Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

58

4.9K 342 555
                                        

"Ang hindi ko kasi maintindihan ay bakit mo shiniship ang dalawang lalaking straight?!" 

Napakunot ang noo ni Jennie sa tanong ni Jin, kanina pa sila nagtatalong dalawa tungkol sa pagiging fan ni Jennie ng boy to boy relationship, yung tipong nanuod siya ng boy to boy series tapos ngayon ay hindi na niya maiwasan iship yung dalawang lalaking bida sa totoong buhay.

"Walang taong straight! Lahat tayo may tinatagong kabaklaan." Giit ni Jennie. 

"May mga straight na tao, wag mong nilalahat." Singhal ni Jin.

"Hindi mo kasi naiintindihan, bagay sila! Bakit wala namang issue yung mga straight couple kapag shiniship sila after ng drama? Pero kapag dalawang lalaki issue agad?" Reklamo pa ni Jennie.

"Eh kasi may possibility yung babae at lalaki na maging sila--"

"May possibility rin ang dalawang lalaki!" Sigaw ni Jennie.

Napatigil sa pagsisigawan ang dalawa ng biglang pumasok si Yoongi sa kusina, nagising siya sa ingay ng dalawang nagtatalo. Napabuntong hininga na lang si Yoongi dahil wala siyang karapatang magreklamo kaya naman dumiretso na lang siya sa hapagkainan para makakain.

Tahimik siyang pinanuod ng dalawa kaya naman napatingin rin siya sa dalawang 'to, nagtataka kung bakit bigla silang tumahimik nung dumating siya.

"Saan ka galing kagabi? Kila Jimin ba?" Medyo excited na tanong ni Jennie, pero umiling lang si Yoongi na naging dahilan kung bakit nawala ang ngiti ni Jennie at napanguso na lang.

"Yan ang sinasabi ko sa'yo kapag shiniship mo yung dalawang lalaki." Mahinang sabi ni Jin kay Jennie pero hindi iyun ganun kahina dahil narinig pa rin yun ni Yoongi. Inirapan lang ni Jennie si Jin bago ito nagpatuloy sa pagkain.

"Ano? Tama ako no?" Kantyaw pa ni Jin dahil natahimik na si Jennie.

"Porket di mo makatuluyan ang kahit isa sa kanila sila na lang yung gusto mong magkatuluyan, hangal!" Dagdag pa ni Jin kaya naman napahampas ng malakas si Jennie sa lamesa sa sobrang iritasyon.

Kung magkapagpatuloy sila sa pinag-aawayan nila ay para bang wala sa harapan nila ang pinag-uusapan nila.

Biglang tumunok ang cellphone ni Yoongi kaya naman tiningnan agad niya kung ano yun, nakita niyang may bagong tweet si Jimin kaya naman binuksan niya iyon kahit kumakain siya pero natigilan siya ng makita niyang picture iyon ni Jimin at Taehyung na kumakain sa labas.

Napabuntong hininga na lang si Yoongi bago niya pinatay ang cellphone niya at nagpatuloy sa pagkain. Napansin iyon ni Jennie at Jin, aware naman sila na madalas ng magkasama si Taehyung at Jimin ngayon, nakapost yun sa lahat ng social media accounts ni Taehyung pero ngayon lang nagpost si Jimin.

Hindi na lang pinapansin ni Yoongi dahil alam niyang ginagawa lang iyon ni Taehyung para inisin siya, may part sa kanya na iniisip na ang ibig sabihin ni Taehyung sa aagawin si Jimin ay aagawin bilang kaibigan, pero in the first place matagal ng hindi magkaibigan lang si Jimin at Yoongi.

Yun ang naiisip ni Yoongi kaya hindi siya masyadong natethreatened kay Taehyung, nabobother lang siya sa kinikilos nito.

"By the way Yoongi, paano yan? Kung di nyo na magagawa ni Jimin ulit yun, paano ka mababalik sa pagkababae, paano mo na makakausap yung Principal?" Tanong ni Jin.

"Hindi ko pa alam kung paano pero hindi ko na papakealaman si Jimin ulit." Mahinang sabi ni Yoongi.

"Sus..." Walang ganang sabi ni Jin, ayaw niya ng desisyon ni Yoongi dahil gusto niya ng drama.

Kapag di na niya pinakealaman si Jimin ibig sabihin ay wala ng gulo, wala ng drama, boring na. Gusto pa naman niya ng mga ganun. Kaya napangiwi na lang siya bago niya pinagpatuloy ang pagkain.

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon