"Yoonji hija, nasabi na ba sa'yo ni Jimin na pupunta dito mamaya ang mga tita at tito niya?"
Halos masamid si Yoongi sa kinakain niya bago niya mabilis na tiningnan ng masama si Jimin na mukhang nagulat rin sa sinabi ng mama niya.
"Hindi ko alam yun ma--"
"Hija, papakilala ka namin sa mga kamag anak namin, wag kang mahihiya ha?" Nakangiting sabi nito.
"Jimin, magbihis ka ng presentable ha, ayokong maulit noong nakaraang taon na lumabas ka ng kwarto ng nakaboxer lang." Giit ng Papa niya.
"Pero mga kamag anak lang naman natin sila." Mahinang sabi ni Jimin na halos si Yoongi lang ang nakarinig, napatingin si Yoongi sa kanya pero nag-iwas nalang rin ng tingin ang dalaga.
"Edi kasama rin mga pinsan ko? Kasama si Kevin?" Tanong ni Jimin, medyo natuwa dahil may isang pinsan siya na kaclose niya talaga.
"Oo kasama mga pinsan mo, pero hindi si Kevin." Ani ng mama ni Jimin.
"What? Pero bakit--"
"Anak, alam mo naman na siguro yung nangyari kay Kevin di ba? Itinakwil na siya ng lolo mo dahil nalaman ng mang-tito mo na may lalaki itong karelasyon." Parang nandidiri na sabi ng Papa ni Jimin.
Dahilan kung bakit tila natigilan si Yoongi.
"Pero..." Hindi matuloy-tuloy ni Jimin ang sasabihin niya kaya naman napaiwas nalang ito ng tingin sa mga magulang niya.
"Jimin, anak. Tama lang ang ginawa nila, para matauhan yung pinsan mo, makita mo kapag nawalan na sila ng pera ng karelasyon niyang lalaki babalik at babalik iyan bahay." Sabi pa nito.
Hindi nalang kumibo si Jimin, si Yoongi naman ay hindi na rin nakapagsalita dahil para bang hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa mga oras na 'to.
"Alam mo hon, wag na nating pag-usapan si Kevin, nakakahiya naririnig pa ni Yoonji."
Napa-angat ang tingin ni Yoongi at awkward na ngumiti, "O-Okay lang po." Anito bago umiwas rin ng tingin sa mga magulang ni Jimin.
Agad tumama ang paningin ni Yoongi kay Jimin na para bang nawalan ng ganang kumain, pero imbes na magsalita pa ay tumahimik nalang siya at kumain.
Pagkatapos ng agahan na yun ay agad bumalik ang dalawa sa kwarto ni Jimin.
"Lalabas tayo ngayon." Anunsyo ni Jimin.
Bored na napatingin ang nakahigang si Yoongi sa kama habang nagsi-cellphone, "Ayoko." Ani Yoongi bago bumalik sa kanyang ginagawa.
"Maligo ka na, aalis tayo bibili tayo ng damit na susuotin natin mamayang sabi." Sabi ni Jimin.
"Gaano ba ka-formal ang gagawin mamayang gabi? May damit naman akong dala."
"Puro shirt na itim at ripped jeans lang ang dala mo." Anito.
"Oh anong problema dun? Damit pa rin naman yun?" Sarkastikong sagot ni Yoongi.
Sa totoo lang ay parang nakalimutan nilang dalawa ang nangyari kagabi pero ang totoo niyan ay pareho lang silang umiiwas sa nangyari kagabi, para bang hindi pa sila handang pag-usapan yun, or handa na sila pero medyo nagkakahiyaan pa?
"Yoongs, maligo ka na please?" Pakiusap ni Jimin.
"Bongga ba yung gagawin?" Tanong ni Yoongi, medyo naiirita na kay Jimin.
"Kung gusto mong malaman, sumilip ka muna sa labas ng kwarto ngayon mismo." Suhestyon ni Jimin.
"Ayoko nga, nakakatamad tumayo." Walang ganang sabi ni Yoongi, nakatuon pa rin ang atensyon sa cellphone.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
