"Gusto ko rin maging fuckboy"
Natigilan si Yoongi sa sinabi ni Jimin sa kaniya, hinintay niyang dugtungan ni Jimin ang binitawang salita nito habang nagpipigil siya ng tawa.
"Gusto ko maging katulad mo." dagdag pa ni Jimin.
Pilit nilunok ni Yoongi yung tawa niya, kung yun man tamang salita para sa ginawa niyang pagpipigil sa tawa niya.
"Bakit? Sa tingin mo fuckboy ako?" Tanong ni Yoongi habang pinipigilan lumabas yung bakas ng tawa sa mukha niya.
Si Jimin naman ang natigilan ngayon, biglang namula ang mukha niya dahil sa isip-isip niya ay na-offend si Yoongi sa sinabi niya, siguro ay hindi tinatanggap ng mga fuckboy na fuckboy sila, o hindi sila aware na fuckboy pala sila? Naguluhan si Jimin at the same time ay nahiya siya sa sinabi niya.
"H-Hindi naman sa g-ganoon..." Nahihiyang sabi ni Jimin.
Bigla siyang binatukan ni Yoongi kaya naman nagulat siya pero natawa lang ang mga nakakatanda sa kanila.
"Wag mong isipin na gusto mong maging fuckboy." Pagkatapos siyang batukan ni Yoongi ay hinila naman siya nito papalapit sa kanya para akbayan, inabutan siya nito ang isang bote ng soju.
Kanina pa umiinom si Yoongi, nakaka-anim na bote na ito kanina ay hindi pa rin nalalasing pero kung bibilangin ang bote ngayon ay nasa sampu na, mukhang tinatamaan na ito ngayon habang si Jimin naman ay tahimik lang na nakikikain ng mga pulutan ni Yoongi.
"H-Hindi ako umiinom hyung." Sagot ni Jimin.
"Isa lang, hindi naman kita lalasingin. Tikman mo lang yung lasa." Sagot ni Yoongi, wala siyang balak hawaan ng masamang impluwensya si Jimin pero gusto niya lang mamulat ito sa katotohanan.
Tinikman ni Jimin ang sinalin ni Yoongi sa tansan ng soju, mabilis na napangiwi si Jimin sa lasa nito at ayaw na niyang ulitin pa iyon.
"Jimin, ayaw mo bang mapunta sa isang relasyon na masaya, yung kayong dalawa lang, pangmatagalan at hindi lang basta-basta pasok labas, pasok labas?" Seryosong tanong ni Yoongi kahit hindi seryoso ang pagkakasabi niya.
"G-Gusto, pero kasi... y-yung mga katulad m-mo yung mga nagugustuhan ng mga babae, h-hindi yung katulad ko." Anito, kaya naman dahan-dahang napatango si Yoongi.
"You mean yung katulad ko na may gantong dila." Nilabas ni Yoongi ang dila niya at pinakita iyon kay Jimin, mabilis na naguluhan si Jimin sa sinabi niya.
"Anong meron sa dila mo hyung?" Tanong ni Jimin.
Natawa si Yoongi dahil sa ka-inosentehan nito, kaya naman mabilis niyang ginulo yung buhok nito habang nag-iihit siya ng tawa habang walang kamalay-malay si Jimin kung bakit ito natatawa.
"Tongue technology." Sagot ni Yoongi ng humupa ang tawa niya.
Dahan-dahang tumango si Jimin nagkukunwareng naintindihan nya kung anong ibig nitong iparating.
"At isa pa Jimin, never akong nakipaglaro sa babaeng hindi marunong makipaglaro, ayokong paglaruan yung mga inosenteng babae, ayoko makasakit ng damdamin, tao rin naman ako." Sagot ni Yoongi kaya napangiti si Jimin ng patago.
Kahit ang pangit ng tingin ng mga tao kay Yoongi ay ibang-iba ang tingin sa kanya ni Jimin, kasi kumpara sa mga tao na mapanghusga, mas alam ni Jimin ang ugali ni Yoongi dahil siya ang nakakasama nito sa araw-araw.
"Pero paano mo naman nasabi hyung, na iyan yung nagustuhan nila sa'yo." Tanong ni Jimin habang awkward niyang tinuturo ang labi ni Yoongi, pero ang ibig niyang sabihin talaga ang yung dila nito.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
