"Sige Hobi, dito pa. Ayan, dyan nga. Tama, sige sagad mo."
Napatigil sa pagsasalita si Yoongi at si Hoseok ng biglang napunta sa harapan nila si Jimin. Bored siyang binalingan ng tingin ni Yoongi habang si Hoseok naman ay pinagpatuloy ang pagkakataon niya at hindi pinansin si Jimin.
"Yoonji... Usap tayo?" Parang nakakakawang pusang tanong ni Jimin, lakas ng loob nung sumugod, tapang-tapang tapos bigla amo nung nasa harapan na ni Yoongi.
"Lagyan mo rin ako dito." Ani Yoongi sabay turo niya sa hita niya. Hindi niya pinapansin si Jimin.
Sabay na napalunok si Jimin at Hoseok sa sinabi ni Yoongi, awkward na tumango si Hoseok bago siya nagsimulang lagyan ito.
"Yoonji-ahh!" Sigaw ni Jimin pero hindi talaga siya pinapansin ni Yoongi.
Sinasadya ni Yoongi na pumipikit at magkunwareng hindi niya alam na nasa gilid lang niya si Jimin, gumaganti siya. Kung kanina siya ang nagpapapansin pero hindi siya pinapansin nito, ngayon siya naman ang manigas dyan.
Pero hindi kaya ni Jimin na manatili lang sa isang tabi habang pinapanuod na hinahawakan siya ng ibang lalaki kaya naman mabilis niyang hinila si Yoongi papalayo kay Hoseok.
Parehong nagulat si Hoseok at Yoongi sa ginawa ni Jimin pero wala na nagawa pareho ng biglang hilahin ni Jimin si Yoongi papasok sa bahay, naiwan si Hoseok na gulat sa mga nangyari.
"Aray! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Yoongi habang nagpapabigat siya at hindi siya mahila ni Jimin pero masyado itong malakas.
"Kapag di mo ko binitawan sisipain ko 'yang titi mo!" Banta ni Yoongi pero hindi nakikinig si Jimin sa kanya, masyado itong pursigido na maipasok siya sa loob ng kwarto ng sa gayon ay walang makakita sa katawan ni Yoongi.
Medyo pinagtitinginan sila ng iba dahil masyado silang maingay at agaw pansin, ipinasok ni Jimin sa isang guestroom si Yoongi, alam niya iyon dahil nandoon ang ibang gamit niya.
"Aray!" Sigaw ni Yoongi ng bitawan na siyang tuluyan ni Jimin ng maipasok na siya sa loob ng kwarto.
"Ano bang problema mo?!" Singhal ni Yoongi kay Jimin.
"Ikaw! Ikaw at 'yang..." Napatingin si Jimin sa katawan ni Yoongi bago niya mabilis na pinanik ang paningin niya sa mukha nito, "Maliit na tela na 'yan!" Sigaw ni Jimin.
Napatingin si Yoongi sa suot niya bago siya nagtaas ng tingin kay Jimin, pinipigilan ni Yoongi na bumaba ang tingin niya sa katawan ni Jimin at sa basang-basa nitong shorts.
Para bang biglang uminit ang buong kwarto na kinalulugaran nilang dalawa.
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Jimin bago niya binuksan ang bag niya na nasa loob lang rin ng kwarto, hinanap niya ang puting shirt niya bago niya iyon binalibag si Yoongi.
"Suot mo 'yan." Utos nito.
Napatingin doon si Yoongi bago niya yun initsa pabalik kay Jimin, "Pwede kong isuot ang kahit anong damit na gusto kong isuot."
"Well, may nilalabag ka sa rules natin." Aniya, "Number 2!" Ani Jimin habang ginamit pa ang kanyang kamay para maipakita ang two.
"Who cares about your rules?" Sarkastikong tanong ni Yoongi.
"Katawan ko 'to, buhay ko 'to. May sarili kang buhay mo, meron ako." Giit ni Yoongi.
"Bakit ka ba nagkakaganyan Min Yoongi?! Napag-usapan na natin 'to." Galit na sigaw ni Jimin.
