"Ayos ka lang?"
"Mukha ba akong ayos lang!?" Singhal ni Yoongi pagkadating ni Jimin sa sasakyan, nagulat si Jimin dahil sa lakas ng sigaw nito pero isinantabi nalang niya iyon bago binuksan ang aircon at sinarado ang bintana.
Inabutan niya ng masusuot si Yoongi at mabilis lang iyong kinuha nito bago isinuot nalang bigla habang mukhang badtrip na badtrip.
Napatingin ulit sa kanya si Jimin bago pinaandar ang sasakyan, napaisip si Jimin kung anong nangyari dito habang wala siya at bakit ganoon iyon kabadtrip.
Hanggang sa makarating sila sa bahay ay hindi siya kinikibo ni Yoongi, naligo lang ito pagkatapos ay nagpalit agad ng damit para makatulog, pinagmasdan lang siya ni Jimin habang nakahiga sa kama at hindi man lang siya kinakausap.
Napakagat sa labi si Jimin habang nakasandal siya sa pader, minsan talaga napapaisip siya bakit hindi niya iniiwan si Yoongi kahit nagkakaroon ito ng random attitude na kahit siya ay hindi nakakaligtas.
"Hindi ka ba kakain muna bago matulog?" Tanong ni Jimin dito.
Nakahiga lang si Yoongi at nakayakap sa kanyang unan, hindi man lang binabalingan ng tingin si Jimin, "Wala akong gana." Giit nito.
"O-Okay." Nag-aalangang sabi ni Jimin, "Lumabas ka sa kwarto kapag nagutom ka, mag-iiwan nalang ako ng pagkain sa ref, i-init mo nalang." Anito bago tuluyang lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para magluto ng pagkain.
Nang sinarado ni Jimin ang pintuan ay mabilis na napatingin si Yoongi doon bago nagtatakbo papunta doon para i-lock ang pinto. Mabilis niyang hinanap ang cellphone niya ay dinial ang number ni Jungkook.
"Pre!" Mahina pero mariin na sabi ni Yoongi.
"Oh?" Tanong ni Jungkook, medyo maingay sa paligid niya dahil nasa party pa rin siya hanggang ngayon.
"Ginawa ko na yung sinasabi mo--"
"Obvious nga eh, hanggang ngayon kayo pa rin ni Jennie ang usap-usapan dito." Ani Jungkook bago siya tumayo sa inuupuan niya para hindi siya marinig nila Taehyung.
"Ano nagawa mo na pati kay Jimin?" Tanong ni Jungkook.
"O-Oo." Nahihiyang pag-amin ni Yoongi.
Natahimik pareho si Yoongi at Jungkook ng ilang saglit, "Ok." Tipid na sagot ni Jungkook.
"Anong okay?! Nanghihingi ako ng advice sa'yo tapos okay? Okay lang sagot mo?" Iritadong tanong ni Yoongi.
"Okay, kasi ikaw naman makakasagot kung ano talaga mas gusto mo, bye." Mabilis na sabi ni Jungkook bago niya pinatay ang tawag para makabalik na sa mga kasama niya, actually hindi naman talaga siya nakikipagparty, nakaupo lang siya sa isang tabi habang pinapanuod si Taehyung na nagwawala sa sobrang kalasingan.
"Aish!" Reklamo ni Yoongi ng marinig niyang namatay na ang tawag.
Bukod kay Jimin at Yoongi ay si Jungkook ang isa pang nakakaalam sa sikreto nila, pero hindi alam ni Jimin na alam ni Jungkook iyon. Sa totoo lang aksidente ang pagkakaalam ni Jungkook...
Pero parang hindi rin dahil matagal ng may hinala si Jungkook, tahimik lang talaga siya at wala naman talagang pakialam pero naku-curious siya kay Yoonji kaya naman sinundan niya ito ng isang beses.
After niyang sundan nakita niya si Yoongi ay nakita niyang kasama nito si Jimin at Yoongi ang tawag sa kanya nito imbes na Yoonji kapag silang dalawa lang ang magkasama, since wala rin naman pakialam si Jungkook at ayaw niyang mag-effort ng sobra ay diniretsa nalang niya si Yoongi.
After niyang diretsahin si Yoongi ay umamin agad si Yoongi kay Jungkook, bakit? Kasi alam ni Yoongi na wala naman talagang pakialam si Jungkook at nangako naman itong hindi niya pagkakalat. Idagdag mo pa na dati silang magkaibigan nung si Yoongi pa siya-- Not totally magkaibigan na close na close pero sakto lang.
Pagkatapos noon ay humingi siya ng advice kay Jungkook dahil hindi naman pwedeng kay Jimin siya manghingi ng advice kung si Jimin ang problema niya, yun rin ang isa pa sa dahilan ni Yoongi kung bakit umamin siya kay Jungkook. Kaylangan niya ng taong makakausap at makakapagsabi kung tama pa ba ang ginagawa niya.
Nitong mga nakakaraan lang nalaman ni Jungkook, pero kahit papaano ay hindi pa rin siya naniniwala minsan sa mga sinasabi ni Yoongi, ang nasa isip talaga ni Jungkook ay si Yoongi pa rin siya, lalaki. At nagpapanggap lang na babae, in short ay nagko-crossdress lang si Yoongi. Iyon ang paniniwala ni Jungkook.
Kahit minsan napapaisip siya kung saan iyon tinatago ni Yoongi at paano niya nalalagyan ang dibdib niya at papaano niya nababago ang boses niya, mahirap pa rin kasing paniwalaan na bigla nalang naging babae si Yoongi.
Muling tinawagan ni Yoongi si Jungkook at sinagot naman rin agad ito.
"Bakit na naman?" Bungad ni Jungkook.
"Si Jin... Alam yata ni Jin..." Ani Yoongi.
Napatingin si Jungkook kay Jin na malapit-lapit lang sa kanya, naramdaman ni Jin na may tumitingin sa kanya kaya naman nahuli niya si Jungkook na diretso ang tingin sa kanya kaya mabilis na napaiwas ng tingin si Jungkook.
"Paano mo nasabi?" Tanong ni Jungkook.
"Kasi kanina nakita daw niya ako na ano, alam mo na, kami ni Jimin, iyon! Basta yun." Ani Yoongi.
"Nakita lang naman pala kayo eh." Anito.
"Hindi, hindi mo naiintindihan, feeling ko may alam talaga siya." Natatarantang sabi ni Yoongi.
"Ano naman kung malaman niya?" Tanong ni Jungkook.
"Ipagkakalat niya." Ani Yoongi.
"Walang maniniwala sa kanya." Sagot ni Jungkook. "Walang maniniwala sa kanya kasi masyadong impossible na maging babae ka." Anito.
Natahimik si Yoongi, may point si Jungkook pero hindi pa rin niya maiwasan na hindi matakot.
"So kanino mas na-enjoy mo? Kay Jennie o kay Jimin?" Tanong ni Jungkook kaya naman napakunot ang noo ni Yoongi.
"H-Hindi ko alam." Nauutal na sabi ni Yoongi.
"Hyung, 30 minutes kayo naghalikan ni Jennie, sawari naman ay hindi mo pa na-enjoy yun?" Sarkastikong tanong nito.
"Yun nga eh! Pero yung 3 seconds namin ni Jimin ang hindi ko makalimutan--"
Biglang nagtigilan si Yoongi sa pagsasalita ng marealize niya ang sinasabi niya, nang marinig niyang napatikhim si Jungkook ay tila naiimagine na agad niya ang hitsura nito sa kabilang linya na nakangisi ng nakakaloko.
Kaya naman mabilis niyang pinatay ang tawag at napahampas siya sa mukha niya para bumalik siya sa katinuan niya.
Pero anong magagawa niya, lumalabas sa sarili niyang bibig ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanficSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?