Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

54

4.9K 321 136
                                        

"Hyung! I missed you!"

Pagbukas pa lang ni Jimin sa apartment ni Yoongi ay nagtatakbo na agad siya patungo kay Yoongi na nakahiga sa sofa, mabuti na lang at may susi siya ng aparment nito kaya nakakapasok siya dito kung kaylan niya gusto.

Binaba niya agad ang pizza na binili niya at tumalon sa sofa para yakapin si Yoongi na nanunuod ng movie sa tv. 

"Jimin-- what the fuck?"" Natatawang sabi ni Yoongi ng makita niya si Jimin na nakangiti habang yakap siya ng mahigpit.

"Anong problema mo?" Tanong ni Yoongi habang bumabangon para hindi siya madaganan ni Jimin, kahit bumangon na siya at lahat hindi pa rin nagbibitaw si Jimin ng yakap.

"1 week tayong hindi nagkita hyung, di mo ba ko namiss?" Nakangusong tanong ni Jimin, napakunot ang noo ni Yoongi dahil sa sinabi ni Jimin.

"Ikaw 'tong hindi pumunta sa dito ng isang linggo, tapos ikaw pa may ganang magtanong nyan?" Pilit inaalis ni Yoongi ang pagkakayakap ni Jimin sa kanya pero ayaw bumitaw ni Jimin.

"Ehhh, nagkaproblema kasi sa condo." Nakangusong sabi ni Jimin. Mukhang kawawang pusa.

Nahirapan tuloy si Yoongi na tanggalin yung pagkakayakap sa kanya ni Jimin kaya hinayaan na lang niya itong yakapin siya.

"Anong nangyari? Kakagaling ko lang dun nung nakaraang linggo ah." Sabi ni Yoongi.

"Oo pero after mong umalis dumating si Mommy, bumisita siya sa bahay tapos nakita niya yung mga kinalat natin dun, akala tuloy niya may girlfriend na ako." Nakangusong sabi ni Jimin, "Ang tagal ko siyang kinumbinsi na wala akong girlfriend pero ayaw niya talaga maniwala, sabi ko ikaw lang yun pero di talaga siya naniniwala, parang gusto niyang maglabas ako ng girlfriend kahit wala naman talaga."

"Huh? Bakit naman?" Naguguluhan na tanong ni Yoongi. "Ayaw pa rin ba sa akin ng mga magulang mo?"

"H-Huh? Hindi hyung, hindi naman nila a-ayaw sa'yo." Nauutal na sabi ni Jimin.

"Wag kang mag-alala, alam ko naman. Teka, bakit daw ayaw maniwala?" Tanong ni Yoongi.

"Ewan ko ba kay Mommy, nakakastress siya." Konti na lang magtatuntrums na si Jimin kaya naman napangiti si Yoongi nang makita niya kung gaano kacute si Jimin mainis.

"Nako, mahihirapan kang maghanap ng girlfriend niyan, tingnan mo nga yan, mommy pa rin tawag mo sa nanay mo." Natatawang sabi ni Yoongi.

"Bakit? Ano ba dapat tawag ko sa kanya? Mrs. Park? Jiyeong? Hoy Jiyeong wala akong girlfriend! Kaibigan ko lang yun na makalat! Ganoon ba?" Sarkastikong tanong ni Jimin bago bumitaw sa yakap at napakacross arms pa.

"Baliw!" Tinulak ni Yoongi ng bahagya si Jimin habang natatawa, "I mean mom, or mama, bakit mommy?" 

"Eh sa Mommy tawag ko, ano bang problema dun?"  Napairap si Jimin sa kawalan.

"Okay, wala naman." Natatawang sabi ni Yoongi. 

Napasandal si Jimin sa sofa bago siya napatingin sa lamesa, nakita niya ang mga nakakalat na canned beers kaya naman napatingin siya ng masama kay Yoongi.

"Umiinom ka na naman ba? Aga aga ah!" Inis na sabi ni Jimin bago niya kinuha ang mga canned beers para icheck kung may laman pa ba yun pero wala na, naubos na niya kaya naman padabog niyang kinuha ang mga iyon at tinapon sa basurahan.

"Sorry, wala akong magawa eh, ang tagal mo kasing hindi pumunta dito." Ani Yoongi bago nahiga ulit sa sofa.

"Kasalanan ko pa ngayon? Kasalanan ko na lasinggero ka?" Tanong ni Jimin bago niya inirapan si Yoongi.

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon