Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

62

4.5K 368 750
                                        

"Hoseok..."

"Y-Yoongi?"

Nakatayo ngayon si Yoongi sa harap ng pinto ng bahay ni Hoseok habang may mga dalang gamit, nagtataka si Hoseok dahil hindi niya ineexpect na makikita niya si Yoongi ngayon, after nitong hindi magtext sa kanya ng ilang araw.

"Pasok ka muna..." Nilakihan ni Hoseok ang bukas ng pinto para makapasok si Yoongi.

"Bakit nga pala napabisita ka Yoongi?" Tanong ni Hoseok habang pinagmamasdan niya ang mga dalang bag ni Yoongi.

"Itatanong ko lang sana kung pwede pa rin ba akong makitira sa apartment mo?" Ibinaba ni Yoongi ang mga gamit niya sahig.

Agad napangiti si Hoseok at napatango. "Oo naman!" 

Napangiti rin si Yoongi.

"Dito! Bakante 'tong kwarto na 'to." Binuksan ni Hoseok ang isang kwarto sa tabi ng kwarto niya pagkatapos ay hinila niya si Yoongi sa loob. 

"Tutulungan kitang mag-ayos." Mabilis na kinuha ni Hoseok ang isang bag ni Yoongi. "Dapat sinabi mo na sa akin nung nakaraan para nakapaglinis na ko dito.

"Sorry, biglaan lang kasi literal na tinapon ni Jin yung mga gamit ko sa labas." 

"Nag-away ba kayo ni Jin?" Nag-aalalang tanong ni Hoseok.

"Hindi, ewan ko ba sa isang yun kung bakit gustong gusto na akong paalisin." Sabi ni Yoongi habang binubuksan ang mga gamit niya. "Pasensya ka na talaga kung biglaan 'to. Bigla na lang akong pumupunta sa apartment mo tapos dito na agad ako makikitira."

"Ayos lang yun, wag kang mag-alala." Tinapik ni Hoseok ang braso ni Yoongi bago niya ito nginitian.

Nilinis nilang dalawa ang kwarto pagkatapos ay inayos nila ang mga gamit ni Yoongi, nang binuksan ni Hoseok ang isang box ni Yoongi ay kinuha ang isang frame ay bigla siyang napasigaw dahil natusok siya ng basag na salamin.

Nagtatakbo agad si Yoongi patungo kay Hoseok para tingnan kung anong nangyari, panay ang patak ng mga dugo sa sahig kaya naman kinuha ni Yoongi ang bimpo niya sa bulsa at binalot iyon sa daliri ni Hoseok para hindi iyon magtuloy tuloy sa pagdurugo.

"I'm sorry, hindi ko pala naalis yung basag na frame." Ani Yoongi.

"A-Ayos, kasalanan ko naman kasi bigla na lang akong nangingialam."  Sabi ni Hoseok pero umiling sa kanya si Yoongi.

"Nasan yung first aid kit mo?" Tanong ni Yoongi. 

"Nasa banyo, sa may likod ng salamin." 

Mabilis na naglakad si Yoongi patungo sa banyo bago niya hinanap ang first aid kit na ginamit ni Hoseok sa kanya nung nakaraan, nang makita niya iyon ay naglakad siya pabalik kay Hoseok na natili sa pwesto niya na para bang malalim ang kanyang iniisip.

Hinila siya ni Yoongi patungo sa kama bago niya pinaupo si Hoseok doon. 

"I'm sorry." Paghingi ng tawad ni Yoongi habang nilalagyan niya ng band aid ang daliri ni Hoseok.

"Hindi mo naman kasalanan Yoongi." Nginitian siya ni Hoseok kaya naman napabuntong hininga na lang ito.

"May itatanong sana ako Yoongi." 

"Ano yun?"

"Si Yoonji ba tsaka si Jimin dati? Naging sila ba? Or sila pa rin?" Nagtatakang tanong ni Hoseok.

Napatigil saglit si Yoongi bago siya napailing. "Hindi naman naging sila." 

"P-Pero yung picture nila sa frame kasama yung batang babae, parang... Hindi ko alam, pero parang in love sila sa isa't isa?" Tanong ni Hoseok.

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon