Balita.Isang balita ang gumimbal sa kanilang magkakaibigan---sa kanya. Ang nagpaguho sa kanyang mundo. Ang babaeng nagpabago sa kanya,saglit lang pala niyang makakasama.
Confirmed.
Sa kanya, ang bangkay na natagpuan. Dahil sa necklace na suot nito na siya mismo ang nagbigay para makilala nila ang identity ng sunog nitong labi.
Parang otomatik na nawalan ng kulay ang buong paligid niya,nawalan ng saysay ang buhay niya. Parang gusto na lang niyang iiyak ang lahat tas balik okay na lahat--na makakasama pa din niya ito.
Pero hindi eh,kahit matulog siya maghapon o kahit magwala siya,wala ng mangyayari--hindi na mababalik ang buhay nito.
"A-ang baby ko.. Taehyung,anong nangyari sa anak ko?"
Umiiyak na biglang pasok ang mga magulang ni Jas at lumapit sa jade jar na hawak-hawak niya simula pa kaninang matapos i-cremate ang labi nito."S-sorry po auntie,uncle.. H-Hindi ko siya napangalagaan gaya ng ipinangako ko sa inyo... Sorry po"
Napahagulgol na siya habang tinu-turn over ang lalagyan ng labi ng minamahal niya sa Daddy nito.
Pati ang mga kaibigan nila,umiiyak lang din na niyakap siya. Lalo na si Jimin na kahit pinayuhang magpahinga muna sa hospital,nagpumilit ng lumabas para makapunta sa burial ng namayapa nilang mabait na kaibigan.
Parang muling nanariwa ang sakit ng pagkawala ng anak nina Jin dahil sa pagkawala ng kaibigan. Dama niya ang sakit na dinaramdam ngayon ng parents ni Jas dahil isa na din sana siyang magulang but unfortunately nawalan din siya ng anak.
Ito lang naman kase ang nagpapayo sa kanya,at nanenermon sa kanya dahil sa pag-iwas niya kay Namjoon. Feeling kase niya,di siya karapat-dapat kay Namjoon kase nga ni hindi man lang niya napansin na may laman na pala ang tiyan niya at hindi napangalagaan ang anak nila. Sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ng anak nila dahil sa kapabayaan niya.
For Namjoon,masakit din para sa kanya ang mawalan ng isang mabuting kaibigan. Parang kahapon lang,nawalan sila ni Jin ng anak,tas ngayon nawalan din sila ng isang mabuting kaibigan na palaging nakikinig sa lahat ng sentiments niya,lahat ng hinanakit niya dahil naging cold sa kanya si Jin,na iniiwasan siya ng boyfriend niya.
Hindi na niya malaman ngayon kung ano ang una niyang iisipin dahil sobrang bigat ng mga pinagdadaanan niya---pati na ng mga kaibigan niya.
Sobrang iyak din ni Micka dahil sa pagkawala ng best friend niya na parang kapatid na niya. Hindi niya matanggap na,mawawala sa kanila ang isang napakahalagang tao lalo sa kanya.
Kahit na minsan,madalas silang mag-asaran na dalawa,at the end of the day magkasundong-magkasundo sila minsan pa nga magkatabi silang matutulog. Paniguradong mami-miss niya ang ka-sweetan ng kaibigan niya.
Napapahagulgol na inalala naman ni Jhope ang kabaitan at ka-kwelahan ng kaibigan nilang si Jas,ang mga nagawa nito para sa kanya.
Ang mga payo nitong humaplos sa puso niya,ang nagpaunawa sa kanya sa lahat ng bagay.
Niyakap na lang ni Yoongi ang umiiyak na kasintahang si Jhope,and silently prayed for her peace kung nasaan man ito ngayon.
Si Jungkook naman na pinapatahan din ang umiiyak na si Jimin,nalulungkot din siya sa nangyari sa kaibigan,at nagpapasalamat siyempre dahil iniligtas nito ang mahal niya sa tiyak na kapahamakan.
Si Jimin na sising-sisi dahil wala siyang nagawa para subukang isalba ang buhay ng kaibigan niya.
Na kung sana hindi siya nagpanic baka sakali pareho silang nakaligtas na dalawa,pero hindi eh. Mas inuna pa nito ang kapakanan niya kesa sa sarili nitong buhay.
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...