"Where's your manners little boy? Mas matanda ako sa'yo." Anito, kaya naman natahimik bigla si Jimin.
"May girlfriend ka naman, yun yung pagbawalan mo magsuot ng swimsuit." Inis na sabi ni Yoongi bago siya padabog na lumabas ng kwarto, naiwan si Jimin mag-isa sa loob habang hawak-hawak niya ang puting shirt niya na hindi man lang sinuot ni Yoongi.
Nanginginig ang kamay niya sa inis, nang malakas na isinarado ni Yoongi ang pintuan ay mabilis na sinuntok ni Jimin iyon bago siya napasigaw sa sobrang iritasyon.
Napasabunot siya sa kanyang buhok.
He was slowly getting possessive. Aware siya sa nangyayari sa kanya, kahit gusto niyang iwasan hindi niya magawa.
Hindi maganda kapag nagtuloy-tuloy pa 'to.
Kinalma ni Jimin ng pilit ang sarili niya, pabalik-balik lang siya ng lakad sa buong kwarto, sa puntong ito alam na niya, pero hindi niya matanggap.
Ilang araw na siyang halos mabaliw dahil sa kakaisip sa gusto niyang mangyari pero kapag nandoon na ay ayaw na niya, natatakot siya, kasi alam niyang magagalit siya. Mabilis na pumasok si Jimin sa bathroom, nag-shower siya saglit para kahit papaano ay mahimasmasan ang init ng ulo niya.
Panay ang suntok niya sa pader kahit alam niyang sinasaktan lang niya ang sarili niya. Nagpatuyo siya ng saglit at nagpalit ng isa pa niyang dalang damit, medyo marami kasi siyang dinalang pamalit.
Nang makapagpalit siya ng damit ay biglang may nagbukas ng pintuan, napatingin siya sa girlfriend niyang si Maureen na kakapasok lang.
"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap--"
Natigilan ang babae ng bigla siyang nilagpasan ni Jimin, naglakad ito papaalis sa kwarto kaya naman mabilis siyang sinundan ng babae.
"Ano ba Jimin?!" Sigaw nung babae bago siya hinawakan sa braso niya kaya naman mabilis niyang iwinakli iyon.
"M-May problema ba?" Maamong tanong nito ng makita niya ang inis sa mga mata ni Jimin ng tingnan siya dito.
"Mukha bang may problema?!" Sigaw ni Jimin kaya naman halos matigilan yung babae. "Alam mo, balikan mo yung lalaki mo baka hinahanap ka na." Sarkastikong sabi ni Jimin kaya naman natigilan yung babae bago ito napaiwas ng tingin.
Inirapan siya ni Jimin bago niya tuluyang iniwan ang babae, malayo palang siya ay napansin na agad niya ang malakas na sigawan ng mga tao, para bang nagkakagulo ito sa isang bagay, may mga hawak rin silang camera at nagchicheer ang iba.
"Shit, dude! Si Jennie, yung chicks sa katabi nating room? Kilala mo yun?" Tanong ng isang lalaki na nasa gilid lang ni Jimin.
"Oo pre, kilala ko yun. Bakit? May ano?" Tanong nung kasamahan pa nitong lalaki.
"Pre may kahalikan!" Sigaw nito kaya naman napakunot si Jimin at napatigil siya saglit sa paglalakad. Napatingin siya sa dalawang lalaki na nag-uusap, hindi niya alam kung bakit masama ang kutob niya dito.
"Dude, pake ko kung may kahalikan? Anong big deal doon?" Sarkastikong tanong ng lalaki.
"Wala ka pala pre eh! Chicks rin yung kahalikan, kaya nagsisigawan sila! Naka-live pa nga sa facebook yung iba." Anito.
Tulayang natigilan si Jimin at lumapit siya sa dalawa, "Sinong babae yung kahalikan?" Biglang tanong ni Jimin sa dalawa.
Mukhang nagulat ang dalawang lalaki sa biglang pagsulpot ni Jimin pero napangisi rin agad ito.
"Si Yoonji, yung kaklase mo. Nagmimake-out sila dun malapit sa pool!"
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
