Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

03

14.2K 876 741
                                        

"Dude di ka pwedeng lumabas ng apartment mo na wala kang suot na bra." 

Napatingin agad si Yoongi kay Jimin na nakaupo sa sofa niya habang kumakain ng mga stock niyang pagkain dito sa kanyang apartment. Tiningnan siya ng masama ni Yoongi pero wala rin naman siyang magagawa kundi panuorin ang kaibigan niyang inuubos ang mga pagkain niya.

Kapal talaga ng mukha ng isang 'to kung di ko lang siya kaylangan ngayon ay baka sinipa ko na itlog ng tukmol na 'to eh.

"Alam ko naman iyon pero anong gagawin ko? Wala akong alam sa pagbili ng mga ganoong bagay. Siguro may konting alam pa ko kung may naging girlfriend ako na tumagal sa akin, as in girlfriend at hindi kasama sa kama pero wala! Walang akong seryosong relasyon." Naiiritang sabi ni Yoongi, halos iuntog na niya ang sarili niya sa pader.

"Oh anong connect ng mga naging babae mo sa pagiging babae mo?" Bored na tanong ni Jimin.

"Aish!" Bigla nalang sinipa ni Yoongi ang nakakalat na boxer short niya sa sobrang irita niya.

"Oh ayan." Biglang may hinagis si Jimin kay Yoongi na naging dahilan ng pamumula ng mukha nito, "Pinabili ko 'yan sa girlfriend ko, ang tagal kong pinaliwanag sa kanya kung bakit ako nagpabili sa kanya niyan pero wala rin silbi na break din kami." Walang ganang sabi ni Jimin.

"Salamat 'tol." Awkward na sabi ni Yoongi habang tinitingnan niya ang pink na lace bra at panty na hinagis ni Jimin.

"You're welcome." Ani Jimin bago niya tiningnan si Yoongi, napangiti siya ng makita niyang namumula ang mukha ni Yoongi habang tinitingnan yung underwear.

"Sabi ko sa girlfriend ko ipangreregalo ko 'yan sa kapatid kong babae kaso nung nabili na niya 'yan at tinanong ng mama ko kung para san yun nabuking tuloy ako na wala akong kapatid na babae." Natatawang kwento nito, "Buti nalang nabili na niya bago niya malaman." 

"Sorry, nagbreak pa tuloy kayo ng girlfriend mo." Sabi ni Yoongi bago siya naupo sa sofa, tatlong dangkal ang layo kay Jimin.

"Para san pa ang bro code natin na bros before hoes?" 

"Sa pagkakaalam ko bros and no homos ang bro code natin." Sarkastikong sabi ni Yoongi.

"No homo my ass." Natatawang sabi ni Jimin kahit siya naman talaga ang gumawa ng code na yun, biruan lang talaga nilang dalawa yun nung naging magtropa sila, pansin kasi nila pareho na masyado silang close hindi katulad na ibang normal na magkakaibigang lalaki.

Kaya naman biniro ni Jimin si Yoongi ng ganoon pero hindi ibig sabihin noon ay homophobic na silang dalawa, sadyang alam nilang magkaibigan lang talaga sila.

Oo mahal nila ang isa't isa pero in a platonic way.

At hindi nila iyon sasabihin sa isa't isa dahil pakiramdam nila ay nakakawala iyon ng pagkalalaki, iyun ay kung meron pa si Yoongi noon dahil nawala na sa kanya iyon kahapon lang.

"Oo nga pala, magbihis ka na." Out of nowhere na sabi ni Jimin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Yoongi.

"Kasi aalis tayong dalawa? Hindi naman pwedeng isang pares ng panty at bra lang ang bilhin mo, hindi pa tayo sigurado sa size ng dibdib mo kaya naman tingnan mo muna kung sakto sa iyon yan pagkatapos ay bibili tayo ng damit mo." 

"Wait what?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Yoongi.

"Dude, hindi ka na lalaki ngayon kaya kaylangan mo ng umarte na parang babae unless gusto mo pa rin magpakalalaki pero syempre kaylangan mo pa rin magsuot ng bra kung ayaw mong ma-rape." Dirediretsong sabi ni Jimin na para bang pinaghandaan niya iyon.

Napanganga si Yoongi dahil sa sinabi ng kaibigan niya.

