Desidido na si Jungkook lalo ang both family side nila na hindi na muna sila parehong a-attend ng school at kung kinakailangan na mag-home studies silang pareho, ganun na lang muna ang set-up nila.Mas gusto naman niya yun,mas feeling safe sila dahil walang kahit na sino ang nakakaalam ng bahay nilang yun,bukod pa sa mga security guards na limampu ang bilang, nagkalat din ang mga security equipments.
Tuloy naman ang magbabarkadang sina Jhope,Yoongi, Jin, Namjoon at Taehyung sa pagkaklase ng wala ang magkasintahang Jungkook at Jimin. Naiintindihan naman nila ang sitwasyon ng dalawa,para mapanatiling ligtas at maayos ang magkasintahan.
At sa totoo lang,nakakaramdam na din ng takot si Jhope dahil sa mga death threats na natatanggap ng mga kaibigan.
Napapabuntong-hininga na nagpatuloy na lang siya sa paglakad papunta sana sa private room nila kasama ang boyfriend niyang si Yoongi kasama din sina Taehyung, Jin and Namjoon.
Nagpaalam kase siyang may bibilhin lang sa canteen sa baba,kaya siya nasa labas ngayon. Nagprisinta pa si Yoongi na ito na ang bibili sa gusto niyang kainin but he refused kase nga simpleng bagay lang naman na gawin ang bumili ng sarili niyang makakain.
Napatingin siya sa labas mula sa bintana at parang feeling niya gabi na dahil makulimlim ang panahon kaya medyo madilim ang buong kapaligiran. Tanging mga ilaw ang nagbibigay liwanag sa buong campus at sa hallway na kasalukuyan niyang dinadaanan.
Napasigaw siya ng malakas dahil kinalugdan siya ng pagkakataon as his surrounding became totally pitch perfect black. Tila nawalan ng supply ng kuryente,kaya nagpanic siya ng todo dahil takot na takot pa naman siya sa dilim.
Nanginginig man,pinilit pa din niyang magpatuloy sa paglalakad sa kahabaan ng hallway na dinadaanan niya. Nakaakyat siya sa second floor sa pamamagitan ng pakapa-kapa at paghawak sa wall pati na sa railings ng hagdanan.
"Mm,someone's scared in darkness?"
Isang malaking boses ang basta na lang sumulpot mula sa kung saan na nag-echo pa dahil sa katahimikan ng paligid kaya lalo siyang nanginig sa takot.
"S-sino ka?!"
"Ako ang prince charming mo"
Tumatawa pang sagot ng boses,at para siyang aatakihin sa puso nang biglang may humawak sa kamay niya na sobrang lamig sa pakiramdam.
"Tumakbo ka na"
Bulong pa ng medyo familiar sa kanya na boses at hindi pa man siya nakaka-react,hinila na siya sa kung saan."S-sino ka? Sa'n mo'ko dadalhin?"
"Sa lugar na magiging ligtas ka sa kanya. Don't ask too much questions, limited lang ang oras na meron tayo sa ngayon. Wag kang titigil sa pagtakbo"
Mahinhin ang boses nitong sagot at nagpatuloy lang sila sa pagtakbo.
"Sige takbo!!"
Lalo siyang nataranta dahil sa biglaang pagsulpot muli ng boses na malaki na parang ang lapit-lapit lang sa kanila ng kasama niya.
"Wag mo siyang papansinin,hindi niya tayo mahahanap dahil malayo siya saten. Wag ka lang titigil sa pagtakbo,Hopi "
"S-sige"
Kahit nanginginig ang mga tuhod,hindi siya tumigil sa pagtakbo gaya ng sinabi ng kasama niyang kahawak pa din niya ng kamay,wala silang paki kahit nababalot ng kadiliman ang dinadaanan nila.
Biglang liko sila,at huli na ng ma-realize niyang pumasok sila sa isang silid,dinig pa niya ang pag-locked ng pinto. Kahit papaano ay may liwanag na pumapasok kaya nakaka-aninag na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/135943480-288-k428749.jpg)
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...