Dahil gabi na,nagpasya ang magbabarkada na mag-check in na lang sa hotel na pag-aari ng pamilya ni Jungkook. Tutal ay wala naman silang pasok sa school bukas,nagkayayaan pang mag-inuman sina Jungkook, Namjoon,Yoongi,Taehyung, at nakisali na din sa kwentuhan sina Jhope at Jimin habang ang dalawang girls, nagpapahinga na sa shared room ng mga ito.If hinahanap niyo si Mark,iniwan na si Jhope ng nag-iisa. Ilang linggo palang ang nakalipas since sinagot ni Jhope si Mark,parang nakikilala na niya ang ugali ni Mark.. Mabait ito,oo pero parang may ugali itong hindi niya gusto. Yun ay ang,isang tawag lang ng mga barkada nito,parang bigla siya nitong nakakalimutan.
Parang ngayon,ni hindi ito nag-abala man lang na alukin siyang ihatid sa condo niya o samahan man lang siya. Parang mas pinili nito ang pakikipag-inuman sa mga barkada nito kesa sa kanya na boyfriend nito. Eto siya ngayon,napapabuntong-hininga na lang at dinadaan na lang sa patikim-tikim ng wine na iniinom nila para subukang alisin ang sama ng loob niya kay Mark.
Para na nga siyang nagsisisi na sinagot niya ito-- e kasi naman lagi siya nitong kinukulit at talagang hindi tinigilan. Lagi itong buntot ng buntot sa kanya, so dahil sa nakulitan siya dito--ayun,sinagot na niya para magtigil na.
Napatunayan din naman kasi niya na mabait ito,gentleman naman din kahit may pagkaplayboy ang dating,at minsan napapaaway kasama ng mga barkada nito. Masaya naman siya with Mark eh,pero parang hindi lubos yung saya niya--basta hindi pa niya ma-explain ngayon.
"Halika baby ko,hatid muna kita sa room mo. Baka makasama sayo ang amoy ng alak"
Napangiti siya sa sinabing yun ni Jungkook kay Jimin. Happy siya sa dalawa dahil mukhang naaamoy na niya ang pagbabalikan ng dalawa."O sige.. Jhope,pasok na'ko sa loob. Okay ka lang ba dito?"
Harap ni Jimin sa kanya. Ngumiti siya dito at bahagyang pinisil ang pisngi nito ."Oo naman. Goodnight, Chimchim"
"Goodnight hyungs..ikaw Kookie,wag masyado madaming inom. Pagkatapos niyo dito,pahinga ka na din sa room mo"
Paalam pa nito sa kanilang lahat sabay paalala na din kay Jungkook."Opo, masusunod aking kamahalan. Hayy~ di ba talaga tayong mag-share sa iisang room baby ko?"
"Hindi pwede,baka ibigti ka ng Papa ko. Sige na wag mo na'kong ihatid. Kaya ko naman.. See you guys tomorrow"
"See you!"
Sabay-sabay pa nilang ganting bati kay Jimin. Humalik na lang si Jungkook dito bago pumasok na si Jimin sa loob ng hotel."Ang tamis naman....sinagot ka na ba dude?"
Tanong ni Namjoon kay Jungkook."Hindi pa pero parang kami na din.."
"Ha? Ano yun? Hindi pa kayo pero parang kayo na..anlabo yata. Lasing na yata ako"
Natawa silang lahat sa hirit na yun Taehyung."Wag kami kase ang intindihin mo..ang asikasuhin mo,kung pa'no ka magtatapat ng pag-ibig kay Jas.. Ha! Sino bang mag-aakala na ang isang Kim Taehyung,isa palang torpe?"
"Yah! Tigilan mo nga ako Jungkook.. Kumukuha lang ako ng tiyempo, wag kayong mainip"
"Psh..kelan ka naman kikilos? Aynako Taehyung,sa bagal mong yan baka maunahan ka pa ng iba"
Sabad ni Jin. Bahagya siyang napangiti dahil sa nakasimangot na reaksyon ni Taehyung."Onga,ligawan mo na para may lovelife ka na din. Kagaya nitong si Jhope at Yoongi,mukhang Happy naman sila sa mga partners nila"
Segunda pa ni Jungkook. Na sinang-ayunan ni Namjoon.Bigla siyang nailang sa pagtatama ng mga mata nila ni Yoongi kaya nag-iwas siya ng tingin sabay lagok sa baso niyang punong-puno ng wine.
"Woah..take it easy,Hoseok. Okay ka lang ba?"
Tanong pa ni Jin sa kanya. Nag-smile lang siya dito at tumango bilang sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/135943480-288-k428749.jpg)
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanficWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...