Whoops!!

661 20 1
                                    


"I-ikaw na ba talaga yan,baby ko? Hindi ba'ko nananaginip lang ng gising or nag-i-imagine?".
Di niya makapaniwalang tanong dito. Muli itong natawa at hinarap siya ng mata sa mata.

Nakangiting hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi.

"Kung nananaginip ka lang,baka binangungot ka na dahil ako ang napapanaginipan mo. Di ka din siguro nag-i-imagine lang,kase ang pangit naman ng imagination mo pag nagkataon. I'm real,Kookie. I'm just a guy,standing in front of a boy,asking him to love me--joke! Pftt,ehe"

Bahagya siyang natawa sa banat nitong yun pero ayaw niyang minamaliit nito ang sarili nito. He hates how much Jimin's lack of self confidence.

"Hayy~ Jimin pakisermunan please oh! Dami naming stress sa dyowa mong yan"
Sabad ni Taehyung, na sinang-ayunan ng lahat.

"Pftt, makakaasa kayong lahat"
Pabirong sagot naman ni Jimin sa mga ito. Muli naman siya nitong hinarap,at nginitian siya ng pagkatamis-tamis. Na sobra niyang na-miss.

"I missed you, alam mo ba yun? Bakit ang tagal mong bumalik? Akala ko mamamatay akong naghihintay sayo.. S-sorry baby ko ha? Sorry"

Naiyak na naman siya. Feeling niya hindi siya naging mabuti dito lalo na nung nasaktan niya ito nung magkita ulit sila sa unang pagkakataon after their 3 years being far away from each other--ng pagbi-break nila. Dahil sa galit niya,nagawa niya itong saktan. He feel so stupid for letting his anger to close his eyes na kung tutuusin wala pala siyang karapatan na magalit dito dahil sinunod lang nito ang kagustuhan ng Mommy niya. Nagsakripisyo ito para sa kanya,na kahit masaktan ito at mag-iisa,pinili pa din siya nitong bitawan para sa kapakanan daw niyang sinasabi ng Mommy niya.

Nagagalit siya ngayon sa sarili niya dahil napabayaan pa niya ito. Kundi siguro dahil sa kapabayaan niya at pang-iiwan dito nung araw na yun,hindi na siguro ito nawalay ulit sa kanya.

Naramdaman niya ang malalambot nitong palad na pumahid sa mga luha niya.

"Bakit ka naman nagso-sorry? Di ba dapat ako ang nagso-sorry sayo kasi iniwan kita ulit? Sorry,natagalan bago ako nakabalik"

Kinabig niya ito at muling niyakap ng sobrang higpit. Ngayon,sisiguruhin na niyang hindi na talaga niya ito pakakawalan. Na kahit sino pa ang humadlang sa kanila,ipaglalaban niya ito kahit buhay pa niya ang itaya niya. Ito lang naman talaga ang bumubuhay sa kanya. Hindi siya mabubuhay kung mawawala ito sa kanya.

"W-wag mo na ulit akong iiwan ha?"

"Sige.."

Hinarap niya ito at tumingin sa mga labi nito na sobra niyang hinihiling na muli niyang mahagkan,matikman. He leaned,slowly reaching Jimin's soft lips but before he could kiss him,

"Whoops!! Teka,teka,teka! Ano 'to?! Hahalikan mo na ang anak ko di pa kayo ulit? At ikaw naman bata ka,magpapahalik ka naman!"
Singit ng boses ng Papa nito. Napaatras tuloy siya.

"U-uncle Jiyoung"

"Ano,aangal ka Jungkook? Kung gusto mong mahalikan ang anak ko,pagpaguran mo muna. Ligawan mo muna siya ulit hanggang sa sagutin ka niya. Mga batang 'to"

"Papa naman"

"Isa ka pang bata ka. Hindi pa man kayo ulit ni Jungkook,magpapahalik ka na. Hala,lika na uuwi na tayo"

Naalarma siya sa mga narinig mula sa Papa nito. Mabilis niyang hinila si Jimin at niyakap ng mahigpit.

"S-sandali lang po,uncle. Wag niyo naman ilayo saken ang baby ko,ngayon l-lang po kami nagkita"
Reklamo niya.

Kookmin's presents: Then,Now and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon