"Bakit ang tagal mo? At ano yang hawak mo?"
Napatingin si Jimin sa hawak na paper bag ni Yoongi. Kaya naman bahagyang itinago ni Yoongi iyon sa likod nya.
"Wala, nakita ko lang kaya binili ko." Matipid na sagot ni Yoongi. "Nasan na yung kaibigan mo?" Bahagyang diniinan ni Yoongi ang pagkakasabi nya ng 'kaibigan'
"Ahh si Jongin? Pinauna ko na, sabi ko di ako makakasama sa kanya na kumain sa labas kasi kasama kita, tsaka may aasikasuhin pa tayo mamayang gabi."
"Sana sumama ka na, pwede naman akong maglibot libot muna dito or mauna ng umuwi sayo."
"Okay lang, magkikita naman siguro ulit kami. Binigay nya sakin number nya tawagan ko lang daw sya kung kaylan ako free."
"Ahh." Tipid na sabi ni Yoongi.
Akmang hahawak si Jimin sa kamay ni Yoongi pero iniwas agad nya ito. Napansin ni Jimin ang ginawa ni Yoongi kaya naman nailang na syang hawakan iyon.
Tahimik lang silang bumalik sa bahay, nag uusap sila pero saglit lang tapos noon titigil na ulit sila, magsisimula ulit si Jimin ng topic pero sasagutin iyon ni Yoongi ng isang sagot na mahirap ng sundan ng panibagong sagot.
Pagdating nila sa bahay nila Jimin ay dimiretso na agad si Yoongi sa kwarto at mabilis naman syang sinundan ni Jimin.
"Yoongi may problema ba tayo?" Pagkokompronta ni Jimin sa kanyang kaibigan.
"Wala, dapat ba may problema tayo?" Tanong ni Yoongi, iniiwasan nyang magkaroon ng sarkastikong tono.
"Bakit... ganto?" Hindi alam kung paano ipapaliwanag ni Jimin ang nangyayari sa kanila pero alam nyang may mali.
"Ganto naman talaga tayo Jimin." Malamig na sabi ni Yoongi habang naghuhubad ng kanyang jacket.
Napabuntong hininga nalang si Jimin, "Okay, bababa lang ako tutulong ako sa kanila, maligo ka na. Sa kabila nalang ako maliligo." Ani Jimin habang kinukuha nga ang kanyang damit at iniwan naman nya ang binili niyang damit para kay Yoongi.
Tumango nalang si Yoongi dito, nagsimula na syang mag ayos dahil nakita nyang medyo gumagabi na. Binili nya ang kulay pulang dress na unang kinuha ni Jimin kaya sya nagtagal kanina sa mall.
Itinabi nya ang binili ni Jimin na puting dress sa bag nya bago sya nagpalit ng damit. Kahit medyo malamig na ay tinitiis nya ang lamig dahil lang gusto nyang mas lalo syang gustuhin ni Jimin at the same time gusto nyang iparamdam na hindi sya basta basta makukuha ni Jimin.
Napansin nyang medyo labas ang kanyang cleavage (dahil nakapush up bra sya) sa malalim na v neck ng kanyang damit. Spaghetti straps pa ito kaya naman kitang kita ang kanyang kili kili kapag tinaas nya ang kanyang kamay.
May slit pa ito sa legs kaya naman kitang kita ito kapag nagpalakad sya. Naghanap sya ng red lipstick bago sya nag ayos ng kaunti. May 2 inch na heels lang ang kanyang sinuot. Kinuha nya ang kanyang perfume at naglagay sya noon.
Bumaba na agad siya pagkatapos nyang mag-ayos, napansin nyang may mga ilan ng kamag anak si Jimin na nandoon. Napansin nyang pinagbulungan sya ng iba kaya naman nakaramdam sya ng hiya. Akala nya ay konti lang ang pupunta dito, di nya alam na parang grand royal reunion ito. Grand na royal pa.
"Yoonji hija, tara dito. Papakilala kita sa mga tita ni Jimin." Hinila ng mommy ni Jimin si Yoongi patungo sa mga kapatid nitong babae.
Namula ang mukha ni Yoongi habang pinapakilala sya nito, "Girlfriend ni Jimin."
Pakiramdam niya ang bakas sa mukha niya ang pagka-awkward nya, "Nako ang ganda naman nitong girlfriend ni Jimin." Sabi pa ng isang may maiksing buhok.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
