"Nakita mo yung suot ni Kiki?"
"Sinong Kiki?"
"Si Kiki, yung ex ni Jimin." Mahina pero mariin na bulong ni Jennie kay Jin.
"Oh, anong meron?" Tanong ni Jin.
"Ang panget ng suot kanina, violet at yellow, mukha siyang ube keso." Natatawang chismis ni Jennie kay Jin. "At eto pa, ang taba nya ngayon. Mukhang nasobrahan sa stress sa paghihiwalay nila ni Jimin." Chika pa ni Jennie.
Natawa ng malakas si Jin bago siya lumapit kay Jennie. "Pasalamat ka hindi naging kayo ni Jimin, malamang ikaw rin tumataba ngayon."
Biglang nawala ang ngiti ni Jennie at hinampas niya ng malakas si Jin sa braso.
"Teka, nasaan si Yoongi nga pala?" Tanong ni Jennie.
"Ahh, di mo alam? Pupunta siya kay Jimin ngayon, kukunin na niya mga gamit niya." Ani Jin.
"Siya lang mag-isa?!" Sigaw ni Jennie at tumango naman si Jin.
"May nararamdaman akong mali." Ani Jennie.
"Ako rin eh." Sabi ni Jin bago siya napailing.
"Pakiramdam ko talaga may magmamakaawang makipagbalikan, pustahan tayo? Pupusta ko si Jimin ang makikipag-ayos." Sabi ni Jennie bago naglabas ng 500.
Napangisi si Jin bago siya naglabas ng 500 rin. "Pupusta ko na si Yoongi ang makikipagbalikan."
Nagkatinginan silang dalawa bago nagtanguan.
Sa may tapat naman ng pinto ni Jimin ay nakatayo si Yoongi doon, tuliro at hindi alam ang gagawin, kanina pa niya kinakalma ang sarili niya. Kukunin lang naman niya ang mga gamit niya at aalis na. Ano pa bang kinakatakot niya?
Na makita si Taehyung na nakahiga sa dating pwesto niya?
No, hindi naman siguro hahayaan ni Jimin na mahiga si Taehyung sa tabi niya, 'di ba?
Huminga ng malalim si Yoongi bago siya naglakas loob na kumatok.
Ilang saglit lang ay may nagbukas ng pinto, bumungad sa kanya si Jimin na medyo gulo-gulo pa ang buhok, bakas ang gulat sa mukha ni Jimin na makita si Yoongi sa harap ng pinto niya.
"Kukunin ko lang sana yung mga gamit ko." Hindi alam ni Yoongi kung saan niya nakuha ang lakas ng loob niya para hindi mautal sa pagsasalita.
Tumango lang si Jimin bago niya nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok si Yoongi sa loob at nagsimulang maglakad sa loob ng kwarto nang bigla siyang matigilan nang lumabas si Kiki mula doon.
Okay, yun ang medyo hindi niya inaasahan.
Nagkatinginan sila ni Kiki pero napatingin lang eto sa kanya na medyo nagtataka bago siya nilagpasan.
Napahinga ulit ng malalim si Yoongi, kukunin lang niya ang gamit niya at aalis na siya, yun lang ang gagawin niya. Paulit-ulit niyang pinaalalahanan ang sarili niya bago siya pumasok na ng tuluyan sa loob para kunin ang mga gamit niya.
Kahit ang mga gamit niyang pambabae ay kinuha na rin niya.
"Yun ba yung kapatid ni Yoonji?" Tanong ni Kiki. Rinig na rinig kahit sa loob ng kwarto.
Napasinghap si Yoongi bago niya padabog na pinaglalagay sa box ang mga gamit niya. Lowkey nakikinig siya sa usapan ni Kiki at Jimin. Pero dahil naglakad pa yata sila patungo sa kusina kaya hindi na masyadong marinig ni Yoongi ang pinag-uusapan nila.
"Potek." Sabi ni Yoongi sa sarili niya bago siya nagmadaling ipaglalagay ang mga gamit niya at lumabas na ng kwarto para kunin ang mga gamit niyang sa sala.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
