Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

55

6.1K 376 413
                                        

WARNING!

Lasing na lasing na si Yoongi, kung anu ano na ang nasasabi niya kay Jennie at Jin, may pagkatouchy na rin siya pareho sa dalawa, kanina nga ay nahawakan pa niya ang Seokjin jr. nang hindi niya sinasadya kaya naman umalis na si Jin para iwan sila. Naghanap na siya ng ibang makakausap.

Natrauma yata si Jin sa ginawa ni Yoongi sa kanya kaya naman si Jennie at si Yoongi na lang ang naiwan sa may bar counter habang nagkukwentuhan ng mga kalokohan. Lasing na lasing na rin si Jennie kaya naman nang bumulong siya kay Yoongi ay muntik na siyang mahulog kaya hinawakan na siya ni Yoongi sa baywang para hindi na ulit ito mahulog.

Si Jimin? Nakita na niya kanina kaso may kausap na ibang babae kaya naman eto ang nangyari, nagpakalasing siya ng sobra para hindi niya matandaan si Jimin at i-enjoy na lang ang mga alak sa paligid.

♪ I want to smash your fears, and get drunken off your tears 

"Paborito ko 'yang kanta!" Excited na sabi ni Jennie ng marinig niya ang kanta ni Carly Rae Jepsen.

Don't share your smile with anyone else but me 

Sumasabay si Jennie sa pagkanta habang parang tangang nakataas pa ang kamay, napangiti si Yoongi sa ginagawa ni Jennie pero hindi niya mapigilang mag-alala dahil ang likot nito, baka mahulog ito o kung ano man kaya mas hinigpitan niya ang hawak sa baywang nito.

♪ I want to touch your heart, I want to crush it in my hands 

Hinampas ni Jennie ang dibdib ni Yoongi bago siya umarte na may kinuha sa dibdib ni Yoongi at tsaka yumukom, natawa si Yoongi dahil sa ginawa ni Jennie habang madramang sumasabay sa kanya.

♪ Make you plead and cry as you give up all the lies 

Biglang bumaba si Jennie sa pagkakaupo niya kaya naman nagulat si Yoongi, napababa na rin siya at napatingin sa natatawang si Jennie, halatang sabog na sa kalasingan. Bigla siyang hinila nito sa pwesto kung maraming sumasayaw na tao.


Kahit naman si Yoongi ay lasing na rin kaya naman hindi niya alam kung bakit sumasabay siya kay Jennie sa pagiging mukhang tanga, mabuti na lang walang magjajudge sa kanila dahil mga mukha na ring tanga yung iba na nasa bar.

Babalik muna sana si Yoongi sa counter para uminom ulit para mawala na talaga siya sa ulirat at magawa niyang sumayaw ng hindi nahihiya pero di niya magawa dahil paglingon niya ay nakita niyang nasa pwesto niya kanina si Jimin at nakaupo dun, nakatingin sa kanya, walang emosyon.

♪ We're not lovers, but more than friends 

Mabuti na lang nagkaroon ng dahilan si Yoongi para umiwas ng tingin dahil pinalupot ni Jennie ang kamay nito sa leeg niya, naagaw agad ni Jennie ang atensyon niya.

♪ Put a flame to every single word you ever said 

Kahit alam niyang malayo si Jimin ay hindi niya alam kung bakit ramdam na ramdam pa rin niya ang titig nito sa kanya. Hindi niya tuloy maalis sa isip niya ulit si Jimin.

♪ No more crying, to get me through 

Natapilok si Jennie habang kumakanta kaya naman inalalayan niya agad ito, humigpit na naman ang kapit niya sa baywang nito, halos magkalapit ang mukha nila kaya naman napalunok si Yoongi.

"Kapag kaya hinalikan ko si Jennie lalapit kaya si Jimin at hihilahin ako papalayo sa kanya?" Tanong ni Yoongi sa isip niya.

♪ I keep dancing 'til the morning with somebody new 

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon