i love you more than you'll ever know

437 13 0
                                    


*still jimin's pov*

Dinala kami--ako ni Jungkook sa isang private restaurant para kumain and to have some moments with our new friends. Sa pagkukwentuhan namin,nalaman kong magpa-five years na ang relationship nila Namjoon at Jin,tinanong ko nga sila kung ano na ang mga plano nila in the future,ang sumagot si Namjoon and being married is their ultimate dream. Siyempre,happy ako for them and wishing na sana matupad nila ang pangarap nilang pagpapakasal.

Nakilala ko na din ang boyfie ni Jhope na si Mark. Mabait siya saka member pala siya ng basketball team ni Jungkook. Dati din daw siyang member ng isang gang na piniling magbalik sa kabutihan--which is sa paglalaro nga ng basketball niya sinisimulan. Si Jhope daw yung nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa,bagong simula. Well as a Jhope na kilala ko,isa din siya sa mga taong may mabubuting puso at talagang kaya kang bigyan ng pag-asa. A sunshine of smiles,yun.

Si Yoongi at Micka naman na bago-bagong magdyowa palang pala. Sweet naman sila,pero sa nakikita ko parang may 'ilangan factor' pa. Okay lang naman yun,lalo't bago palang sila,so pag nagtagal mas makikilala nila ang isa't-isa. Nalaman ko na nag-iisang anak lang pala si Micka at sinasabi ko na nga ba,galing siya sa isang magandang pamilya--halata kasi sa pananamit nila at di naman yun katakataka lalo't nag-aaral sila ni Jas sa private university na pag-aari ng pamilya ni Jungkook.

And speaking of Jas,like Micka she's only daughter as well kaya sila naging mag bestfriend at parang magkapatid na ang turingan sa isa't-isa. Tinukso ko sila ni Taehyung at nakakatuwa na hindi siya pikuning tao. Pasimple nga na tinapakan ni Taehyung ang paa ko sa ilalim ng table namin.

"Jas may sasabihin daw si Taehyung sayo"

"Wala naman Chimchim eh!"

Pftt..ahahahaha.. Ang pikon talaga ni Taehyung.

"Ano yun? Sige na sabihin mo na Taehyung"

"Wala naman Jas.. Don't listen to this kid"
Taehyung shyly answered sabay tingin saken ng masama.

She just shrugged and continue eating while chatting to our friends. Ito namang katabi ko,panay ang hawak sa kamay ko. Hinarap ko siya,at agad pa siyang ngumiti saken.

"Tapos ka ng kumain baby ko?"
Malambing niyang tanong. Nag-smile ako sa kanya saka tumango.

"Yup..o ano naman yang tingin na yan? Alam ko na yan,Kookie"

"Ayy grabe siya..aha"
Tumatawang sagot pa niya at muling hinawakan ang mga kamay ko sabay kiss. Nakita yun ng tropa,kaya eto tampulan na naman kami ng tukso.

"Ayiehhh..."
Sabay-sabay pa nilang tukso...arghhh! Nakakahiya.. Pero itong katabi ko parang wala lang sa kanya,bagkus ngingitingiti pa.

"Guys,labas muna kami ng baby ko ha? Saglit lang kami...may sasabihin lang ako sa kanya"

"Sure! Take your time couple!!"
Aish,kailangan ba sabay-sabay talaga sila sa pagsagot??

Di pa man ako nakakasagot,hinila na'ko patayo ni Jungkook at kulang na lang buhatin na palabas dito sa restaurant na'to. Teka, bakit ngayon ko lang napansin na hotel pala itong pinagdalhan niya samen?

"Good evening sir Jungkook"
Binabati pa siya ng mga employees ng hotel na'to.

"Hi goodevening. Lika na baby ko"

Sumama na lang ako sa kanya kung saan niya ako balak na dalhin. Dinala niya ako sa napakalawak na garden ng hotel na'to--wahh!! Ang ganda ng mga bulaklak,may iba't-ibang klase,mga kulay at laki.. Woah,this is so beautiful!

"Nagustuhan mo ba,mahal ko?"
He asked sabay yakap pa sa likuran ko. I hummed,leaning on his chest.

"Oo..pa'no mo nalaman na may ganitong lugar sa hotel na'to?"

Kookmin's presents: Then,Now and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon