Nakaupo na lang ngayon si Yoonji sa isang upuan sa may gawing gilid katabi niya si Hoseok at Jin, si Jennie ay hindi na nila makita, malamang isa na siya sa mga babaeng nagwawala habang sumasayaw sa gitna.
Hindi mapakali si Hoseok habang tumitingin siya sa buong paligid niya na para bang may hinahanap kaya naman napatingin sa kanya si Jin. Si Jin na nagpapaypay kay Yoonji gamit ang isang pink na pamaypay na nahirap lang niya sa dumaang estudyante kanina.
"Oy, kanina ka pa tingin ng tingin diyan, may hinahanap ka ba?" Tanong ni Jin, pero hindi siya napansin ni Hoseok dahil abala pa rin ito sa pagtingin-tingin kaya naman hinampas na siya ni Jin ng pamaympay.
Nagulat si Hoseok sa ginawa ni Jin kaya mabili siyang napalingon kay Jin, "kung si Yoongi ang hinahanap mo, hindi mo siya makikita, maniwala ka sa akin." Giit ni Jin.
"Alam ko naman yun, hindi naman si Yoongi ang hinahanap ko, si Jimin ang kanina ko pa hinahanap eh." Ani Hoseok.
Napakunot ang noo ni Jin, "don't tell me, Jennie the second ka na?"
"Ha?" Naguguluhang tanong ni Hosoek, "hindi, hindi, may inaabangan lang talaga ako." Kinakabahang paliwanag ni Hoseok.
Napairap na lang si Jin, wala na siyang pakealam dahil ang hirap kausap ni Hoseok, binalik na lang niya ang atensyon niya kay Yoonji na medyo bumabalik na sa sarili dahil panay ang kain, pati ang pagkain ni Jin at Hoseok ay kinain na rin niya pero hinayaan na lang siya ng dalawa.
Si Hoseok naman ay unti unting nawala sa sarili nang maalala niya ang usapan nila ni Jimin nung gabing yun...
"Hoseok, anong nangyari?"
Pagbukas pa lang ng pinto ni Jimin ay halata na ang pag-aalala sa mukha nito, napakunot ang noo ni Hoseok dahil kung pumunta siyang nakapajama at gulong gulo ang kanyang buhok, si Jimin naman ay literal na pumunta ng nakaboxer lang, magulo rin ang buhok at may nakalagay pang cooling gel sheets sa noo nito.
"May sakit ka ba?" Tanong ni Hoseok at akmang hahawakan niya sana si Jimin sa leeg para salatin ang temperatura nito pero umiwas agad 'to sa kanya.
"W-Wala." Pagsisinungaling ni Jimin, napangiwi lang si Hoseok dahil obvious na nagsisinungaling 'to dahil sa nakalagay sa noo ni Jimin.
Nang marealize ni Jimin na may nakalagay na ganoon sa noo niya ay mabilis niyang inalis iyon at tinapon sa labas bago siya pumasok sa loob.
Hinanap agad ni Jimin si Yoonji, nang tumama ang paningin niya kay Yoonji na mahimbing na natutulog sa sofa habang napapalibutan ng maraming stuff toy ay agad kumalma si Jimin, marahan siyang naglakad patungo kay Yoonji para hindi ito magising.
Hinawi ni Jimin ang buhok ni Yoonji na tumatabing sa mukha niya bago niya iyon inipit sa likod ng tenga nito.
Pinagmamasdan lang ni Hoseok si Jimin at Yoonji, napangiti siya ng maliit nang makita niya ang ginawa ni Jimin.
"Anong nangyari?" Mahinang tanong ni Jimin.
Umiling lang si Hoseok, "naisip ko lang na ikaw dapat yung kasama niya." Aniya.
"Huh?" Tumayo si Jimin para harapin ulit si Hoseok.
"Mauna na ko ha, ikaw na bahala kay Yoonji." Nginitian siya ni Hoseok bago ito naglakad papaalis ng bahay.
"Teka saglit!" Pagpigil ni Jimin kay Hoseok bago pa ito tuluyang makalabas, napatingin sa kanya si Hoseok na may nagtatakang mukha.
"Thank you." Mahinang sabi ni Jimin, ngumiti lang sa kanya si Hoseok bago akmang aalis na ulit ito nang pigilan ulit siya ni Jimin.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
