Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

27

8K 502 995
                                        

"Nigagawa mo Namjoon?" 

Napatingin kaming lahat kay Namjoon ng bigla itong tumayo sa harapan, si Hoseok na kasi dapat ang sunod pero si Namjoon ang tumayo kaya naman napa-iling nalang si Ma'am.

"Hay nako, hayaan mo na Hoseok. Kasunod ka nalang niya." Ani ni Ma'am.

"Ma'am sisimulan ko na ha." Excited na sabi ni Namjoon.

"Okay-- teka, saglit!" Biglang pigil ni Ma'am. "Pinapaalala ko lang class, alam nyo naman siguro na dapat appropriate hindi ba?" Parinig ni Ma'am sa klase.

"Opo." Halos sabay-sabay nilang sabi.

"Okay, Namjoon--"

"Tang ina mo Jhepoy Dizon!" Panimula ni Namjoon na may kasamang mura kaya naman mabilis napa-facepalm si Yoongi habang natuwa naman ang mga kaklase niya ng magsalita ito, si Ma'am ay halatang nagulat sa sinabi ni Namjoon.

"Mr. Kim, do I need to define appropriate?" Sarkastikong tanong ni Ma'am.

"Nakita mo ba yung pagmumukha mo sa salamin?!" Pagpapatuloy pa nito. "Tang ina mo--"

"Enough!" Sigaw ni Ma'am.

"Ang panget mo!" Sigaw pa ni Namjoon kaya naman ang sigawan na ang mga kaklase ko dahil tuwang-tuwa sila sa sinasabi nito.

"Ako ba sinasabihan mong panget?!" Tanong ni Ma'am.

"Hindi po Ma'am, si Jhepoy po." Anito.

"Sino si Jhepoy-- Argh! Go back to your seat!" Inis na sabi ni Ma'am bago niya tinuro yung upuan nito kaya naman malungkot na bumalik si Namjoon sa upuan niya habang tuwang-tuwa pa rin ang mga kaklase nila. 

Napairap sa kawalan si Yoongi, halos pareho lang naman ng ginawa si Taehyung at Namjoon, ang pinagkaiba lang ay matalino si Taehyung kaya hindi nila nahatalang nang gagago lang rin ito.

 Nakita ni Yoongi na napatingin si Ma'am sa kanyang relo kaya bahagyang nabuhayan ng pag-asa si Yoongi na hindi siya matatawag ngayon, "Hoseok. Ikaw na." Ani Ma'am.

Tumango si Hoseok bago pumunta sa harapan, tumingin muna siya sa buong klase bago ngumiti.

"Bago ko po simulan ang aking tula, nais ko po sanang makinig kayong lahat sa akin..." Tumingin si Hoseok kay Yoongi kaya naman nabigla ito. "Lalo ka na Yoonji." Anito.

"Ayiiiiieeeeeeeeeee." Sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase nilang tila mga demonyong nang-aasar.

"Sa panahon ngayon ang hirap maging adik..." Bahagya itong napatigil "Maging dik sa'yo." Mahinang sabi nito.

"Kapag nakikita kita bigla nalang akong nagpapanic. Bigla nalang akong natatahimik kaya baka isipin mo meron akong saltik, pero hindi na ko magpapakaplastic. Gusto kong makaisa sa'yo..."

"Maka-isang halik." Sabay ngisi nito kaya nagkantyawan ulit ang mga kaklase nila.

"Kaya hindi ako magtataka kung isang araw makita nalang akong nakahandusay at wala ng malay, pero ayos lang. Matagal narin naman akong patay, patay na patay sa'yo."  Sabay kindat ni Hoseok kay Yoongi.

Nagtilian ang mga kaklase nila dahil sa sinabi nito. Kahit napakakorni ng mga sinasabi nito ay natutuwa sila, syempre nagagawa nilang mang-asar talagang matutuwa sila.

"Pero totoo, walang halong biro. Adik ako, meron akong bato. Ninakaw ko pa 'to kay Darna kasi gusto kong agawin ang kanyang pwesto, gusto kong maging superhero. Nang sa gayon ako yung maging taga pagligtas mo."

"Hanggang isang araw nakaupo ako, dyan mismo sa upuan ko." Tinuro ni Hoseok ang kanyang upuan na halos katapat lang ng upuan ni Yoonji kaya naman napatingin lahat doon ang buong klase.

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon