61

4.7K 374 1K
                                    

Nakakalat ang mga bote sa sahig habang ang mga may laman pa ay nakapatong pa rin sa center table, lasing na lasing si Yoongi habang sina Jin at Jennie naman ay kanina pa pinapanuod lang ang binata.

"Tapos ano pang nangyari?" Tanong ni Jin, nag-aabang kung sinong nanalo sa kanilang pustahan.

"Sinabi niya sa akin na buntis si Kiki." 

"Yung ube keso na yun?" Natatawang sambit ni Jennie pero siniko lang siya ni Jin at sinenyasan na huwag tumawa, kaya naman itinikom agad ni Jennie ang bibig niya at pinigilan ang sariling matawa.

"And then?" Tanong pa ni Jin.

"I-I don't know, ang sakit lang." Naiinis na sabi ni Yoongi, hindi naman siya umiiyak pero halata sa mukha niyang nasasaktan nga siya.

Tumango tango si Jin na para bang nakikisimpatya kay Yoongi. "So wala bang nagmakaawa man lang sa inyo na makipagbalikan? Ganun?" Tanong ni Jin.

Napabuntong hininga si Yoongi bago ito napasabunot sa sarili niya.

Napalapit si Jin at Jennie kay Yoongi na parehong nag-aabang ng sagot.

"Ako, ang tanga ko, nakipagbalikan ako sa kanya pero ayaw na niya." Nakayukong sabi ni Yoongi.

"YES!" Napasigaw si Jin sa sobrang saya habang si Jennie naman ay biglang napasibangot.

"Akin na 500 ko." Bulong ni Jin kaya naman pasimpleng inabot ni Jennie ang 500 kay Jin.

"Anong yes?" Nagtatakang tanong ni Yoongi.

"No, I mean that's so sad. Jennie, play break up with your girlfriend cause i'm bored by Ariana Grande." Utos ni Jin pero napairap lang si Jennie.

"No, no, no. Tama na, ayoko na hindi na ako makikipagbalikan kasi wala namang kami in the first place, tapos may batang involve dito." Giit ni Yoongi.

"Yeah? Pero wala naman siyang sinabi na siya yung ama, plus! Walang kasiguraduhan na siya yung ama kaya dapat dyan ipa-DNA test." Paliwanag ni Jennie.

"Hindi na kaylangan, may nangyari sa kanila nung meron nang namamagitan sa amin ni Jimin, tapos hindi katulad si Kiki ng mga ex ni Jimin, mabait si Kiki." Pagkwento ni Yoongi.

"So pumapanig ka na sa puke na yun?" Tanong ni Jin.

"Hindi, ineexplain ko lang na mabait siya compared sa iba, matino siyang babae." Ani Yoongi.

"Pero ikaw ang na una, kaya yung sa'yo, sa'yo dapat yun kaya agawin mo ulit si Jimin." Nandedemonyong sabi ni Jin.

"Jin, mas nauna siya sa akin at anong laban ko dun? Naglalakad na kiki yun, yun ang gusto ni Jimin, puke at wala na ako nun."

"Ayy, tama ka dyan." Sulsol ni Jennie.

"So hindi ka na makikipagbalikan? Wala na? Tapos na kayo ni Jimin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jin.

"Oo." Tipid na sagot ni Yoongi.

"Aba umalis ka na dito, humanap ka na ng malilipatan mo." Ani Jin.

"Ha? Bakit naman?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jennie, para bang siya pinapalayas.

"Duh, ginagawa ko lang 'to para sa drama. Gusto ko ng mapagchichismisan." Giit ni Jin na para bang nawawalan na ng gana makinig sa kwento ni Yoongi dahil suko na agad ito kay Jimin.

"Okay lang, may malilipatan naman ako." Sabi ni Yoongi.

"At saan naman aber?" Tanong ni Jennie.

"Kay Hoseok, may extra room daw siya sa apartment niya." Ani Yoongi.

Napalakpak si Jin. "Good idea! Lumipat ka kila Hoseok tapos kami na bahala magkalat ng chismis na doon ka na nakatira tapos kapag nakarating na yun kay Jimin tingnan natin magiging reaction niya, ayos ba? Drama ulit." 

Things You Need To Do When You're A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon