"Hoseok? Nasan dito yung assignment mo?"
Dinala ni Yoongi ang bag ni Hoseok kusina para ipakita kay Hoseok iyon, napatigil saglit si Hoseok sa paghihiwa ng mga pagkain at napaangat ng tingin kay Yoongi.
"Nandyan sa malaking bulsa, nakaipit sa green na notebook."
Binuksan agad ni Yoongi ang bag ni Hoseok sa harap nito para aware siya na hindi niya pinakealaman ang mga gamit sa loob ng bag ni Hoseok at tanging assignment lang talaga ang intensyon niya, mangongopya siya dahil tinatamad siyang gumawa ng sarili niyang assignment.
Nang makita niya ang notebook na sinasabi ni Hoseok ang binuklat niya yun, pagkakuha niya sa nakaipit na papel ay chineck muna niya kung iyon nga ba ang assignment.
"Ahh, okay. Nakita ko na, thanks." Kinuha ni Yoongi ang assignment at akmang ibabalik ang bag ni Hoseok sa dati nitong pwesto nang matigilan siya ng makita niya ang bulaklak sa sala.
"May liligawan ka?" Pabirong tanong ni Yoongi kay Hoseok bago niya nilapag ang bag ni Hoseok sa sofa.
"Ahh, iyan ba? Hindi sa akin 'yan, para sa'yo yan." Sabi ni Hoseok bago niya pinagpatuloy ang paghihiwa ng mga sangkap.
"Para sa akin?" Naguguluhang tanong ni Yoongi, para bang hindi niya inexpect na may magbibigay sa kanya ng bulaklak.
"Oo, may nagpadala sa'yo nyan." Ani Hoseok.
"Wow, patay na ba ako?" Naguguluhang tanong ni Yoongi kaya naman natawa ng bahagya si Hoseok.
"Di ko inexpect na may magbibigay sa akin ng bulaklak ng buhay pa ako." Sabi ni Yoongi bago niya dinampot ang bulaklak, tiningnan niya kung may nakasulat bang pangalan kung sino ang nagpadala nito.
Walang pangalan pero may nakasulat.
'Namimiss ko na ang ngiti mo, sana mapangiti ka nito.'
Unconsciously, napangiti si Yoongi pagkatapos niyang mabasa yun.
Agad niyang binalingan ng tingin si Hoseok, pagtama ng paningin nila ay bahagya itong nabigla kaya naman mabilis nitong binalik ang atensyon niya sa niluluto niya. Kaya mas lalong napangiti si Yoongi.
"Paano mo naman nalaman na para sa akin 'to? Wala namang nakasulat na pangalan?" Tanong ni Yoongi.
Hindi agad nakasagot si Hoseok pero nang mag-angat ulit ito ng tingin ay agad siyang ngumiti kay Yoongi.
"Kasi lagi akong nakangiti, malamang hindi para sa akin 'yan." Dahilan ni Hoseok.
"Ahh, okay." Sabi ni Yoongi bago niya kinuha ang assignment ni Hoseok.
Nanlaki ang mata ni Hoseok ng pinagtabi ni Yoongi ang assignment niya at ang papel na nakalagay sa bulaklak, bago niya sinuring mabuti ang mga magkakaparehong letra.
"Sa tingin ko hindi naman ibang tao yung gumawa ng assignment mo?"
Nag-angat ng kilay si Yoongi kay Hoseok na halatang hindi ineexpect na malaman ni Yoongi agad-agad kung sino siya. Balak kasi niya na magpakamysteryoso muna para in case na hindi gusto ni Yoongi ang mga ganung diskarte ay makakapagpalit agad siya ng diskarte.
"N-No, I-I can explain." Gulat na sabi ni Hoseok kahit wala pa siyang maisip na idahilan, nagpunas agad siya ng kamay niya at naglakad siya papalapit kay Yoongi.
"Paano mo iexplain? Isinulat mo yung nagpabigay nito?" Tanong ni Yoongi.
"Hindi, i-i mean oo, pero--"
Mabilis na kinuha ni Yoongi ang bulaklak kaya natigilan si Hoseok. "Hindi ako mahilig sa bulaklak, pero napangiti ako nito." Kinindatan ni Yoongi si Hoseok kaya naman natigilan ito.

BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanficSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?