"Ayoko nang makakilala ng bagong tatay, nakakatakot pala." Bulong ni Jimin kay Yoongi habang naghahanda sila ng totoong pagkain. Yung masustansya.
Dahil nga may bata na silang kasama sa bahay, sinasabi ni Jimin na dapat masusustansyang pagkain ang kailangan nilang kainin palagi.
Umuwi na ang papa ni Yoongi at walang nagawa ito kundi patirahin ang kapatid nya sa labas sa babay ng kaibigan nya. Sabi nya kay Jimin na magbabayad na sya ng renta dahil nahihiya na sya, dalawa na silang nakikitira.
"Di mo pa ba namimeet mga magulang ng mga nagiging girlfriend mo?" Tanong ni Yoongi.
"Hindi no, wala rin naman silang balak na ipakilala ako, wala rin akong balak magpakilala lalo na kung aabutin lang naman ng linggo yung relasyon namin."
Di na lang sumagot si Yoongi kasi kahit papaano medyo naiilang pa syang kausapin si Jimin dahil sa dinulot na kahihiyan ng tatay nya sa kanya.
"Yoongi?"
"Hmm?" Sagot ni Yoongi habang patuloy sa paghihiwa ng kalabasa.
"Ano sa tingin mo kung lumipat na lang tayo sa medyo malaking bahay? Parang masyadong maliit na 'tong apartment ko para sa ating tatlo. Sa tingin ko matagal-tagal pa bago madala ng Papa mo si Yoori sa ibang bansa."
"Jimin—"
"May alam akong lupa malapit lang isang elementary school, pwede rin natin pag-aralin si Yoori next year."
Nakatingin lang si Yoongi kay Jimin, may parte kay Yoongi na gusto nya nung ideya na magkaroon ng sariling bahay kasama si Jimin, pero may parte na ayaw nya dahil baka pagnagkaroon na ng pamilya si Jimin ay mahirapan syang mag-adjust.
"Jimin hindi pwede." Mahinang sabi ni Yoongi.
"Bakit naman hindi?" Naguguluhang tanong ni Jimin.
"Kasi darating yung araw na magkakaroon ka ng pamilya. Paano natin hahatiin yung bahay kung magpapagawa tayong dalawa ng bahay?" Huminto saglit si Yoongi para bumuntong hininga, pati ang hinihiwa nyang mga gulay ay di na nya matuloy-tuloy.
"Di mo ba naiintindihan Jimin? Di tayo pwedeng gumawa ng isang bagay na pangmatagalan sa panandalian nating pagsasama." Giit ni Yoongi bago nya padabog na kinuha ang panibagong hihiwain nya pero pinigilan siya ni Jimin.
Kinuha ni Jimin ang kutsilyo kay Yoongi at itinabi iyon bago niya hinawakan ang magkabilang braso nito para iharap sa kanya.
"Ikaw ang hindi nakakaintindi eh." Inilapit ni Jimin ang mukha nya kay Yoongi kaya naman napakunot ito ng noo. "Hindi naman ako magpaplano ng pangmatagalan kung wala akong balak makasama ka hanggang huli."
"H-Ha?" Naguguluhang tanong ni Yoongi.
"Ang slow mo naman, alin ba dun ang hindi mo maintindihan?" Inis na tanong ni Jimin.
"Yung nararamdaman mo sa akin." Diretsahang sabi ni Yoongi.
Kaya naman mabilis na inilapit ni Jimin ang labi nya sa labi ni Yoongi, sabay silang napapikit habang kalmadong naghahalikan sa kusina.
Nakahawak si Yoongi sa damit ni Jimin habang nakahawak naman si Jimin sa magkabilang pisngi ni Yoongi.
Si Yoongi ang unang bumitaw para maghabol ng hininga, nagkatinginan sila sa isa't isa habang parehong namumula ang mukha nila.
"Naiintindihan mo na?" Tanong ni Jimin.
"Hindi pa." Sagot nya bago nya hinila si Jimin para magkatama ulit ang mga labi nila.
Sabay silang pumikit para pagpatuloy ang kanina pa nila ginagawa. Mabilis na hinawi ni Jimin ang mga hinihiwa nilang gulay para i-upo si Yoongi malapit sa sink bago niya hinalikan ang leeg nito pababa sa collarbone.
Napakagat si Yoongi sa labi nya para hindi makarinig ng kahit ano mang ingay ang kapatid nyang nasa salas lang. Napahigpit ang pagsabunot nya sa buhok ni Jimin na gusto naman nito.
"J-Jimin, b-baka pumunta si Y-Yoori dito."
"Hindi yan, mukhang hindi naman umaalis sa pwesto nya yun." Ani Jimin habang patuloy lang sa pagpapaulan ng halik sa balat ni Yoongi.
"J-Jimin—"
"TABI-TABI PO!"
Sabay na napatigil si Jimin at Yoongi nang biglang may sumigaw.
Napatingin silang dalawa kay Yoori na nakahawak sa mata nito ang kaliwang kamay at ang kanang kamay naman ay ginagamit niya para pangkapa sa dinadaanan nya.
Agad na bumaba si Yoongi sa pagkakaupo nya at inayos ang kanyang damit, ganun rin naman si Jimin na inayos ang kanyang buhok.
"Ginawa naman tayong duwende." Bulong ni Jimin kaya naman mabilis siyang siniko ni Yoongi.
"Kukuha lang po ako ng tubig." Sigaw ni Yoori habang kinakapa ang ref.
"Pwede mo ng tanggalin yung tabing mo sa mata." Utos ni Yoongi kaya naman inalis nga ni Yoori pero nakapikit pa rin habang binubuksan ang ref.
"Buksan mo na yung mata mo." Natatawang sabi ni Jimin bago lumapit kay Yoori, kinuha ni Jimin ang pitsel at pinagsalin nya ng tubig si Yoori.
Namumula ang mukha ni Yoori nang binuksan nya ang kanyang mata at kinuha ang inabot ni Jimin na tubig sa kanya.
Pero hindi nya alam na mas lalong namumula ang mukha ni Yoongi sa gilid na nagkukunwareng walang nangyari at pinagpatuloy ang paghiwa ng mga gulay.
Napatingin si Jimin kay Yoongi na nagmamadaling maghiwa kaya naman natawa ang binata.
Nagbalik-balik lang ang tingin ni Yoori sa dalawa bago nya naisip na nagsisinungaling sila nung sinabi nilang wala silang relasyon sa Papa nya.
Kasi nakikita ni Yoori yung tingin nila sa isa't isa sa tingin ng mommy nya sa bago nitong asawa.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