"Alam ko naman yun pero--"

"Teka! Teka! My naisip ako! Sa tingin ko kaylangan nating gumawa ng list ng mga dapat mong gawin ngayong babae ka na." Excited na sabi ni Jimin habang dinudukot niya ang cellphone niya pero ng makakita siya ng maliit na notebook sa lamesa ay kinuha na niya iyon pati na rin ang ballpen na katabi nito.

"Things you need to do when you're a girl." Pagbasa ni Jimin habang sinusulat niya iyon.

"Kaylangan pa ba niyan?" Medyo inis na tanong ni Yoongi kahit hindi niya alam kung bakit siya naiinis, siguro ay dahil hindi siya makapaniwala na kaylangan na niyang maging babae dahil babae na siya ngayon.

Kahit ang totoo niyan ay pwede naman talaga siyang umarte pa rin na lalaki kahit nasa katawan na siya ng babae, pero paniguradong ipapaalala sa kanya ni Jimin ang bro code nila.

Nalilito na talaga si Yoongi ngayon kung ano ba talagang dapat niyang ikilos.

"Syempre kaylangan mo 'to, ako nang bahalang maglista." Proud na sabi ni Jimin. 

"Number one, magsuot ng bra." Sabi ni Jimin habang sinusulat niya iyon sa papel.

"Wait, iyan talaga yun number one?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Yoongi, akala niya ay matino ang isusulat ni Jimin pero sa tingin niya ay hindi talaga niya dapat isipin na may magagawang matino ang kaibigan niya.

Mabilis na inagaw ni Yoongi ang papel kay Jimin para makasiguradong iyon talaga ang sinuot ng kaibigan niya.

1.) Wear girls underwear.

Napabuntong hininga nalang si Yoongi ng mabasa niya ang sinulat ni Jimin, nakangiti lang sa kanya yung kaibigan niya kaya naman mabilis niyang binalibag yung papel dito.

"Bahala ka nga dyan! Hindi ko kaylangan niyan." Giit ni Yoongi.

"Dude, kaylan mo nga 'to! Ako na ngang bahalang maglista ng mga kaylangan mo, ang dapat mo nalang gawin ay sumunod." Ani Jimin.

"Kaya tara na, magbihis ka na lalabas tayong dalawa." Ani Jimin bago niya hinila ang walang gana at tamad na tamad na si Yoongi.

"Ayoko talagang umalis ng bahay Jimin, ibili mo nalang ako babayaran ko nalang." Sabi ni Yoongi.

"Papaano ko malalaman yung bagay sa'yo at yung mga gusto mo? Magbihis ka na bilisan mo." 

"Ayoko ngang umalis! Ayokong lumabas na ganto yung hitsura ko! Pakiramdam ko katawa-tawa ako." 

"Anong katawa-tawa? Wala namang nakakatawa at isa pa, maganda ka naman." 

Biglang namula si Yoongi sa sinabi ni Jimin, hindi niya alam kung bakit siya namula, iniisip nya na baka dahil iyon sa inis dahil tinawag siya ng kaibigan niya ng maganda pero kahit kaylan ay hindi siya sinabihan nitong gwapo. 

Pero inis nga ba talaga ang dahilan ng pamumula niya? 

"Jimin mandiri ka nga sa sinasabi mo." Iritadong sabi ni Yoongi.

"Anong nakakadiri doon? Totoo naman ah!" Giit ni Jimin.

"Manahimik ka! Hindi ako aalis, dito lang ako." Pagmamatigas pa ni Yoongi.

"Gusto mo yata na ako pa ang magbihis sa'yo." Gumuhit ang kakaibang ngisi sa labi ni Jimin habang sinasabi iyon.

Mabilis na napapoker face ang mukha ni Yoongi at mabilis na sinarado ang pinto ng kwarto niya para magbihis. 

Natawa naman si Jimin sa reaksyon ng kaibigan niya, gustong-gusto niya talaga itong binubuwisit.

"Wag mong kalimutang magsuot ng panty at bra!" Sigaw ni Jimin sa nakasaradong pintuan.

Nang makarinig si Jimin ng iritadong singhal ay mas lalo siyang napangiti, mukhang may bago na namang pagkakaabalahan si Jimin.

At iyon ay buwisitin ang kanyang pinakamatalik na kaibigan ng si Yoongi.

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon