07

11.4K 743 481
                                    

"Shet di ako makapaniwalang marunong palang kabahan ang kaibigan kong Min Yoongi ang pangalan." 

Biglang napatigil si Yoongi sa paglalakad ng magparinig sa kanya si Jimin, mabilis niyang kinuha ang bag niya at hinampas iyon sa tawang-tawa na si Jimin. 

Naglalakad kasi silang dalawa patungo sa school, si Jimin ay president ng kanilang classroom kung saan ay kaklase niya si Yoongi pero dahil nga hindi pa rin bumabalik ang dati nitong katawan at idagdag mo pa na hindi na sila umaasa na babalik pa ito ay gumawa ng paraan si Jimin para maipasok si Yoonji sa kanilang section.

Tama, si Yoonji

Min Yoonji ang pangalan niya ngayon, magpapanggap siyang kakambal na babae ni Yoongi, medyo cliche ang istoryang ginawa ng magkaibigan dahil wala naman silang alam sa paggawa ng kwento at wala rin silang hilig sa mga romance na stories kaya kung ano yung nagpop up sa kanilang kwento ay iyon na ang ginamit nila.

Since wala rin naman maniniwala sa kanila kapag sinabi nilang si Yoongi talaga iyon at trip niya lang magcross dress, ayaw rin naman kasi ni Yoongi na isipin ng mga kaklase niya na super sireyna siya dahil hindi naman iyon totoo.

Hindi naman siya homophobic, talaga lang ayaw niyang layuan siya ng mga kaibigan niyang lalaki at baka magkaroon pa ng dahilan ang ibang mga estudyante na mapatunayan ang theory nila na may relasyon si Yoongi at si Jimin kahit ang totoo niyan ay purong pagkakaibigan lang ang meron sa kanilang dawala. 

"Papaano kung mahalata agad nilang ako si Yoongi? Anong gagawin ko?" Chill na tanong ni Yoongi pero deep inside ay kinakabahan siya.

"Relax, okay? Maniniwala silang lahat sa atin since may panglaban ka naman na totoo 'yang dibdib mo." Ani Jimin.

Mabilis na sumama ang tingin ng kaibigan niya dahil sa kanyang sinabi kaya naman napaubo nalang siya para ayusin ang boses niya bago niya hinila si Yoongi este si Yoonji patungo sa kanilang building.

Nang makatapat na sila sa harap ng classroom ay napakagat sa labi si Yoongi para pigilan ang konting kaba sa dibdib niya, hindi naman siya masyadong kinakabahan dahil natatakot siyang baka mawala ang kanyang swag.

"Nagtext sa akin yung teacher natin, ang sabi niya hindi daw siya makakapasok ngayon dahil sa meeting kaya naman ako nalang ang magpapakilala sa iyo sa klase." Tumango nalang si Yoongi sa sinabi ng kanyang kaibigan.

"Doon ka ulit umupo sa dati mong pwesto, I mean sa pwesto noong si Yoongi ka pa." 

"Si Yoongi pa rin naman ako ah?" 

"Basta, alam mo ng ibig sabihin ko." Giit ni Jimin.

Talagang sa harap ng pintuan ng classroom pa silang dalawa nagtalo kaya naman napapatingin ang ilang mga dumadaang estudyante sa kanilang dalawa, ang iba ay tumingin lang dahil naabala sa pag-uusap ng dalawa at ang ilan naman ay nagtataka sa bagong mukha-- I mean hindi naman masyadong bago.

"Second, wag kang bumukaka sa classroom. Ayusin mo yung postura mo, baka mamaya nakataas pa paa mo sa desk." 

"Oo alam ko yun, di ako tanga." Mariin na sabi ni Yoongi.

"Pangatlo, wag mong masyadong pansinin yung mga kaklase nating lalaki incase na may magtangkang lumapit sa'yo. Alam mo naman na yung ugali ng mga kaklase natin kapag nakakakita ng bagong babae." Banta pa ni Jimin.

"Syempre alam ko, kasi isa ko sa mga 'kaklaseng lalaki' mo dati." Sabay irap ni Yoongi.

"Good." Sabi nito. "Wait, bago tayo tuluyang pumasok." Kinuha ni Jimin ang maliit na notebook ni Yoongi para magsulat ulit siya doon.

5.) Act like a real girl.

Pinakita ni Jimin kay Yoongi ang sinulat niya kaya naman mabilis na napasinghap ang babae na dating lalaki.

"Alam kong dapat kong gawin, di mo na kaylangan sabihin." Mataray na sabi nito.

"Okay, sabi mo 'yan eh. May tiwala ako sa'yo." Sabi ni Jimin bago niya tinapik ang braso ni Yoonji at nagthumbs up pa siya sa babae.

"Aish! Pumasok ka na!" Tinulak ni Yoongi-- este Yoongi si Jimin papunta sa pintuan kaya naman natatawang binuksan ni Jimin ang pinto ng kanilang classroom.

"Good morning guys! We have a new student." Nakangiting sabi ni Jimin pagpasok niya palang sa classroom, mabilis na napatingin sa kaniya ang mga kaklase niya. Ang iba ay iniisip na biro lang ang sinabi ni Jimin pero ang iba naman ay iniisip na agad kung anong hitsura ng transferee.

Hinintay ni Jimin na pumasok ang kanyang kaibigan, pagtungtong palang ng isang paa nito sa classroom ay nasa kanya na ang atensyon ng lahat. 

Ang iba ay naisip agad si Yoongi na bali-balitang nag-ibang bansa bigla para magpagamot, ang iba naman ay nag-iisip na agad kung papaano nila didiskartehan si Yoonji, halos karamihan ng mga lalaki sa classroom nila ay nabihag agad ng ganda niya, ngunit ang iba ay hindi tuluyang magustuhan ito dahil sa ideyang kamukhang-kamukha ito ni Yoongi.

Pakiramdam nila ay makikipagdate sila kay Yoongi kapag inaya nila si Yoonji, pero hindi lang naman nila iyon basta pakiramdam kasi totoong si Yoongi nga ang makakadate nila kung mapapapayag nila si Yoonji na makipagdate.

"Kamukhang kamukha ni Yoongi."

"Oo nga no? Parang babaeng version niya lang."

"Hindi kaya siya lang rin 'yan, nagladlad lang?"

"Gaga hindi! Nakasama ko na yun sa bar dati and I swear ate sis, ang laki. Titirik ang mata mo sa laki."

"Oo nga! Lalaking-lalaki kaya yun."

"Oo at malaking malaki rin yun hihi."

"Yuck, tigilan nyo nga 'yan. Inosente pa ako." 

"Pavirgin ka pa tse." 

Pigil na pigil si Yoongi na umirap dahil sa mga naririnig niya, nanatili lang siyang nakapoker face kahit naiinis siya sa usapan ng mga babae tungkol sa kanya, pakiramdam niya kasi ay hinaharass siya ng mga ito.

"Please introduce yourself." Nakangising sabi ni Jimin.

Tuluyan ng napairap sa kawalan si Yoongi, ilang beses niyang sinabi kay Jimin na siya nalang ang magpakilala sa kanya dahil tinatamad siyang magpakilala.

"Min Yoonji." Tipid na sabi ni Yoongi bago siya nagdirediretso sa dati niyang upuan ng hindi man lang naghantay na paupuin siya ni Jimin, kaya naman napabuntong hininga ito ng makita niyang nakaupo na si Yoongi.

"Oo nga pala guys, si Yoonji ay kakambal ni Yoongi. Si Yoongi ay nasa ibang bansa ngayon may importante siyang dapat gawin doon, kasabay ng pag-alis ni Yoongi ay ang pagpunta naman ni Yoonji dito, parang nagpalit lang sila."

"Ohhhhhh." Sabay-sabay na sabi ng karamihan sa kanila.

"Kaya pala kamukhang kamukha siya ni Yoongi." 

"Yup, so please. Kung gusto nyong matikman si Yoonji ay ayos lang, iyon ay kung gusto nyo lang naman matikman rin ang galit ni Yoongi." 

Iyon ang huling sinabi ni Jimin bago siya naupo sa kaniyang upuan, bigla tuloy napayuko si Yoongi dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan.

Siya ang nahihiya para dito.

Things You Need To Do When You're A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon