Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

22

8.1K 496 744
                                        

"T-Teka? Nasan yung dibdib ko?! Nawawala yung dibdib ko!"

Ay, wala nga pala talaga akong dibdib.

Hindi! May dibdib ako! Kahit maliit lang yun may dibdib pa rin ako!

Nagpanic si Yoongi habang nakatingin sya sa salamin, nawawala ang dibdib nya at wait! Ano to?!

Bakit sya may buhok sa kili-kili?!

Mabilis niyang hinanap ang kahit anong pang-ahit ni Jennie sa banyo, nasa labas ngayon si Jennie dahil sinundo nya ang mga kaibigan nya na pupunta dito ngayon.

In short magi-sleep over sila dito. Biglaan. Nagchat kasi si Jennie sa group chat daw nila na may makikitulog sa kanila na bago nyang kaibigan at dahil gusto rin ng mga kaibigan nya na makilala ito ay mabilis silang nagsipuntahan dito.

Mabilis na inahit ni Yoongi ang buhok sa kili-kili nya bago pa iyon makita ni Jennie at baka kung anong isipin nya.

"Y-Yoonji? Matatapos ka na ba dyan?" Tanong ni Jennie habang kumakatok. "Ang tagal mo naman, nandito na sila."

"S-Saglit lang!" Sigaw ni Yoonji habang nililinis nya yung pang-ahit ni Jennie na who knows kung saan nya ginagamit iyon.

Nagpa-panic na naghanap si Yoongi na kahit anong pang-substitute sa dibdib nya. Nakasuot kasi sya ng bra ngayon at wala ng laman iyong bra nya kapag may humawak ulit sa dibdib nya ay masasalat na wala syang dibdib.

Mabilis syang naghanap sa buong paligid nya hanggang sa natigilan sya ng makita nya ang mga underwear ni Jennie.

Napakagat siya sa labi nya.

"I'm sorry Jennie..."

Mabilis na kumuha si Yoongi ng mga panty ni Jennie at pinasok nya yun sa loob ng bra nya hanggang sa magmukha na yung totoo.

Chineck nya kung pantay ba pero mas malaki yung sa kanan kaya naman kumuha pa sya at dinagdagan yung kaliwa.

"Ayos..." Mahinang sabi ni Yoongi.

"YOONJI!" Sigaw ni Jennie.

"Oo! Ayan na! Teka lang!" Sigaw nito pero medyo natigilan sya ng medyo nagboses lalaki sya.

Shit, bumabalik na rin ang boses nya.

Natatakot sya, bakit naman ngayon pa sya babalik sa pagiging lalaki nya kung kaylan naman may mag-oovernight na mga babae dito?!

Matagal na nyang gustong maging lalaki pero bakit ngayon pa?!

May galit ata sa kanya yung tadhana. Gusto talaga yata siyang ipahiya nito. Shit! Malas talaga!

"Y-Yoonji?" Nagtatakhang tanong ni Jennie dahil medyo boses lalaki ang pagkakarinig nya kay Yoonji.

Napaisip siya kung nasobrahan ba sa inom ng ice cold coffee na ginawa nya kanina para kay Yoonji at dahil sobrang malamig yun kaya minalat.

Dahan-dahan lumabas ng banyo si Yoongi, nakita niya ang mga kaibigan ni Jennie na sabay-sabay napatingin sa kanya.

May mahigit sampong babae ang nandito?! The fuck?!

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon