Face to Face

245 8 0
                                    


Another sleepless day to start for Taehyung again as he can't wait to talk to Jas today. He would want to confront Jas or rather tell her everything.

Hindi nga na naman siya nakatulog kagabi dahil sa sari-saring mga bagay na tumatakbo sa isip niya, kakaibang pag-aalala na pagkatapos ng araw na'to, madami ng magbabago sa kanilang dalawa ni Jas.

As if on cue,his phone beeped indication that he has message---it's from Jasmine.

From: my one and only

Morning Taehyung.. I'm expecting you to meet me at the park.. Alam mo na un dba? I'll see you around.. Have a nice day

He smiled despite the heavy feelings he feels right now. The message alone from her made his day turned to a beautiful start. Nangingiting ni-reply-an niya ito.

To: my one and only

Be there,beautiful.. Good morning,and pls don't forget to eat first ok? See you later..i love you 😽

Di mawala ang ngiti sa labi niya kahit hindi na ito nag-reply sa kanya. Kaya he did some stretching muna before he took a shower, then put his uniform on. He prepared cereal as his breakfast since tinatamad na siyang magluto pa ng kung ano-ano. Atleast may gana na siya sa pagkain ngayon kesa nitong mga nakalipas na araw na binabagabag siya ng mga isipin tungkol sa nakaraan niyang kinalimutan na niya pero gusto niyang sabihin kay Jas,hindi nga lang niya alam kung pa'no.

But today,he'll tell her everything. As in he's ready now to reveal his dark history. Ano man ang maging reaksyon nito,buong puso niyang tatanggapin.

"It's now or never"
He thought.

Binilisan na lamang niya ang pagkain,trying to filled his mind na magiging maayos ang kalalabasan ng pagko-confess niya. Kailangan lang niya maniwalang maiintindihan siya ni Jas,at nananalig na tatanggapin pa din siya nito.

Pasakay na lang siya sa kotse niya ng mag-ring ang phone. Medyo nadismaya siyang hindi si Jas ang caller kundi si Jungkook. But he answered the call,anyways.

"Hi Jungkook,napatawag ka?"

"What's your plan for today?"

Hindi si Jungkook ang nagtanong kundi si Jimin. Dinig din niya ang mga boses ng mga kaibigan marahil nasa room na nila ang mga ito.

"Well,it's now or never. I'll tell her everything. Male-late lang ako ng konti guys. Please excuse me to my professors"

"We will, buddy. Goodluck!"

"Thanks Jungkook. Sige na,I have to go. See you later,bye"

Nagpaalam na din ang mga ito saka ibinaba na ang tawag. Siya naman,sumakay na sa kotse niya at patungo na sa park kung saan sila magkikita ni Jas.

Meanwhile,

Dahan-dahan na tinutulak ni Jasmine ang kaibigan na si Reese,na inaya niya kuno mamasyal pero ang totoo,pagtatagpuin lang niya ito at si Taehyung.

Yup, may desisyon na siya at ito yun. She would prefer to be a cupid than choosing to be selfish. Call her stupid,tatanggapin niya. Call her tanga,alam na niya yun. Call her baliw, oo baliw na siya sa pag-ibig that she could do anything to make her love of her life,also known as Taehyung to be happy.

"Jas,where you taking me?"
Tanong nito sa kanya na bahagyang tumingala para matingnan siya.

"Umm sa favorite park na palagi kong pinupuntahan. I want to show that place to you,Reese"

Kookmin's presents: Then,Now and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon