Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

66

4.9K 368 446
                                        

"Magkakaroon tayo ng cooking contest this year, kaylangan natin ng tatlong representative sa section natin. Seokjin, pwede ka ba?" 

Napatingin ang lahat kay Jin pero umiling lang ito. "Nagchampion na ko last year ma'am, tsaka nung isa pang taon, baka madisqualified na section namin kapag ako na naman ang lumabas." 

"Yeah, may point ka naman dun. So sino pang may gusto?" 

Walang nagsasalita sa klase, para bang walang interesado sa section nila kaya naman napairap sa kawalan si Jin. "Ma'am, si Yoongi marunong magluto." 

Nanlaki ang mata ni Yoongi at inis niyang binalingan ng tingin si Jin pero nginitian lang siya nito.

"Ma'am, hindi po ako magaling magluto. Marunong lang." Giit ni Yoongi.

"Hindi totoo ma'am, sa amin po yan tumira nung nakaraan, siya madalas magluto at sinasabi ko sa inyo ma'am, malapit na niyang mapantayan yung luto ko." Paliwanag ni Jin.

"Yoongi please, sumali ka na, kung di ka sasali walang sasali sa section natin, may dagdag credits rin yun sa grades mo kapag sumali ka." Paliwanag ng guro, napabuntong hininga na lang si Yoongi hanggang sa napatingin siya kay Hoseok at tumatango sa kanya na para bang pinupush siyang sumali.

"Sige po ma'am, sasali po ako pero sa isang kondisyon." Sabi ni Yoongi.

"Ano yun?" Tanong ng guro, para bang nabuhayan ng kaunti dahil sa sinabi ni Yoongi.

"Basta po kasama si Hoseok, marunong rin 'yan magluto ma'am." 

Napatingin sa lahat kay Hoseok na nagulat sa sinabi ni Yoongi, agad naman itong umiling. "Hindi po ako marunong ma'am." Pagsisinungaling nito.

"Ma'am, sa kanya po ako nakatira ngayon at siya po lagi ang nagluluto." Ginamit ni Yoongi sa palusot na sinabi ni Jin kaya naman bahagyang napangiti si Jin.

"Hoseok please, pakiusap sumali ka na." Pakiusap ng guro, at dahil medyo marupok si Hoseok ay tumango na lang siya.

Agad napangiti ang guro at napapalakpak sa tuwa. "Mayroon na tayong dalawang kasama, isa na lang, any volunteers?" Tanong nito.

Walang kumikibo sa klase, tahimik lang silang lahat at mukhang wala talagang may interesado hanggang sa may isang dahan dahang nagtataas ng kamay, napatingin ang lahat kay Jimin na nahihiyang nagtaas ng kamay.

Hanggang sa biglang napatingin ang lahat kay Namjoon ng tumayo ito sa upuan at nagtaas ng kamay.

"Ako po ma'am!" Nakangiting sabi ni Namjoon kaya naman mabilis na binaba ni Jimin ang kamay niya na para bang nagbago na ang isip niya.

Napangiti ng pilit ang guro ng makita niyang si Namjoon ang nakataas ng kamay bago napabalik ng tingin kay Jimin. "Jimin, nagtataas ka ng kamay mo kanina di ba?" Tanong ng teacher nila, nanlalaki ang mata.

"H-Hindi na po--" Natigilan si Jimin ng makita niyang pinanlalakihan siya ng mata ng teacher nila, napatingin siya sa mga kaklase nila at nakita niyang umiiling ang mga ito sa kanya.

"Ah, opo! Opo! Hehe." Awkward na tumawa si Jimin.

"Okay, sorry Namjoon, naunang magtaas ng kamay si Jimin sa'yo. So..." Ngumiti ang guro sa kanila. Inis na napaupo si Namjoon bago siya tinapik ni Jin sa likod.

"Okay lang yun, kaysa naman masunog mo yung buong school or abutin ka dun ng pasko sa paghihiwa pa lang ng sibuyas." Pagchicheer up ni Jin, kahit hindi nakakacheer up ang sinabi niya.

"Yoongi, Hoseok, and Jimin. Kayong tatlo ang ilalaban sa cooking contest next week and everyone-- oh, Park Jimin ikaw muna pala ang kakausapin ko about sa Prom, since ikaw ang class president. Everyone, class dismiss." 

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon