Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na agad silang dalawa para sa school, nakamotor silang pumasok sa school, nakaangkas si Yoongi to be exact.
Kaya naman pagpasok nila sa school pinagtitinginan agad sila ng ibang estudyante, Mr. Class President / Mr. Good boy ay kasamang Ms. -- ewan kung saan nang galing basta bigla nalang sumulpot kung saan na parang isang kabute.
Sa isip-isip ng iba ay pasalamat ito dahil kakambal ito ni Yoongi pero hindi naman mapagkakailang kahit ilang araw pa lamang pumapasok si Yoongi bilang si Yoonji ay kilala na agad ito sa mga lalaki at may ilan na agad na nagkakainteres sa kanya at karamihan dito ay mga kaklase niya.
Pagdating nila sa classroom ni Jimin ay mabilis silang naghiwalay dahil magkalayo ang upuan nilang dalawa, si Yoongi ay nasa gulo nakaupo habang si Jimin naman ay nasa unahan dahil nga siya ang class president.
Si Jimin rin ang dahilan kung bakit nakakapasok si Yoongi ng walang problema sa school, malakas kasi ang kapit niya dito dahil unang una sa lahat, makapangyarihan ang pamilya nila.
Nang pumasok ang teacher sa classroom ay natahimik agad ang mga estudyante at bumalik sa kani-kanilang upuan.
Bored na bored si Yoongi, nakatulala lang siya habang pinipigilan niya ang kanyang antok.
"Ah, oo nga pala! Nakalimutan kong i-announce sa inyo na pinag-uusapan na sa faculty ang prom ninyo, in short. Mayroon tayong prom this school year." Sabi ng teacher.
Napa-tsk nalang si Yoongi, kung lalaki pa rin siya ngayon ay baka kahit papaano nagkainteres siya dito dahil nga alam niya ang ibig sabihin ng Prom ay girls, and girls means sex, and sex means boom boom pow.
Iyon ang mentality ni Yoongi kaya buti nalang talaga at naging babae siya, siguro sumpa na yun dahil sa dami ng kasalanang nagawa nya sa madaming babae. Buti nga sa kanya, ngayon alam na niya ang pakiramdam? Bwahahahahahahaha
"Kung sana papayag si Yoonji na maging date ko sa Prom baka ma-excite pa ako."
Biglang natigilan si Yoonji at napatingin siya sa nagsalita, nakita niya si Hoseok na nakatingin sa kanya, kaya naman bigla siyang napangiwi.
Jeez, bakit sa dami ng lalaki bakit si Hoseok pa ang nagsabi noon? Sa isip-isip ni Yoongi.
Kaibigan rin kasi ni Yoongi si Hoseok pero hindi sila ganoon kaclose, nakangiwing binalik ni Yoongi ang tingin niya sa notebook at umarteng walang narinig.
"Nako, Hoseok. Kay bago-bago niyang si Yoonji ay dumidiskarte ka na agad." Parinig ng teacher.
"Yun nga Ma'am eh, kay bago-bago palang niya nakuha na agad niya yung puso ko." Anito.
Muntik ng masamid si Yoongi sa sarili niyang laway, pakiramdam niya bumaliktad ang sikmura niya at konti nalang ay masusuka na siya.
Nagkantyawan ang mga kaklase nila dahil sa banat ni Hoseok.
"Alam mo ma'am si Yoonji parang isang malapit ng lumabas na tae." Dagdag pa ni Hoseok.
Napairap sa kawalan si Yoonji at pinipilit niya ang sarili niyang huwag magsalita ng kahit ano at baka mapatay na niya si Hoseok.
"Bakit naman?" Tanong ng kanilang guro.
"Kahit kapag nandyan na siya, palagi akong kinakabahan at hindi mapakali." Biglang tumayo si Hoseok sa upuan at nag-"Boom!" pa siya.
Lumakas ang sigawan ng mga kaklase nila at kahit ang teacher nila ay natawa sa sinabi ni Hoseok. Hindi na mabilang ni Yoongi kung nakailang irap na siya ngayon.
"Tama na, tama na, tumahimik na kayo." Sigaw ni Jimin.
"Uyy, nagagalit si class president, dahil ba maingay o dahil inaagawan ka ni Hoseok?" Pabirong tanong ng kaklase nila kaya mas lalong nairita si Jimin.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
