"Babe,ang tagal mo namang magbihis. Come on and make that quick! Ayokong ma-late sa pagpunta kina Jinnie at Namjoon"
Katok ng asawa niyang si Jhope sa kanya na kasalukuyang nagbibihis na nga sa bathroom ng isa sa mga living room ng bahay nila. Ayaw kasi nitong magsabay sila maligo,kaya he ended up using another bathroom to prepare himself.Inimbitahan kasi sila ng mag-asawa for a lunch gathering since maselan ang pagbubuntis ni Jin sa four months baby nito at Namjoon. Pati ang mga kaibigan nila,siguradong pupunta din.
"I'm done Babe!"
Mabilis na siyang nagbihis saka lumabas na din para salubungin ang mahal niyang asawa na si Jhope."Bakit ba kasi ang tagal mong magbihis Yoongi?"
"Yah don't pout Babe. I'm already done, so let's just go?"
"Fine.let's go"
Bago pa ito makapaglakad palayo sa kanya, he wrapped his arms around his husband's slender waist,resting his head above Jhope's shoulder.
"Are you mad? I'm sorry, alam mo naman na mabagal talaga akong maligo. Sorry na Babe mm?"
"Pftt, hey Yoongi I'm not mad. Excited lang talaga akong makita ang mga kaibigan natin"
"Hayy~ salamat naman akala ko galit ka eh. Shall we go now?"
"Yup!"
Natatawang nahalikan niya ito sa labi,at pagkuway sabay na silang lumabas ng bahay nila saka sumakay sa kotse niya. Kung may magtatanong kung masaya sila sa buhay nilang mag-asawa, oo ang sagot niya.
Lalo na siya kase yung magulo niyang mundo dati,buong pagmamalaki niyang masasabi na finally,nagkaroon din ng maayos na takbo ang mundong yun---ang mundo niyang umiikot lang sa galit sa pamilya niya.
Ever since kasi na nagloko ang Daddy niya,na naging dahilan kung bakit naging malungkitin at sakitin ang Mommy na kalaunay namatay,nagalit na siya sa mundo. Lahat ng sisi,ibinato niya sa Daddy niya. Nagkaloko-loko ang buhay niya. Ang totoo pa niyan,wala naman talaga siyang paki kung habang buhay silang hindi magkibuan ng Daddy niya,pero dahil sa asawa niyang si Jhope,nakumbinsi siya nitong bigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag at makahingi ng tawad ang Daddy niya sa kanya.
Siyempre hindi naging madali sa kanya ang basta na lang magpatawad,pero dahil matiyaga naman ang Daddy niya at mukhang seryoso naman sa paghingi ng tawad, nagkaayos na din sila pati ang step brother niyang si Pancho.
Ngayon, okay na sila ng pamilya niya,pati ang pamilya ni Jhope na talaga namang todo suporta at palagi lang nakaalalay sa kanila. May isasaya pa ba ang buhay niya?
"Yoongi.."
"Mm?"
Nilingon niya saglit ang asawa niya bago muling itinuon ang pansin sa kalsada while slowly driving.
"Tingin mo kaya,bakit hindi pa din tayo nagkaka-baby?"
"Pftt what? Bakit,gusto mo na ba talaga?"
Nakapout na tumango ito bilang sagot kaya hindi niya maiwasang mangiti sa reaksyon nitong yun.
"Well who wouldn't want a baby? Saka, mag-asawa na tayo,so dapat lang na gustuhin kong magkaroon tayo ng baby diba?"
He took his husband's hand and squeezes them.
"We'll have our own baby soon,Babe.. Pag tamang panahon na,wag kang mainip hmm? Kahit dalawa palang tayo sa bahay,okay na'ko"
Tumango-tango naman ito bilang sagot,saka bahagya ng ngumiti kaya naman hindi pa siya kumbinsido na okay na ang asawa niya. Alam kasi niyang masyado nitong inaalala ang hindi pa nila pagkakaroon ng anak pero siyempre lagi naman niya itong itsini-cheer.
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...