"Papatayin ko talaga si Yoongi kapag may nakita akong titi."
Iritadong binuksan ni Jimin ang apartment ni Yoongi, mabuti nalang at malapit lang ang tinitirahan niya dito kaya naman konting lakad lang ang kaylangan niyang gawin para makapunta sa apartment ng kaibigan niya.
Pagbukas niya ng pinto ay walang pakundangan siyang pumasok sa loob, mabuti nalang at may susi siya nito, inilibot niya agad ang paningin niya pero hindi niya agad nakita si Yoongi kaya naman naglakad siya patungo sa kwarto nito.
Nang mabuksan niya ang pinto ng kwarto nito ay bigla siyang natigilan.
Nakita kasi siya ng babaeng hinahawakan ang sarili niyang dibdib, biglang nanlaki ang mata ni Jimin at agad namula ang buong mukha niya ng makita niyang kinawit pa nito ang buhok niyang maiksi sa tenga niya bago niya pinagpatuloy ang paghaplos sa kanyang dibdib.
Alam ni Jimin na mali ang ginagawa niyang pagpanuod sa ginagawa ng babaeng hindi naman niya kakilala pero dahil isa siyang lalaki na laging nakasagad ang level ng kanyang hormones ay pinanuod pa rin niya ito.
Unti-unting bumigat ang paghinga niya habang pinapanuod niya ang babaeng tila nagtataka sa ginagawa niya, kung kaylan nasasarap na sa panunuod si Jimin ay tsaka pa siya napansin ng babae, mabilis na namula ang mukha nito ng mapansin niyang may taong nanunuod sa kanya at nakita lahat ng ginawa niya.
Pati si Jimin ay bumalik sa kanyang huwisyo ng makita niyang nakatingin sa kanya ang babae gamit ang gulat na ekspresyon.
"S-Sorry! N-Namali yata a-ako ng aparment ng pinasukan! Sorry po! Sorry!" Mabilis na nagtatakbo si Jimin paalis, pulang-pula ang mukha niya ngayon.
Alam niyang hindi siya nagkamali ng pinasukan ng kwarto, maaring kamag-anak ito ni Yoongi dahil kamukhang kamukha niya ito, para bang babaeng version ito ng kaniyang kaibigan.
"Teka saglit lang Jimin!" Sigaw ng babae.
Mabilis na natigilan si Jimin ng tawagin siya nito sa pangalan niya, naguluhan at nagtaka agad ang binata dahil hindi niya alam kung papaano siya nakilala ng babae.
Nang hinarap niya ang babae ay mas lalo niyang nakita na kamukhang kamukha nga ito ng kaibigan niya, nakasuot ng maluwag na puting shirt ang babae habang nakasuot ito ng maluwag na jersey short, pamilyar sa kanya ang mga damit at sigurado siyang kay Yoongi iyon.
Wala itong suot na bra kaya naman bumaba agad ang tingin ni Jimin sa dibdib ng babae dahil bumabakat ito.
"Jimin, ano ng gagawin ko?!" Natatarantang tanong ng babae bago siya lumapit lalo kay Jimin.
Sa mga oras na 'to ay pareho silang naguguluhan.
Bahagyang napaurong si Jimin dahil nag-iinit na siya dahil sa babaeng nasa harapan niya, ikaw ba naman ang maiwan sa loob ng isang apartment, kayong dalawa lang ng isang cute na babae na walang suot na bra at panay ang dikit sa iyo. Hindi nyo naman masisisi si Jimin at ang mas maliit pang Jimin kung nagkakaganiyan sya.
Nalunok si Jimin ng bahagya niyang inalis ang kamay ng babaeng nakahawak sa kamay niya ngayon.
"M-Miss, p-paano mo ko nakilala?" Nagtatakang tanong ni Jimin, pinipilit ang sarili huwag bumaba ang tingin sa dibdib ng babae para makapag-isip siya ng ayos.
Masyado kasi siyang nadidistract sa dibdib nito.
