Nagising Yoongi dahil sa tindi ng sikat ng araw na tumatama sa balat nya, bago pa nya maidilat ng buo ang mga mata nya ay naramdaman nyang may mabigat na bagay ang nakapatong sa kanya.
Mabilis syang napalingon sa likod nya at nakita nya si Jimin na mahimbing na natutulog.
Pero ng unti-unting bumaba ang tingin niya sa katawan niya ay bahagya siyang natigilan.
Huminga siya ng malalim para ikalma ang sarili niya pero hindi niya magawa lalo na ng maramdaman niyang bahagyang gumalaw ang kamay ni Jimin na nakapasok sa loob ng t-shirt niya patungo sa dibdib niya.
Napayukom siya ng mahigpit bago siya mabilisang tumayo at kinuha ang unan, huminga muna ulit siya malalim bago niya gawin ang pagma-murder sa kanyang kaibigan.
Mabilis siyang pumatong sa tiyan ni Jimin at naupo siya doon bago niya ginamit ang unan para ilagay sa mukha ng binata at hindi na ito makahinga pa.
Nagising si Jimin bago pa mailagay ni Yoongi ang unan sa mukha niya pero huli na ang lahat dahil nailagay na ni Yoongi iyon.
Dahil hindi makahinga si Jimin sa ginawa ng kaibigan niya ay nagpapadyak siya at sapilitan niyang tinutulak si Yoongi bago pa siya mawalan ng hininga pero ng makita ni Yoongi na malapit na itong mawalan ng hininga ay tumigil na siya.
Pero hindi agad narealize ni Jimin iyon kaya naman mabilis niyang pinailalim si Yoongi. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa sa puntong nararamdaman na nila ang hininga ng bawat isa.
"Mamatay ka na." Mahinang sabi ni Yoongi kay Jimin.
"Tss, alam ko naman di mo kaya." Biglang tumayo si Jimin at nahiga nalang ulit sa tabi ng kaibigan.
Kinuha ulit ni Yoongi ang unan ay pinaghahampas kay Jimin iyon, tawa lang ng tawa si Jimin habang pinipigilan niya ang nanggagalaiting kaibigan niya sa sobrang inis.
"Ayaw mo kong nababastos ng iba pero ikaw 'tong nambabastos sa akin, bobo!" Sigaw ni Yoongi bago niya malakas na hinagis kay Jimin ang unan.
"Tulog ako!" Sigaw ni Jimin bago pa tuluyang makalabas ng kwarto si Yoongi.
"Siraulo! Wala naman akong sinabi sa'yo kung anong ginagawa mo tapos dumidepensa ka agad, napapaghalata ka, bwisit!" Sigaw ni Yoongi bago niya padabog na sinarado yung pinto ng kwarto.
Ayaw naman niya talagang matulog sa tabi ni Jimin pero...
"Diyan ka matutulog?" Tanong ni Yoongi kay Jimin ng makita niya itong nakahiga sa sofa.
"Oo, hays." Paawa effect ni Jimin.
"Okay." Tipid na sagot ni Yoongi bago akmang papasok na sa loob ng kwarto.
"Di mo man lang ako pipigilan?!" Biglang sigaw ni Jimin kaya naman napatigil si Yoongi at napatingin sa kanya.
"Bakit naman kita pipigilan? Gusto mo yan eh." Ani Yoongi.
"Aish! Eto na nga sa kwarto na ko matutulog." Inis na sabi ni Jimin bago niya kinuha yung mga gamit.
"Akala ko ba sa sofa ka na matutulog?" Tanong ni Yoongi ng naunahan pa siya ni Jimin pumasok sa kwarto.
"Ayoko na, dito na ko matutulog." Sabi ni Jimin ng binangsak niya yung mga unan sa kama.
"Okay." Tipid na sagot ni Yoongi ng akmang lalabas ng kwarto.
"Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Jimin.
"Matutulog."
"Saan?! Sa sofa?"
"Oo, kasi di ba dito ka na matutulog?" Nagtatakang tanong ni Yoongi.
"Oo, dito tayo matutulog." Giit ni Jimin.
"Huh?" Naguguluhang sabi ni Yoongi at ng marealize niya ang sinabi ni Jimin ay mabilis siyang napangiwi. "Ayoko nga!" Giit ni Yoongi.
"Sa sofa nalang ako, sanay naman ako matulog sa sofa." Dagdag pa ni Yoongi.
"Sus, para namang hindi tayo natulog dati sa iisang kama." Parinig ni Jimin.
Kaya naman natigilang bigla si Yoongi, "Lalaki pa ako noon, lalaki tayo pareho at nakatulog ka lang sa amin habang naglalaro tayo ng computer games, walang masama doon." Paliwanag ni Yoongi.
"At ngayon may masama na?" Tanong ni Jimin. Hindi nakasagot si Yoongi.
"Ikaw pa rin naman si Yoongi di ba?" Masinsinang tanong ni Jimin kaya naman nagkatitigan lang silang dalawa ni Yoongi ng matagal hanggang sa ayun nga, nauwi sila sa iisang kama.
Pumunta si Yoongi sa kusina dahil sa totoo lang ay gutom na gutom na siya, pagdating niya doon ay tsaka lang siya napanguso ng makita niya kung gaano kadami ang pagkain ni Jimin na naka-stock.
Hindi maipagkakaila ang estado ng buhay ni Jimin, kumpara sa kanya. Sobrang layo ng agwat nila, kaya minsan napapaisip siya bakit nagawang mabully si Jimin dati, siguro tama nga sila. Wala iyan sa yaman, kapag ikaw ang napagtripan ng mga gago, ikaw talaga.
Walang paalam-alam na pinakealaman ni Yoongi ang mga stock ni Jimin, ganoon rin naman si Jimin sa dati niyang apartment kaya naman hindi na rin siya nagpaalam dito.
Sa totoo lang ay pangalawang beses palang yata ni Yoongi ang napunta dito sa apartment ni Jimin, mas madalas kasi si Jimin sa apartment niya, papaano naman kasi tamad na tamad magkikilos si Yoongi at mas pipiliin nyang matulog nalang kaysa pumunta kay Jimin.
Pero magkaiba sila ni Jimin, kaya naman laging nasa kanila si Jimin para sirain ang tulog niya.
Nagluto si Yoongi ng pagkain, dahil di hamak namang mas sanay si Yoongi magluto kaysa kay Jimin, at kahit papaano naman ay nahihiya siya kay Jimin kahit minsan gusto nalang niyang sapakin ang kaibigan niya hanggang sa mawalan ito ng malay.
Sa kabilang banda naman ng condo ay pahirapan si Jimin sa pagtanggal na bedsheet kasi sa totoo lang ay alam nyo na, natagusan ni Yoongi iyon pero hindi na niya iyon sinabi sa kaibigan dahil alam niyang mas lalo lang mahihiya iyon.
Pagkatapos niyang palitan iyon ay lumabas na siya sa kwarto, nakita niya si Yoongi na nagluluto ng pagkain kaya naman imbes na guluhin niya ang binata-- este dalaga ay napahinto nalang siya bago siya sumandal sa dingding at pagmasdan ang kaibigan na masipag na nagluluto.
Bihira lang siyang ipagluto nito-- well, di siya sigurado kung bibigyan siya nito ng pagkain pero natutuwa pa rin siya kahit hindi niya alam kung bakit natutuwa siya sa panunuod lang sa kaibigan habang nagluluto.
Biglang natigilan si Yoongi at napairap sa kawalan ng maramdaman niyang may humawak sa baywang niya at may baba na pumatong sa balikat niya.
"Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong mamatay ng maaga." Banta ni Yoongi sa kaibigan niya.
"Hehe." Mahinang tawa ni Jimin bago siya sinikmuraan ng kaibigan niya.
Nang mailagay na ni Yoongi ang pagkain sa lamesa ay tiningnan niya ng masama si Jimin na nakahawa ksa tiyan niya dahil sa lakas ng pagkakasikmura ni Yoongi sa kanya.
"Bakla ka ba?" Iritadong tanong ni Yoongi dito.
Napatingin mula ulo hanggang paa si Jimin sa kaibigan niyang bwisit na bwisit na sa kanya bago ito napangisi ng malawak.
"Bakit lalaki ka ba?" Nang-iinis na tanong nito.
At dahil sa apat na salitang binitawan ni Jimin ay muli siyang nasikmuraan.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
