After i-confess ni Jimin kay Jungkook ang tungkol sa mga nangyayaring pangungulit ni Taemin sa kanya,naging mas panatag na siya dahil hindi siya iniiwan ng nobyo kahit saan sila magpunta.Minsan na din kinausap ni Jungkook ang lalaki na tigilan na siya,which is ginawa naman ni Taemin dahil hindi na ito muli pang tumawag sa kanya,limang araw na since i-kumpronta ito ni Jungkook.
Nakahinga na siya ng matiwasay,at ng walang takot na nararamdaman about his stalker's behavior. Kaya naman,hindi na siya takot lumabas para mag-shopping ng mga gamit pang-baby,o kaya hanging out with their friends.
Ngayon nga nakatakdang ikasal sina Jin at Namjoon sa simbahan. Isang magarbong pagdiriwang ang inaasahan pagkatapos ng seremonyas ng kasal.
"Woah baby ko,ang gwapo mo naman sa tux na suot mong yan"
Puna niya kay Jungkook na totoo namang poging-pogi sa suot nitong black tuxedo with bow,dahil ito ang magsisilbing isa sa mga bestman ni Namjoon.Siya naman,simpleng mahaba-habang sweater ang suot niya dahil hindi na siya talaga pwedeng magsuot ng masisikip na damit dahil malaki na ang baby bumps niya.
Ngumiti naman ito at lumapit pa sa kanya,fixing the sleeves of his sweater that's covering his small hands.
"Gumugwapo lang naman ako,dahil kaharap kita"
"Pftt,ayan ka na naman sa mga banat mo Kookie. Halika na nga,baka sa'n pa tayo mapunta sa mga banat mong yan eh"
"Ahaha,ikaw naman baby ko naglalambing lang ako. Give me my kiss muna"
"Aysus..male-late na tayo sa kasal. Lika na"
"Kiss mo na nga kasi ako,then let's go. Isn't it easy to do?"
Pangungulit pa nito habang pinatikwas pa ang nguso nito,kaya natawa na siya ng sobra at hinalikan na lamang ito."O ayan,happy ka na?"
"Pftt,yeah.. Let's go, baby love"
Tatawa-tawang tumango siya at magkahawak-kamay na silang lumabas ng bahay saka sumakay sa kotse,patungo sa simbahang pagdarausan ng kasal.
Nang makarating sa destinasyon nila,sakto naman na ina-align na ang mga abay sa kasal..kaya naman kailangan muna niyang mahiwalay kay Jungkook dahil maglalakakad ito sa aisle as one of the bestmen. Siya naman,agad na hinanap ang mga kaibigan na sin,Micka,Jas at Jhope kasama ang asawa nitong si Yoongi. Um-attend din ang Papa niya at mga magulang ni Jungkook dahil kailan lang niya nalaman na magkakaibigan din pala ang mga magulang nila since highschool days din.
Bumati muna siya siyempre sa Papa niya at sa mag-asawang Jeon bago nagpaalam na tatabi na sa mga kaibigan. Pumayag naman ang mga ito at hinayaan siyang maupo sa tabi ng mga kaibigan niya.
"Hi guys"
Nakangiti niyang bati sa mga kaibigan,at nakipagbesohan sa dalawang girls na ang mga kasintahang sina Taehyung at Hwon kasama siyempre si Jungkook ay kabilang sa mga abay na kasalukuyang naglalakad na dito sa loob ng simbahan,diretso sa altar kung saan nakatayo ang groom na si Namjoon.He took his phone and captured his handsome boyfie,Jeon Jungkook. Lumingon pa ito sa kanya,and cutely winked at him. Natatawang nag-flying kiss siya dito at natawa na talaga siya nang saluhin pa nito yun saka inilagay sa labi nito.
"Blooming kayo pareho ni Jungkook..excited na ba kayo for that little one?"
Pabulong na tanong ni Jasmine sa kanya,while gently caressing his stomach.Nag-smile siya dito at tumango,feeling his baby's soft kicks. As if natutuwa ang bata sa mga kamay ni Jas na humahaplos dito. He giggles as he witnessed how she reacted with her eyes slightly widened.
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanficWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...