ang mga nililigawan natin,nasa loob. Feeling ko out of place ako dun kaya lumabas ako dito"
Sabay na naman silang napabuntong-hininga na dalawa ni Yoongi, dahil again, pareho na naman sila ng nararamdaman.
"Hey guys,nagsasarili kayo dito ah"
Untag ng boses ni Jungkook na papalapit sa kanila habang tinutulak ang sarili sa wheelchair. Tumayo siya para tulungan ito palapit sa kanila."E para kasing out of place kami ni Taehyung dun sa loob at di naman kami kinikibo nina Jas at Jhope"
Sagot ni Yoongi na nakasimangot pa at halatang naiinis na nga."Aynako~ di lang kayo pinapansin, susuko na kayo? Grabe,who would've thought na ang dalawang members ng isang kinatatakutang gang,tiklop naman pala pagdating sa mga nililigawan niyo? Guys,naiintindihan ko kayong dalawa dahil aminado naman akong tiklop lang din ako sa baby ko. Pero, di kayo dapat sumuko. Mas mabigat ang pinagdadaanan ng dalawa nating kaibigan"
"Sang-ayon naman kaming lahat sa mga sinabi mo Jungkook eh...ang kaso lang,ang hirap dude eh. Alam mo yun? Nag-e-effort naman kami nitong si Yoongi,pero wala talagang nangyayari"
Frustrated niyang sagot kay Jungkook na mabilis na sinang-ayunan ni Yoongi."If you really love them,then wala kayong dapat na rason para sukuan niyo sila. Uy mga nililigawan niyo palang ang dalawang yun,eh pa'no pala kung kayo na? Ano susukuan niyo na lang? Ay wag ganyan mga dudes. Dapat hindi niyo sukuang suyuin"
"Pa'no nga Jungkook, baka naman may maisa-suggest ka samen ni Taehyung"
"Onga"
Natawa lang si Jungkook na pumitas pa ng mga bulaklak saka inabot sa kanila ni Yoongi na may tig-tatatlong piraso.
![](https://img.wattpad.com/cover/135943480-288-k428749.jpg)
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...