"Rape! Rape! Rape!"
Biglang natigilan ang lahat ng babae sa sigaw ni Yoonji, lahat sila ay weird na napatingin sa babaeng nagseself-proclaim na nirere-rape siya.
"Uh, seriously?" Bulong ni Sana kay Tzuyu.
Isang malakas na pagbukas ng pinto ang naka-agaw sa pansin ng lahat ng babae.
Si Seokjin, pinsan ni Jennie. Siya ang nagbukas ng pinto, mabilis na hinanap ng paningin niya si Yoonji at nakita niya itong nakaupo sa sulok habang nakayakap sa kanyang sarili, alam mong natatakot siya base palang sa pagtingin mo sa postura niya.
Napabuntong hininga nalang si Jin bago niya inalis ang jacket niya, kakauwi lang kasi niya galing sa isang convenience store para bumili at narinig niya agad niya ang sigaw ng pamilyar na boses sa kanya kaya naman nagtatakbo agad siya patungo sa kwarto ni Jennie.
Hinagis niya ang jacket niya kay Yoonji, nakita kasi niya na hawak na ni Jisoo ang bra ng babae ngayon, hindi niya alam kung paano iyon natanggal.
Chos! Matatanggal talaga yan dahil wala ng kinakapitan.
Mabilis na binalot ni Yoongi ang sarili niya sa jacket ni Jin, malaki iyon sa kanya dahil di hamak na mas malaki sa kanya si Jin pero ayos lang, at least matatago niya ang katawan niya.
Pakiramdam niya ay nirahas siya ng mga babae at wala siyang magawa dahil wala siyang laban, kaya naman wala na, wala na ang kanyang dangal.
Pero syempre OA lang siya, di naman talaga siya dinahas, feeling lang niya.
"Jennie, alam kong mga bakla kayo ng taon at nagbabaklaan kayong lahat dito pero hindi porket mga bakla kayo ay mangbabakla rin kayo ng mga bagong dating na hindi natin alam kung bakla ba o hindi, naiintindihan nyo ba?"
Sabay-sabay na tumango silang lahat kahit ang iba ay hindi naman talaga naintindihan ang sinabi ni Jin ay nakitango nalang rin.
Napansin ni Jin na nasira na ang strap ng bra na hawak ni Jisoo kaya naman tinulungan nalang niyang tumayo si Yoongi sa gilid, "Excuse ko muna siya, maghahahanap sa kanya sa labas." Sabi ni Jin bago niya hinila palabas ng kwarto si Yoonji.
Naiwan na mga walang kibo ang mga babae sa loob na iniisip kung ano bang ginawa nilang mali, habang wala ring kibo si Yoonji dahil iniisip niya kung sino ang naghahanap sa kanya sa labas.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Jin sa kanya pero hindi kumibo si Yoonji, para bang tinangay ng hangin ang utak niya kaya naman sabaw na sabaw siya ngayon.
Inayos ni Jin ang pagkakasuot sa jacket ni Yoonji bago niya ito hinila sa labas at pinasok sa loob ng kotse niya.
Nakasilip lahat ng babae sa bintana at low key shiniship ng iba si Yoonji and Jin habang si Jennie naman ay nakanguso lang dahil pakiramdam niya ay inagaw sa kanya ni Jin ang kaibigan niya dahil alam naman niyang walang naghahanap kay Yoonji sa labas.
"Ang cute ng bra niya." Sabi ni Jisoo kaya naman mabilis na napatingin si Jennie doon, kinuha niya iyon ay halos mapakunot ang noo niya ng makita niyang may isang panty siya doon na nakasabit, unti-unti siyang napaharap sa pwesto ni Yoonji kanina.
At halos malaglag ang panga niya ng makita niyang nagkalat ang mga panty niya doon.
Hanggang sa namula ang buong mukha niya at mabilis niyang pinagpupulot iyon.
"Hala, bat nandyan mga panty mo Jennie?" Tanong ni Lisa, pero hindi siya pinansin ni Jennie dahil abala ito sa pagpupulot niya ng mga underwear niya.
Walang maisip na dahilan si Jennie kung bakit ninakaw ni Yoonji ang mga underwear niya, napaisip tuloy siya kung wala ba itong panty or gusto type nya lang talaga ang mga panty ni Jennie dahil may kamahalan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
