"Aish,sa'n ba nagpunta yang si Jungkook? Kaasar"
Inis na tanong ni Namjoon sa kanilang dalawa ni Jin."Ang mabuti pa siguro,maghiwa-hiwalay tayo"
Suhestiyon niya sa magkasintahan,na agad sumang-ayon at naghiwahiwalay nga silang tatlo.Sinimulan niyang maghanap sa second floor,at sa paghahanap niya kay Jungkook, iba ang nahanap ng mga mata niya.. And his breath hitched,as his eyes met her's.
Ngumiti pa ito sa kanya na nagpatigil saglit sa pagtibok ng puso niya. At tila ba tumigil din sa pag-ikot ang mundo niya nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya.
"Hi Taehyung..bakit nakalabas ka pa?"
Nakangiti pa nitong tanong sa kanya. Para siyang ninenerbiyos at di niya matagalan ang mga tingin nito.
"H-hi Jas.. Umm,hinahanap ko kasi si Jungkook. D-Di mo ba napansin?"
"Hindi..bakit? Anyare?"
"Nagkatampuhan yata sila ni Jimin eh.. I don't know the details but it seems na seryoso ang pinagtalunan nila the way Jungkook cried. Iba pa naman yun mag-isip baka makipag-away na naman siya"
"What? Halika na,tulungan na kita sa paghahanap sa kanya"
Tumango naman siya,too glad na hindi naman pala siya nito iniiwasan. He offered his hand and he smiles as she took it naman,accepting it.
Sabay na silang naglakad para hanapin si Jungkook sa kabuuan ng second floor,nagbabakasakaling mahanap ang kaibigan nilang mainitin ang ulo.
"Ahm,Jas.."
"Oh?"
Tumingin siya dito habang naglalakad pa din silang dalawa sa kahabaan ng hallway ng second floor.
"Y-Yung ano--umm,pagtatapat ko ng feelings for you. B-basted na ba talaga ako?"
Napatigil ito sa paglalakad at hinarap siya para salubungin ang kanyang mga tingin. Parang gusto niyang upakan ang sarili niya for bringing back their last encounter--nung nagtapat siya na gusto niya ito. Mukha kasing di pa siya ready for another rejection from her.. Magtu-two weeks na nga actually since nung araw na yun,at hanggang ngayon ang di nito pagsagot sa kanya--sa feelings niya ang pinoproblema niya.
Di niya matanggap eh...first time niya kaseng ma-reject lalo na gustong-gusto niya ang nanreject sa kanya.
"Ja---
"Yun ba? Wala na saken yun,move on na tayo"
"H-ha?"
Di siya makapaniwala sa narinig niya mula dito.
"A-anong ibig niyang sabihin? Move on? Dapat na'kong mag move on dahil wala akong pag-asa? Oh God!"
He flinched and felt sad on his own thoughts.
"K-kung ganon,binabasted mo na'ko?"
Mataman lang itong nakatingin sa kanya pagkuway bahagyang natawa.
"Teka, nanliligaw ka ba? Hindi yata tayo nagkakaintindihan dito. As far as I remember, you kissed me after you confessed,tama? You asked me kung may pag-asa ka,sabi ko pag-iisipan ko. Hindi kita binasted,dahil hindi ka naman nagsabi ng manliligaw ka"
"Jas"
Natawa na naman ito,lightly pinching his cheeks.
"Alam mo,kung di ka lang gwapo sinapak na kita..ang slow eh,aigoo. If may balak ka--kung may balak ka lang naman,then you have to ask me properly. At wag mo kong daanin sa mabilisan"
![](https://img.wattpad.com/cover/135943480-288-k428749.jpg)
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanficWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...