*still jimin's pov*Umakyat na lang ako sa kwarto ko para magpalit ng mas komportableng damit gaya ng utos ni Papa.
That's how my Papa treating me everyone..palibhasa kasi dalawa na lang kami. Wala na'kong Mama kase after she gave birth to me, nagkaroon ng komplikasyon na naging sanhi ng pagkamatay niya.
Kaya ganito na lang kung maging overprotective si Papa saken. Alam ko natakot siya at sobrang nag-aalala na muntik na'kong mawala sa kanya. Pero maswerte ako na binigyan pa'ko ni Lord ng isa pang chance para mabuhay at samahan ang Papa ko--lalo siyempre si Jungkook.
Ang speaking, kailangan ko ng bumaba baka binebenta na'ko ni Papa sa kanya or di kaya kung ano-ano na naman sinasabi sa kanya. Arghh,nakakahiya yung nangyari kanina,maryosep!
Mabibilis na'kong naglakad pababa dahil hindi ako pwedeng tumakbo. Pagbaba ko palang sa hagdan,nadatnan kong nagkukwentuhan silang dalawa ni Papa at parang masaya sila sa pag-uusap nila.
Gugulatin ko sana sila kaya lang ako ang nagulat dahil sinumpong ako ng pagiging tanga ko at natamaan ko ang babasaging flower vase na agad bumasag saka tumama sa paa ko--ouch. Ang tanga shet!
"Chim!"
"Baby ko!"
Sabay pa silang tumakbo palapit saken, checking the hell out of me.
"Ayos ka lang ba baby ko?"
"aish, batang 'to di kasi nag-iingat.. Dito ka muna Jungkook,kunin ko lang yung first aid kit sa CR"
"Opo uncle"
Inupo ako ni Jungkook sa sofa,removing my slipper na namantsahan na ng dugo. Maliit lang naman yung sugat,so kaya ko naman ang sakit.
"Hey,I'm okay Kookie. Maliit lang naman na sugat yan"
"Kahit na,nasaktan ka pa din. Tsk, mag-iingat ka nga baby ko..Ayoko ng nasasaktan ka"
"Ayos lang ako,talaga. Di naman masyadong masakit"
Tumingin siya saken na halatang nag-aalala talaga tas kinuha niya ang panyo niya saka pinampunas sa sa paa kong nasugatan. Mayamaya pa dumating na si Papa saka nilinisan at ginamot ang sugat ko.
Mula sa labas,tumunog ang doorbell baka ang barkada na ang mga yun.
"Ako na po, uncle"
Prisinta ni Jungkook,at tumayo na para pagbuksan ang mga bisita namen."Anak,gusto kong malaman mong hindi ako tutol sa inyong dalawa ni Jungkook"
"Papa.."
Nakangiting tumingin siya saken at naupo na sa tabi ko after niyang malagyan ng bandage ang sugat ko sa paa.
"Follow your heart. Gawin niyo ni Jungkook ang mga bagay na magpapasaya sa inyo. Kung talagang nagmamahalan kayo at sa tingin niyo kaya niyo na,susuportahan ko pa kayo. Ang akin lang,mas masarap ang mga bagay na pinaghihirapan,yung hindi kinukuha sa mabilisan at pagmamadali. Madami man ang hindi kayo mauunawaan,madami man ang huhusga sa inyong pagmamahalan, madami man ang makekealam at pilit kayong paghiwalayin o kung magalit man sa inyo ang buong mundo,basta nagkakaunawaan at nagtitiwala kayo ni Jungkook sa isa't-isa, walang sinoman ang makakatibag sa inyong dalawa. Hanggat naniniwala kayo sa pagmamahalan niyong dalawa,walang sinoman ang kayang sirain ang pagsasama niyo"
Aww..kanina lang sobra niya kong pinapahiya kay Kookie ngayon naman pinapaiyak naman niya ako sa paglalahad niya ng suporta samen ni Jungkook.
"Thank you po, Papa"
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...