Won't let you go

375 13 0
                                    


"Love may tao sa labas,pagbuksan mo nga"
Utos ni Jin sa kanya,na busy sa pagpapalit ng uniform nito. Napagdesisyunan kasi nilang dalawa na umuwi muna para makaligo at makapagpalit ng damit bago magpunta ng school.

"Joonie--

"Eto na love,saglit lang naman pwede ko naman sigurong isara muna ang zipper ng pants ko?'

"Pftt, yeah pwede naman. Ikaw talaga,baka mainip na yung taong nagdo-doorbell sa labas"

"O eto na lalabas na. Sa baba na lang kita hihintayin Jinnie ko ha?"

"Okay"

Sa kanilang dalawa,medyo matagal talagang magaayos at magbihis si Jin. Sabay na silang naligo para tipid oras pero mukhang male-late pa din sila dahil nga sa bagal magbihis ni Jin.

Humalik muna siya dito bago lumabas na sa kwarto nila para pagbuksan naman ng gate ang nagdo-doorbell.

"Hi Son!"

"Mom? Dad? Bakit kailangan niyo pang mag-doorbell? Sana pumasok na lang po kayo agad"

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng gate para makapasok ang mga magulang niya sa loob.

"It's a shame na nakalimutan namin ng Daddy mo ang passcode niyo kaya,ayan we ended up using the doorbell instead"
Natatawang sagot ng Mom niya. Maging siya ay bahagyang natawa sa sinabi nitong yun.

"Nag-breakfast na po ba kayo?"

"Katatapos lang namin anak. Si Jin?"
Usisa pa ng Daddy niya habang nauupo sila sa malaking couch.

"Nagbibihis pa po,Dad pero pababa na yun. Late na nga niyan kami sa school"

"Ay wag na muna kayong pumasok ngayon sa school. Madalang lang tayo magkaroon ng quality time together,so iga-grab na namin ng Daddy mo tong chance na'to. Ipasyal natin ang kasintahan mo. We know na,medyo na-depress siya nung makunan siya. Kaya,we want to do our part para mapasaya naman siya"

"Thanks Mom. Sige po,akyatin ko lang sa taas para makapagpalit kami ng ibang damit"

"Sige anak,hihintayin namin kayo dito"

"Opo Daddy. Excuse me po"

Nangigiting umaakyat siya pabalik sa kwarto nila para sabihan si Jin na hindi sila papasok sa school today. Happy siya siyempre na,talagang bumabawi ang parents niya sa kanya--na sinusubukan ng mga ito na punan ang mg naging pagkukulang ng mga ito sa kanya bilang mga magulang niya.

"Love, I'm done!"
Tuwa pang bungad ni Jin sa kanya nang makapasok siya sa room nila.

Natatawang lumapit siya dito, grabbing Jin on his waist.

"Too bad,na kailangan mo na namang magbihis. Nasa baba sina Mommy at Daddy,lalabas daw tayo ngayon"

"Ayy~ magpapalit na naman?"

Bahagya siyang natawa sa pouty expression nito,but of course he kissed those pouts away.

"Ayaw mo ba? Sige,sasabihin ko sa kanilang ayaw mo--

"No! I'll go,Joonie. Siyempre sasama ako"

"Pftt,alright. Magpalit na tayo hmm?"

"As if I have a choice.. Di naman pwedeng sasama akong naka-uniform"

Natawa na siya ng tuluyan at sabay na silang nagpalit ulit ng damit.






...

Kookmin's presents: Then,Now and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon