11

10.1K 705 436
                                    

"Oh, eto pa." Hinagis ni Jimin ang isa pang libro na nakuha nya mula sa mga nakaimbak na libro nya.

Nagbabasa sila ni Jimin about sa menstruation, ang sabi kasi ni Jimin kay Yoongi ay dapat may alam sya tungkol dito, baka mamaya ay may ginagawa na pala syang mali ay maging dahilan pa para magkasakit ito o mapahamak. Nag-aalala lang naman si Jimin para sa kaibigan nya.

Isinama nila ito sa list. As usual si Jimin ang nakaisip, para bang si Jimin na nga ang gumagawa nito dahil di naman dinadagdagan ni Yoongi.

6.) Study everything about menstruation.

"Tama na! Ayoko ng magbasa!" Sigaw ni Yoongi dahil kanina pa sya nagbabasa at paulit-ulit lang rin naman ang nababasa nya. Pati ipad ni Jimin ay pinakealaman na rin nya at dun sya nagbasa dahil kinukulit talaga siya nito.

"Yoongi eto pa may nakita pa ako." Biglang humiga si Jimin sa sofa at pinatong nito ang ulo nya sa hita ni Yoongi kaya naman napairap nalang ang binata— oppz! Dalaga pala.

Kinuha ni Yoongi ang libro kay Jimin ng makita nyang may bumagsak ng papel doon, mabilis niyang kinuha iyon at nakita nyang ito yung papel na binigay nya kay Jimin noon.

Nakaupo si Yoongi sa likod ng school, hindi kasi puntahin iyon ng mga estudyante kaya naman nakakatulog sya doon ng mahimbing ng walang nakakaalam. Hilig kasi rin nya ang mag-cutting para lang makatulog, madalas ay gising sya sa gabi para makipagparty, hindi naman talaga hilig yun. Tanging ang pag-inom lang ang hilig nya since libre ang inom sa party, kaya pinapatos nya lahat ng party.

Para sa isang grade 9 student, patapon na ang buhay ni Yoongi. Iyon ang paniniwala nya dahil iyon ang tingin sa kanya.

Biglang naabala ang mahimbing na tulog ni Yoongi ng may marinig syang mahinang iyak mula sa ibaba, napadilat sya at napatingin sa taong ito.

Hanggang sa maaninaw nya kung sino iyon, hindi nga sya nagkakamali. Kaklase nga nya ito.

Napansin nya ang ilang sugat sa braso nito at ang putok nitong labig. Napabuntong hininga na lamang sya at pinikit na lamang ulit nya ang mata nya para matulog.

Pero naririnig pa rin nya ang boses nito kaya naman napailing nalang sya bago sya mabilis na pumilas ng piraso ng papel at nagsulat doon.

Mabilis nyang tinupi iyon para maging eroplanong papel. Inasinta nyang mabuti si Jimin bago nya itong binalibag sa kanya.

Tumama ito sa ulo ng binata kaya naman napatingin agad ito dito.

Napatingin si Jimin sa itaas na naging dahilan para magkatinginan silang dalawa, binuksan ni Jimin ang papel at nakita nya ang nakasulat dito.

"Bakit ka umiiyak?" Napatingin si Jimin sa kaibigan nya.

Mabilis na nag-alala si Jimin dahil sa pag-iyak ni Yoongi, sa totoo lang ay ilang beses na nya itong nakita pero hindi sya komportable na makitang umiiyak ang nag-iisang taong walang ibang pinakita kundi ang maging malakas.

Bakit kung kaylan naging babae ito ay tyaka siya iiyak ng iiyak.

"A-Ang sakit ng puson ko." Napahawak si Yoongi doon, kaya naman napatayo na si Jimin mula sa pagkakahiga nya sa hita ng kaibigan nya.

"T-Teka saglit, bumili ako ng gamot kanina para dyan eh, teka san ko ba nalagay yun?" Nagpapanic na sabi ni Jimin bago nya hinalungkat yung bag nya pero hindi nya iyon makita.

Kaya naman sinalat na nya ang mga bulsa nya, nang masalat nya iyon sa kanyang bulsa ay mabilis syang nagtatakbo patungo sa kusina para kumuha ng isang basong tubig.

Pero pagbalik nya sa kanyang sala ay nakita nya si Yoongi na kumakain na junk foods na hindi nya alam kung saan nito nakuha, hindi na rin ito umiiyak at nakaresting bitch face na ulit ito.

"Yoongs..."

Tinaasan sya ng kilay ni Yoongi.

"Eto yung gamot mo."

Bumaba ang tingin ni Yoongi sa hawak ni Jimin na baso, bago nya muling binalik ang tingin nya sa binabasa nyang libro.

"Okay na ko, di ko na kaylangan nyan."

"Pero hyung!"

"Shut up."

Napanguso nalang si Jimin bago nya pasimpleng nilapag ang baso sa lamesa at ang gamot dahil baka mamaya ay mag-inarte na naman si Yoongi sa kanyang puson.

Dahan-dahang humihiga si Jimin sa hita ni Yoongi ng bigla syang itulak nito palayo, "Wag kang humiga! Wala ka bang unan?!" Singhal ni Yoongi.

"Oo na! Oo na!" Sigaw ni Jimin.

"Babayaran nalang kita sa pinangbayad mo sa nagpapaupa sa akin at maya-maya babalik nalang ako sa amin. Dun nalang ulit ako titira—"

"Bakit?!" Gulat na tanong ni Jimin.

"Baliw ka ba? Alangan namang matulog ako sa kalsada? Lalo na tingnan mo babae ako! Mahirap na!" Ani Yoongi.

"Yun nga eh, babae ka. Sa tingin mo makikilala ka ng tatay-tatayan mo?" Tanong ni Jimin.

Isang mahaba at makakabinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa.

Hanggang sa bigla nalang nagsisigaw si Yoongi at nagsisipa sa hangin sa sobrang inis nya ng marealize nyang hindi nga pala sya makikilala nito dahil nasa katawan sya ng isang babae ngayon.

"Hyung, dito ka muna sa condo ko tumira."

Natigilan si Yoongi sa pagsisigaw nya at napatingin sya sa kaibigan nya. Nagkatitigan silang dalawa bago mabilis na yinakap ni Yoongi ang sarili nya at umurong sya papalayo sa kaibigan.

"Grabe ka naman sakin!" Sigaw ni Jimin dahil sa naging reaksyon ni Yoongi.

"Eh bakit! Akala mo di ko alam na pinagnanasahan mo ko! Ha?!" Sigaw ni Yoongi bago nya sinipa si Jimin.

Pero mabilis na hinawakan ni Jimin ang paa nito na naging dahilan para magsisigaw si Yoongi, natawa si Jimin sa naging reaksyon ni Yoongi dahil pulang pula na ito. Parehong galit at sa hiya na rin.

"Wala naman akong gagawing masama sayo hyung." Seryosong sabi ni Jimin. "Malaki naman 'tong condo ko, wala namang ibang tao dito bukod sa atin, wala rin namang pakealam ang mga tao dito kahit ilang tao pa ang patirahin ko dito. Nandito naman lahat ng kaylangan mo, ayaw mo nun sabay nalang tayong papasok palagi, at least dito mababantayan kita, at matutulungan kita sa lahat ng kaylangan mo."

"Pero—"

Mabilis na inilagay ni Jimin ang daliri nya sa labi ni Yoongi para pigilan ito sa pagsasalita.

"Dito ka muna tumira sa akin, pangako, aalagaan kita."

Things You Need To Do When You're A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon