Wanna hold you

443 13 0
                                    


*still Jimin's pov*

Dinala ako ng Mommy ni Jungkook sa office niya which really made me nervous. Literal na nilalamig ang katawan ko dahil sa kaba at sa lakas ng aircon. Saka medyo natatakot ako sa kanya,baka kaya gusto niya akong makausap dahil makikiusap na naman siya saken na layuan si Jungkook.

Ang tanong lang diyan,ay kung kaya ko pa ba? Yun na nga eh,malinaw ang sagot na hindi. Ayoko na siyang saktan,at di ko alam kung makakaya ko pa bang malayo sa kanya. Kaya ko nga pinilit na mabuhay eh,saka ginusto ko talagang mabuhay para sa kanya--para kay Kookie.

"Hey,are you okay? Nabanggit saken ni Jungkook na,nagkaroon ka daw ng sakit sa puso? Sabihin mo kung may dinaramdam ka ha? Ipapadala kita sa hospital"

"A-ayos lang po ako,Madam J-Jeon"

Lintik na dila 'to,ngayon pa nagiging bulol. Bwisit..

"Sabi ko,call me Mommy.. Or sige medyo advance ang tawag na Mommy,aunt Mina pwede na"

Nakangiti pa niyang sabi--ibang-iba sa matapang at seryoso niyang expression dati nung kinausap niya ko.

"P-po?"

"Aww,grabe ang cute-cute mo talaga. Ibulsa kita eh,pftt.. Alam ko na natatakot ka saken.. Uy,sorry ha?"

Lumapit pa siya saken at hinawakan ang dalawa kong kamay,gently squeezing them habang nakatingin siya sa mga mata ko.

"Kaya kita gusto makausap ay para personal akong makahingi ng tawad sayo. Alam mo,nahihiya nga ako sayo eh pero kailangan ko ng kapalan ang mukha ko para harapin ka. Patawarin mo sana ako sa nagawa ko sa inyo ng anak ko. Akala ko,yun ang tamang gawin para bigyan ng maayos at magandang buhay ang anak ko. Hindi pala,dahil yun pa ang naging dahilan para magkaroon kami ng gap ng anak ko,na yung akala ko magiging masaya siya hindi pala. Lalo ko lang siya sinaktan,naging miserable siya,na nagbago siya. That's the biggest mistakes I've ever had. Siguro, kung kaya ko lang ibalik yung nakaraan na yun,itatama ko ang lahat. Pero huli na,dahil halos isumpa na'ko ng anak ko. Sorry talaga,Jimin. Yung akala ko tama,mali pala.. Patawarin mo ko anak ha?"

Wahh~ medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pagtataboy saken ang pag-uusap na'to kundi paghingi ng kapatawaran. I smiled to her,and gave a light squeezes her hands.

"Matagal ko na po kayong pinatawad. Wala na po saken yun,dahil naiintindihan ko po kung bakit niyo yun nagawa. At kaya ako pumayag noon,dahil pareho tayo ng gusto for Jungkook. Sabi nga po ng anak niyo,kalimutan na lang natin ang lahat. Hayaan niyo po,pagsasabihan ko pa yang si Jungkook na patawarin na kayo. Loko yun,mommy pa din niya kayo kaya hindi niya kayo dapat tinatrato ng hindi maganda"

"Wag na,nagkaayos na din kami at pinatawad na din niya ako...yun ay dahil din sayo. Hindi ako naging mabuting magulang sa kanya,pero nagawa niya ulit akong tanggapin dahil sayo. Hayy~ kung alam ko lang na ganyan ka kabuting bata,di ko na siguro nagawa ang kagagahan ko na yun"

"Ayos na po yun,aunt Mina. Masaya po akong nagkaayos na kayo ni Jungkook. Yun lang naman po ang gusto ko"

Ngumiti lang siya saka hinawakan ako sa mukha,para pa siyang maluluha habang nakatingin lang saken.

"A-aunt Mina"

"Noon pa man na una kitang makita parang nakikita ko na sayo ang isang kakilala ko na sobrang malapit sa puso ko. Hindi ko lang yun pinansin,pero ngayon alam ko na ang totoo. Ikaw pala ang nag-iisang anak ng best friend ko na si Minerva. Nitong mga nakaraang araw ko lang nalaman ng magtagpo kami ng Papa mo dito mismo sa school na'to. Sorry talaga hmm? Hindi ako naging mabuti sa anak ng mahal kong kaibigan"

Kookmin's presents: Then,Now and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon