*kinabukasan*Nagising si Jhope na medyo masakit ang katawan,at medyo nilalamig siya.Babangon na sana siya subalit tila may mabigat na nakadagan sa kanya,literally sa may lower part niya.. Muntik na siyang mapasigaw nang makita si Yoongi na sarap na sarap pa sa pagtulog sa tabi niya. Nakayakap pa ang mga kamay nito sa katawan niya,na maingat niyang tinanggal para hindi ito magising.
Isa-isa niyang pinulot ang mga nagkalat nilang mga damit,at sinuot yung kanya. Sa gulo ng kwarto niya,di na niya gustong maalala yung nangyari sa kanila kagabi at lalong walang dapat makaalam tungkol sa pagkakamali nilang pareho ni Yoongi.
Tahimik na siyang lumabas sa kwarto at didiretso na sana sa lobby ng hotel para makapag check out but,
"Hey Jhope! Lika let's eat breakfast muna"
Napalingon siya sa tumawag sa kanya,si Jin pala kasunod ang boyfriend nitong si Namjoon."S-sige. Goodmorning"
Nakangiti niyang bati sa magkasintahan. Ngumiti din ang mga ito sa kaniya at sabay-sabay na silang bumaba para makakain ng breakfast.Nadatnan nilang kumakain na din pala sina Taehyung,Micka,Jungkook at Jimin. Halos kasunod lang nila dumating din sina Jas at nahuli naman si Yoongi.
"Good morning everyone"
Masiglang bati pa ni Jas sabay beso sa kanilang lahat. Bumati naman din sila dito,at naupo na silang lahat para makakain.Umiiwas siya ng tingin kapag di sinasadyang magtatagpo ang mga mata nila ni Yoongi,and he really feels not comfortable talking to Micka kase nagi-guilty siya.
Masayang nagkukwentuhan sila ng biglang,
"Hon,good morning!"
Biglang entrance si Mark na may dala pang mga bulaklak. Patakbong lumapit pa ito sa kanya sabay kiss sa lips niya.
"M-Mark"
"Hi honey.. Nakatulog ka naman ba ng maayos? Sorry iniwan kita kagabi,si Bambam kasi broken hearted eh kaya nagpasamang mag senti.. Pero babawi ako sayo,hmm?"
"Ayos lang"
Ngumiti pa ito ulit sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. Nagi-guilty din siya dahil kahit naman sabihin na hindi siya masaya sa relationship nila ni Mark,sa mata ng ibang tao--boyfriend pa din niya at pagtataksil ang nangyari sa kanila ni Yoongi.
"Nagtatampo ka ba saken,hon? Sorry na"
Umiling siya at tinanggap naman ang mga bulaklak nitong dala,forcing himself to smile though deep down inside,ngiting makasalanan ang mga yun--ganun yung feeling niya.
"Uyy,ang sweet naman"
Panunukso pa ng mga kaibigan nila sa pangunguna ni Jimin. Lahat nakasmile sa kanila except Yoongi na kahit di niya ito tiningnan,dama niya ang tila galit nitong mga tingin.But he shrugged the thoughts of it,and try to look fine as possible.
"Okay lang Mark.. Teka kumain ka na? Saluhan mo na'ko dito".aya niya dito.
Tumango naman ito at pinaunlakan ang kanyang paanyaya saka naupo sa tabi niya. Masaya silang kumain ng breakfast--well,pinipilit talaga niyang maging masaya at i-ignore ang mga tingin ni Yoongi sa kanya. Pilit din niyang tinatanggal ang nangyari sa kanila ni Yoongi sa isip niya.
Sa pagkukulitan at asaran ng mga kaibigan,nalilimutan naman niya kahit papaano ang gumugulo sa isip niya. At ang masaya nilang pagkukwentuhan,
"Ahm hi excuse me"
Singit ng isang boses ng lalaki na nakatayo malapit sa table nila.Automatic silang sabay-sabay na napatingin sa lalaki na lumapit pa sa kanila,diretso sa gawi ni Jasmine na nakaupo sa tabi ni Taehyung.
"Hi miss...pasensya na sa istorbo pero,kagabi pa kasi kita tinititigan.. Ahm,what's your name? Pwede ko bang makilala ang isang napakagandang binibini na kagaya mo?"
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...