Christmas Vacation na pero hindi pa rin masyadong nag-uusap si Jimin at Yoongi, para bang unti-unti ng nagkakaroon ng pader sa pagitan nilang dalawa, hindi yung dibdib ni Yoongi ang tinutukoy dito, ang tinutukoy dito ay parang may humarang sa kanilang dalawa, hindi na sila tulad ng dati.
"Hyung, nakapag-impake ka na?" Tanong ni Jimin ng bigla itong sumilip sa kwarto.
"Oo." Tipid na sagot ni Yoongi.
"Ah, okay." Sagot ni Jimin bago tuluyang lumabas na ng kwarto, ganyan kaboring sa mga usapan nila, para bang nakatira sila sa iisang bahay pero kakakilala lang nila, yun lang at wala ng iba.
Napatulala lang si Yoongi sa pinto kung saan lumabas si Jimin, nung nakaraan pa niya gustong magtanong kay Jimin kaya lang baka kung anong isipin nito, baka isipin pa nito na nagseselos siya, eh indi naman siya nagseselos, naiinis lang siya.
Dahil hindi uso kay Yoongi ang pagiging plastic ay mabilis niyang sinundan si Jimin sa kusina, "Oy, kasama ba girlfriend mo? Baka kasama yun, di nalang ako sasama baka masira ko pa date nyo, nakakahiya naman sa inyo." Ani Yoongi, hindi alam ni Jimin pero pakiramdam niya ay may pagkasarkastiko ang pagkakasabi ni Yoongi nito.
"Ah, hindi kasama yun. Di naman kilala nila Mama yun." Sagot ni Jimin habang nag-iimpake na rin siya ng damit.
"Di rin ako kilala ng mga magulang mo." Tipid na sagot ni Yoongi.
"Papakilala kita." Hindi nakatingin na sabi ni Jimin.
"Bakit di nalang girlfriend mo ipakilala mo?" Sarkastikong tanong nito.
"Bakit ko pa ipapakilala? Wala rin naman akong intensyon na pakasalan yun." Walang ganang sagot ni Jimin.
"Bakit ka pa nag-girlfriend kung wala ka rin naman palang intensyon na magpakasal, ano gagawin mo sa girlfriend mo? Gagawin mong kasambahay? Tagahugas ng plato? Alagang aso?Uto ka ba?" Iritadong sagot ni Yoongi, eto na yata ang pikamahabang nasabi niya simula nung pinakilala ni Jimin ang bago na naman nitong girlfriend.
"Bakit ikaw? Hindi mo naisip yan nung lalaki ka pa?" Tanong pabalik ni Jimin.
Napatingin ng masama si Yoongi sa kanya, nagkakainitan na silang dalawa, para bang isang maling galaw nalang ay magsasapakan na silang dalawa, or si Yoongi lang talaga ang nakakaisip ng ganun?
"Alam mo Yoongi, maligo ka na. Aalis na tayo." Anito bago niya kinuha ang bag niyang malaki para lumabas ng bahay at maipasok ang kanyang mga damit sa sasakyan.
Iritadong pumasok si Yoongi sa banyo para maligo, kahit naiinis siya kay Jimin ay wala rin naman siyang choice kundi sumama dito kung hindi ay mag-isa lang siya dito sa bahay at ayaw naman niyang makalipas ang pasko at bagong taon na walang kasama, nakakalungkot iyon.
Pagkatapos nilang makagayak ay umalis na rin silang dalawa. Gamit nila ang sasakyan ni Jimin medyo malayo rin ang byahe nila, idagdag mo pang mas lalong nagmukhang mas malayo iyon dahil hindi sila nag-uusap na dalawa.
Tanging ang radio lang ang nagsisilbing ingay sa sasakyan, sa totoo lang ay hindi na ito ang unang beses na sumakay sila sa kotse ni Jimin na wala talagang nagsasalita sa kanilang dalawa.
Nakatingin lang si Yoongi sa bintana habang si Jimin naman ay tahimik na namamaneho lang
"You know I'll fight for you but how can I fight someone who isn't even there."
Nang marinig ni Yoongi ang kanta ay saglit siyang napatingin kay Jimin, bago niya muling binalik ang tingin sa bintana.
"I had the rest of you, now I want the best of you, I don't care if that's not fair."
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