"Gago! Ako 'to! Si Yoongi!" Sigaw ng babae sa kanya.
Biglang naguluhan si Jimin sa sinabi nito, "You mean kakambal ka ni Yoongi?"
"Siraulo! Ako nga 'to! Anong kambal?! Wala akong kakambal! Tagal na nating magkaibigan di mo pa alam!" Pag-ulit nito, mas lalo siyang nairita sa kaibigan niyang si Jimin.
"Papaano nangyari yun?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jimin habang tinitingnan niyang mabuti ang babaeng nasa harapan niya.
Payat na si Yoongi pero mas pumayat pa ito lalo, humaba ang buhok nito hanggang balikat at lumiit din ito kaya naman mas malaki na ng kaunti si Jimin sa kanya.
"Hindi ko rin alam! Basta nagising nalang ako ng ganito na yung katawan ko! Ano ng gagawin ko?! Nanaginip lang ba ako? Sabihin mo nga sa akin na nananaginip lang ako! Jimin tulungan mo ko!" Sigaw nito.
Napakurap ng kaunti si Jimin habang pilit niyang sinisink in sa utak niya lahat ng sinabi ng kaibigan niya, hanggang sa unti-unti siyang pumalakpak.
"Nice acting pre, pwede ka ng pang-oscar! October palang pero ready ka na agad sa halloween, at cross-dressing pa talaga ang naisip mo? Wow..." Hindi makapaniwalang sabi ni Jimin habang patuloy na pumapalakpak ng dahan-dahan.
"Ha?! Hindi ako nagbibiro!" Iritadong sigaw ni Yoongi, hindi kasi siya nakahanda sa sasabihin ng kaibigan niya, akala kasi niya kapag sinabi niya ito kay Jimin ay maniniwala agad ito sa kanya.
Pero sinong niloko niya, masyado kasing imposible at hindi kapani-paniwala ang nangyari sa kaniya.
"Ang ganda ng buhok mo, mukhang totoo." Hinawakan ni Jimin ang buhok ni Yoongi pero hinampas iyon ni Yoongi sa sobrang inis niya sa kaibigan niya.
Pero mukhang hindi iyon napansin ni Jimin dahil sanay na siya sa pagiging masungit ni Yoongi.
"Etong boobs mo talaga pinakagusto ko, saan mo nabili 'to?" Tanong ni Jimin bago niya biglang hinawakan ang dibdib ni Yoongi.
Nanlaki ang mata ni Yoongi ng pinisil-pisil pa ito ni Jimin, hindi pa nakuntento ang binata dahil dinalawang kamay pa niya ang pagpisil sa dibdib ng kanyang kaibigan.
"Para talagang totoo." Hindi makapaniwalang sabi ni Jimin habang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya.
Unti-unting bumaba ang tingin ni Yoongi sa kamay ng kaibigan niya na pinaglalaruan ang kanyang dibdib, unti-unting namula ang mukha niya hindi sa hiya kundi sa galit.
"Shet ang lambot bro, tumitigas rin yung--"
Biglang nawala ang ngiti ni Jimin ng makita niya ang masamang tingin sa kanya ng kaibigan niya, para bang kinakaladkad na siya nito patungo sa impyerno dahil lang sa nakakatakot na tingin nito.
Mabilis na tinitigilan ni Jimin ang paglalaro sa dibdib ng kaibigan niya bago niya itinago ang kanyang kamay sa likuran niya. Napalunok siya ng makita niyang halos may lumabas ng itim na aura sa paligid ng kaibigan niya, para bang isang maling galaw lang niya ay sasabog na sa galit si Yoongi.
"Park. Fucking. Jimin." Mariin ang bawat pagbitaw ni Yoongi sa bawat salita.
"Bro, wag ka namang magalit sa laruan lang, share your blessing--"
Hindi na natuloy ni Jimin ang kanyang sasabihin ng biglang may kamaong tumama sa kanyang panga.
"LUMAYAS KA DITO HAYOP KA!"
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
