"Happy anniversary baby ko!!"
Yakap niya mula sa likuran ng pinakamamahal niya,sabay kiss sa pisngi nito."Aish,Jungkook naman eh! Papatayin mo ba'ko sa gulat? Kainis ka"
"Pftt..sorry na po baby ko,gusto ko lang naman na i-surprise ka dahil anniversary natin"
"Aysus,utot mo! May pa-surprise ka pang nalalaman diyan.. Wag ka nga,Kookie"
Natatawang hinarap niya ito at hinalikan sa ilong--isa yun sa lagi niyang ginagawa dahil gustong-gusto niyang hinahalikan ang maliit nitong ilong.
"Bakit? Kase kinikilig ka,aww ang baby ko ang kyot-kyot!! Totoo naman eh,may surprise ako sayo..pero bago yun,flowers muna for my baby. Happy first year anniversary, my Queen"
Nakatanggap lang siya ng tatlong hampas at cute na tawa mula dito.
"Queen talaga? Babanat ka na lang,ibagay mo naman. Ikaw talaga,but thanks anyways dito sa pabulaklak mo ehe. And siyempre, Happy anniversary sayo mahal ko.."
Kinikilig na niyakap niya ito ulit at iniupo sa isang bench. Jimin rested his head on his shoulder pero gusto niya sa chest niya kaya hinila niya ito ng mas palapit sa kanya. Natatawang tila naunawaan naman nito ang gusto niya,at mas humigpit ang yakap nito sa kanya.
"First year anniversary pa lang natin ito,pero sana madami pa tayong ise-celebrate na mga anniversaries siyempre kasama na din yung wedding anniversaries natin"
"Pftt, wedding agad? Agad-agad? Uy,mga bata pa tayo Kookie nuh? Kasal agad ang iniisip mo"
He frowned and looked at his cute little boyfriend.
"O bakit? Wala ka bang balak magpakasal saken? Teka nga,may balak ka pa bang maghanap ng iba? Di ako papayag"
Tawang-tawa pinagpapalo siya nito sa dibdib..
"Loko,hindi ganun. What I mean is,we're too young for that topic. Marami pang pwedeng mangyari sa'ting dalawa. Hindi natin masasabi kung anong mangyayari saten bukas. First year anniversary pa lang naman natin 'to.. Wag tayong magmamadali hm?"
Hinawakan niya ito sa chin para matingnan ng mata sa mata.
"Hindi ako nagmamadali,baby ko. Maghihintay ako sayo hanggang sa maging handa ka na. Pero gusto kong malaman mo na seryoso ako sayo. At wala na'kong balak na pakawalan ka. At sisiguruhin ko sayong anoman ang mangyari bukas,ikaw pa din ang gusto kong makasama. Ano man ang pagsubok na dumating sa mga buhay naten,basta magkasama tayo lahat kakayanin natin,hmm? Wag mo kong iiwan,maliwanag?"
Naluluhang nakipagtitigan ito sa kanya saglit,at tumango.
"Hindi kita iiwan hanggat di mo sinasabi saken na di mo na'ko kailangan sa buhay mo. Mananatili ako sayo,hanggat gusto mo"
"Promise?"
They locked their pinky fingers, tanda ng isang pangakong habang buhay niyang panghahawakan.
"I promise,Kookie"
"Good. Dahil magagalit ako sayo pag iniwan mo ko"
"Hindi nga"
"Talaga? Kiss mo nga ako"
"Tch,baby ko paraparaan ka nuh?"
Natatawang nagpacute siya dito.
"Hayaan mo na,anniversary naman natin eh. Sige na,isang kiss lang naman"
"Pftt.. sige na nga,nangonsensya ka pa. Isa lang ha?"
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...