3:00 am
Hindi pa rin nakakatulog si Yoongi, nag-iisip pa rin siya ng mga bagay-bagay, dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ni Jimin at nakita niyang mahimbing na itong natutulog, kaya naman bumangon siya at lumabas ng kwarto.
Hindi niya alam kung okay lang ba ang ginawa niyang paglabas ng kwarto kasi ang totoo niyan ay baka hindi na niya matandaan ang pabalik, pero gusto kasi ni Yoongi ng maiinom at wala namang kahit anong maiinom sa kwarto ni Jimin kaya kaylangan niyang pumunta sa kusina.
Nakita niyang may isang kasambahay na gising pa kaya naman agad siyang lumapit dito.
"Ay! Jusko po multo!" Sigaw nung maid pero nung narealize niyang bisita ito ni Jimin ay agad siyang nahiya at mabilis na yumuko sa dalaga para humingi ng tawad.
Sa totoo lang ay nagulat rin si Yoongi sa sigaw ng maid pero hindi na lang niya pinahalata na nagulat siya.
"Pasensya na ma'am, ang puti nyo po kasi hehe." Palusot pa nung kasambahay.
"Ayos lang ho." Ngumiti si Yoongi ng mahinhin, "Pero po bang makahingi ng malamig na tubig, nauuhaw ho kasi ako."
"Sige ho ma'am, sunod ho kayo sakin." Sabi nung kasambahay, kaya naman sumunod si Yoongi sa kaniya.
Noong kukuha na yung kasambahay ng tubig ay biglang pinigilan ni Yoongi, "Pwede ho bang gatas nalang?" Tanong nito.
"Ay oo naman ma'am." Sabi nito tsaka inabutan ng gatas si Yoongi.
"Salamat po." Sabi ni Yoongi bago tinaggap ang gatas.
"Hindi po ba kayo makatulog ma'am?" Tanong nung kasambahay at tumango nalang si Yoongi.
"Ganoon po talaga ma'am kapag unang beses nyo sa bahay ng nobyo, ganyan rin ako noon ma'am nung medyo bata-bata pa ako, nung pumunta ako sa bahay ng asawa ko nung magkasintahan palang kami." Anito.
"N-Nobyo?" Naguluhan na tanong ni Yoongi.
"Ayy, di nyo po alam yun ma'am? Boyfriend po iyon sa ingles." Anito.
"No, I mean... Nobyo ko si Jimin?"
"Di mo alam ma'am?" Naguguluhang tanong nung kasambahay.
Hindi nakasagot si Yoongi kasi natatakot siya na baka mamali siya ng sabihin at may masabi siya na hindi naman niya dapat masabi.
"Eh ma'am mali po ba ako? Magkaibigan lang ho ba kayo? Kasi ho nung nakaraan pinagmamalaki nya ho sa amin na pupunta daw ho dito yung girlfriend niya sa bahay kaya dapat masarap lahat ng pagkain." Anito.
Napanganga si Yoongi, sasabihin niya sana na baka si Mau o si Kiki ang tinutukoy ni Jimin pero hindi nalang siya nagsalita at ngumiti nalang siya ng awkward.
"Ganoon ho ba, nakakahiya naman..." Awkward na sabi ni Yoongi kasi hindi niya alam kung itatanggi ba niya na girlfriend siya ni Jimin o sumabay nalang sa agos dahil nga baka may ipapakilala dapat talaga si Jimin kaso pinaghiwalay niya kaya wala siyang choice kundi ang magpanggap na siya ang ipapakilala nito o ano man.
"Alam nyo ma'am swerte nyo po, gustong-gusto kayo ng pamilya ni Sir, nakikita ho kasi nila na masaya yung anak nila kapag kinukwento ka niya sa kanila, kahit sa amin ma'am kapag kinukwento ka niya sa amin laging nawawala yung mata niya sa sobrang laki ng ngiti niya." Pagkwento pa nito.
"A-Ako ho?" Awkward na namang tanong ni Yoongi, sa totoo lang gusto na niyang umalis dahil hindi naman talaga niya hilig ang makipagchikahan sa random person.
"Oo ma'am, di ba ho kayo ho si Yoonji? Yung kakambal po ni Sir Yoongi na bestfriend ni Sir Jimin? Alam nyo ma'am, kapag kinukwento ka ho niya sa amin sobrang lawak ng ngiti niya, yung ngiti niya po kagaya ng ngiti niya kapag kinukwento niya yung kakambal nyo sa amin, si Sir Yoongi." Dagdag pa nito.
"Kinukwento niya a-ako? I-I mean si Yoongi? Si K-Kuya?" Awkward na namang sabi nito, medyo nadudulas pa sa sarili.
"Opo ma'am, di nga po namin alam na may kakambal po pala si Sir. Yoongi kasi dati puro si Sir. Yoongi lang yung kinukwento niya sa amin, alam nyo ma'am ang swerte rin po ni Sir. Jimin sa inyo kasi napapasaya nyo siyang magkapatid." Chika pa nito.
"D-Di kasi kami close masyado dati ni Jimin." Palusot nalang ni Yoongi.
Napabuntong hininga nalang si Yoongi, ang totoo niyan ay ayaw na niyang makipag-usap sa kasambahay kaso masyadong madaldal di siya makahanap ng tamang oras para umalis na.
"Ma'am, mag-aalas kwatro na po pala. May aayusin pa ho ako sa garden, mauna na ho ako ah." Paalam nito.
'Buti naman' sa isip-isip ni Yoongi.
Pinagmasdan lang ni Yoongi paalis ang kasambahay bago siya naglakad na papanik sa kwarto ni Jimin pero dala pa rin niya ang gatas dahil hindi man lang niya iyon natikman pa dahil sa daldal ng kasambahay. Kanina pa niya iyon hawak.
Kaya naman habang naglalakad siya ay iniinuman na niya iyon.
Dahan-dahan niyang binuksan ang kwarto ni Jimin para hindi ito magising pero nagulat siya nang makita niyang walang nakahiga sa kama, kaya naman agad niyang nilibot ang paningin niya at nakita niya si Jimin na nasa terrace at nakatingin mula sa kalangitan, malamig dahil december pero hindi iyon iniinda ni Jimin dahil nasa labas pa talaga siya.
Mukhang napansin ni Jimin si Yoongi dahil bahagyang natabig nito ang upuan, nang magtama ang paningin nilang dalawa ay agad umakyat ang dugo ni Yoongi sa ulo niya at namula siya nang sobra, hindi niya alam kung bakit.
"Yoonji..." Tawag ni Jimin, napangiwi lang si Yoongi.
"Mag-usap naman tayo please..." Pakiusap ni Jimin habang naglalakad siya papasok.
"Jimin, wag ngayon." Mahinang sabi ni Yoongi, "Wala pa akong tulog."
"I'm sorry, kasalanan ko ba?" Hinila ni Jimin si Yoongi kaya naman bahagyang natapon ang hawak na gatas nito.
Pilit na hinuhuli ni Jimin ang tingin ni Yoongi pero umiiwas talaga ito sa kanya. "Please, tingnan mo naman ako..." Pagmamakaawa ni Jimin.
"Pag bilang ko ng tatlo at hindi mo ako pinansin hahalikan kita." Walang kwentang panakot ni Jimin.
Hindi pa rin kumibo si Yoongi, nanatili itong nakatingin sa gatas na hawak niya.
"Isa..." Pagbibilang ni Jimin bago niya dinalawang kamay ang pagkakahawak niya kay Yoongi na nakatitig pa rin sa gatas.
"Dalawa..." Medyo mariin ang pagkakasabi ni Jimin pero di tumalab kay Yoongi.
Nag-aalangan man ay napabuntong hininga nalang si Jimin, "Tatlo." Anito.
"Seryoso ako sa sinabi kong hahalikan kita--"
"Shut the fuck up, halikan mo na ako."
Magsasalita pa sana si Jimin ng natigilan siya sa sinabi ni Yoongi, "What?" Gulat na tanong nito.
"Halikan mo na ako." Biglang lumingon sa kanya si Yoongi, hindi nangungusap ang tono ni Yoongi dahil ang tono niya ay para bang inuutusan nya si Jimin na halikan siya.
Imbes na si Yoongi ang matakot ay si Jimin pa ang tila hindi makagalaw sa pwesto niya ngayon.
Kaya naman mabilis na hinila ni Yoongi si Jimin sa pamamagitan nang paghawak niya sa suot nitong damit gamit ang kanyang kanang kamay habang ang kaliwang kamay niya ay nakahawak pa rin sa gatas na tila hindi nabawasan.
Mabilis na hinalikan ni Yoongi si Jimin sa labi dahilan para hindi makapag-react agad ang binata dahil sa gulat sa inasta ng dalaga.
Nang lumayo si Yoongi ay tila hindi pa rin makagalaw ang binata.
"For the last time, ano ba tayo?" Wala sa sariling tanong ni Jimin habang nakatingin kay Yoongi na nakahawak pa rin sa kanyang shirt, naramdaman niyang mas lalong humigpit ang hawak nito pagkatapos niyang itanong iyon.
"Mahal rin kita." Mahinang sabi ni Yoongi kahit salungat ito sa tanong ni Jimin.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?