41

6.1K 372 193
                                    

Paskong pasko pero nasa gitna sila ngayon ng walang katapusang traffic.

Bagot na bagot na si Yoongi, hindi nya rin kasi maintindihan kay Jimin kung bakit naisipang bumalik ng mismong pasko, hindi ba nya kayang mag-stay pa ng kahit isang araw sa bahay nila?

"Jimin sinasabi ko sa'yo kapag talaga hindi pa tayo nakauwi susuntukin kita, gusto ko ng matulog." Inis na sabi ni Yoongi.

"Hindi ko naman ginustong ma-traffic tayo at isa pa, kagigising mo lang." Paliwanag ni Jimin pero sarado ang utak ni Yoongi dahil nababagot na talaga siya.

Bigla silang natigilan sa pagtatalo nang may tumawag kay Yoongi, mabilis na tiningnan ni Yoongi ang cellphone niya at bumungad sa kanya ang pangalan ng tatay nya. 

"Shit, tumatawag yung papa ko!" Sigaw ni Yoongi, mabilis niyang inabot ang cellphone niya kay Jimin.

"Anong gagawin ko dito? Bakit mo binigay sakin?" Naguguluhang tanong ni Jimin.

"Sagutin mo! Sabihin mo wala ako! Magdahilan ka na lang! Bilis!" Nagpapanic na sabi ni Yoongi.

"Bakit hindi mo na lang sagutin?" 

"Gago ka ba? Boses kiki ako ngayon! Ano na lang iisipin ng papa ko?!" Sigaw ni Yoongi.

"Okay, okay! Di mo kaylangan sumigaw!" Ani Jimin habang sinisenyasan si Yoongi na tumahimik, agad sinagot ni Jimin ang tawag habang nakatingin siya kay Yoongi, pareho silang nagtatantsahan.

"Hello po?" Sagot ni Jimin sa kabilang linya.

"Loud speaker mo." Mahinang sabi ni Yoongi habang tinuturo niya ang cellphone niya kaya naman mabilis na ni-loud speaker ni Jimin ang cellphone.

"Anak, parang naiba ang boses mo ah?" Ani ng papa ni Yoongi.

Agad napa-facepalm si Yoongi dahil sa kanyang narinig, sabagay ilang buwan na rin o taon na hindi tumatawag sa kanya ang mga ito. 

"Ahh ehh, hindi po ako si Yoongi. Kaibigan nya po ito, naiwan po kasi ni Yoongi yung phone niya sa amin." Pagsisinungaling ni Jimin, nag-thumbs up agad si Yoongi dahil maganda ang palusot nito.

"Pumupunta sa inyo yung anak ko? Anong ginagawa niyo? T-Teka, bakla ba anak ko?" 

Napahawak si Yoongi sa ulo niya dahil sa tanong ng Papa niya, minsan talaga napaka-OA nitong mag-isip. Napapahiya talaga siya sa mga sinasabi ng Papa niya madalas.

"Ha? Ahh... A- H-Hindi ho, hindi ho... Hindi po..." Nangungumbinsing sabi ni Jimin pero yung tono niya ay mukhang kinukumbinsi rin pati ang sarili niya kaya naman napasabunot si Yoongi sa sarili niya sa sobrang kahihiyan at pagkaasar.

"Ahh okay, basta pakisabi na lang sa kanya na nasa tapat ako ng apartment niya ngayon kaso mukhang walang tao." 

Sabay na nanlaki ang mata ng dalawa dahil sa sinabi ng Papa ni Yoongi. 

"Nakauwi na ho kayo galing ibang bansa?!" Gulat na tanong ni Jimin. 

"Paano mo nalaman hijo? Ayy mukhang close nga talaga kayo ng anak ko ahh." Natawa sa kabilang linya ang Papa ni Yoongi, "Oo nakauwi na ako para sana bisitahin siya ngayon, surprise ba para sa party pero ako 'tong nasurprise kasi di ko siya nadatnan dito."

Nakahawak si Yoongi sa bibig niya habang mabilis ang tibok ng puso niya, natatakot siyang gumawa ng kahit anong ingay at dahil sa takot rin sa ideyang nandito ang Papa niya at pinaghahanap siya. Kaylangan niyang magtago ngayon ulit.

"S-Sige ho, sasabihin ko ho sa kanya." Kinakabahan na rin si Jimin.

"Okay, salamat." Pinatay na ng Papa ni Yoongi ang tawag.

Things You Need To Do When You're A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon