Hindi mapakali si Namjoon habang hinihintay ang paggising ni Jin na magdamag ng walang malay dahil sa nasaktan ito sa nangyaring gang war kahapon.At sobra na siyang nag-aalala para sa kasintahan lalo't kung di sana niya ito iniwan kahapon,hindi makakakuha ng tiyempo ang mga nakaaway nila,at di nakuha ng mga yun ang kanyang minamahal para gawing hostage at mapalabas sila.
Hindi niya mapapatawad ang mga taong nanakit sa kanyang mahal. Silang tatlo nina Yoongi at Taehyung,puro mga sugat lang ang mga natamo nila habang ang kanyang minamahal at si Jungkook ang mga nasaktan ng todo. Si Jungkook na nagkaroon ng foot injury samantalang si Jin nagkaroon ng bali sa braso at ang malala pa,
"N-Namjoon.."
Napatingin siya kay Jin na tila ba hirap pang kumilos dahil ngumingiwi.
"Love, nandito na'ko.. A-ayos ka lang ba?"
"M-masakit ang katawan ko,Joonie.. You? Are you okay?"
Naluluhang tumango siya bilang sagot at inalalayan pang makaupo ng maayos saka ito niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry love,di kita naprotektahan.. I'm so sorry"
"No,i-its not your fault Joonie..hey don't cry,ayos naman ako eh. Wala namang nangyaring masama diba?"
"M-meron love"
Naluha na naman siya isipin lang niya ang mga sinabi ng doctor kagabi sa kanya tungkol sa masamang nangyari kay Jin. He took his boyfriend's hands,slightly squeezing them.
"Namjoon, b-bakit ka ba ganyan?"
"Love,d-dahil sa nangyari, y-yung magiging b-baby sana natin,nawala"
Napaiyak na siya ng tuluyan,at nayakap ang nabibiglang si Jin na halos hindi makapagsalita dahil sa mga nalaman nito.
"Baby? N-Namjoon,anong i-ibig mong sabihin?"
"You're two months pregnant b-but,na-miscarriage ang baby"
Hinarap niya ito at naaalarmang inalog-alog niya ang balikat nito.
"Love,magsalita ka..iiyak mo yan!"
"N-no!! Namjoon,a-ang baby naten..ahhhhh!!!"
Sinaluhan na lang niya ang kasintahan sa pag-iyak at tanging pagyakap na lang ang magagawa niya para maramdaman nitong hindi ito mag-iisa. Miski siya, masakit sa kanya na nawalan sila ng magiging anak sana nila.
Pareho silang walang kaalam-alam na nakabuo na pala sila,but unfortunately nawala pa sa kanila.
"I'm sorry Joonie,H-Hindi ko alam na m-may baby na tayo..sorry,di ko siya napangalagaan"
"No,love..wala kang kasalanan. Kung sana di k-kita iniwan kahapon, di sana hindi ka nila makukuha saken..di kayo masasaktan ni baby..I'm so sorry"
Hindi matanggap ni Jin na yung pinapangarap na anak nila ni Namjoon,ay mawawala lang ng ganun-ganon. Nagagalit siya,pero di niya alam kung kanino..sa sarili ba niya o sa mga taong naging dahilan para siya makunan? Ewan niya,sobrang nasasaktan kasi siya sa nangyari.
******
Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip niya,ayaw niya eh---ayaw niyang mag-isip ng kanegahan,pero di niya maiwasan kasi sobra siyang nabigla sa nangyari---sa masamang balita na nakarating sa kanila ni Namjoon.
Parang biglang nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay..anak sana nila ang nawalan sa kanila eh--buhay ng anak nila ang nawala. Isang inosenteng bata na hindi pa nga kumpleto sa buwan ang hindi na nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang mundo. At yun ang nagpapalugmok sa kanya sa kalungkutan. Di niya matanggap at hinding-hindi niya matatanggap.
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...