04

13K 833 619
                                    

"Yoongsss! Mukhang bagay 'to sa'yo!"

Nagtatakbo si Jimin kay Yoongi habang dala-dala nito ay cute na light pink dress para ipakita kay Yoongi na abala sa pagtingin ng mga panglalaking damit.

Mabilis na napangiwi si Yoongi ng makita niya ang napili ni Jimin na damit, pakiramdam niya ay katapusan na ng mundo kapag sinuot niya iyon, medyo naninibago pa kasi siya at ang nasa imagination kasi niya ay ang dati niyang katawan ang magsusuot noon.

"No thanks Chim." Ani Yoongi bago siya naningin ulit sa section ng panlalaki.

"Ma'am, para po ba sa boyfriend nyo ang hinahanap nyo?" Nakangiting tanong ng saleslady kay Yoongi.

"Hindi, para sa akin ang hinahanap ko." Malamig na sabi ni Yoongi.

"Ma'am yung section po ng mga pambabae nasa kabila po--"

Napatigil sa pagsasalita ang saleslady ng makita niya ang masamang tingin sa kanya ni Yoongi, nang makita ni Jimin ang nangyari ay mabilis siyang pumunta sa eksena.

"Ano ka ba naman babe, di mo ako kaylangan ibili ng damit." Mabilis na sabi ni Jimin bago niya hinawakan si Yoongi sa balikat nito.

"Nandito ako para bumili ng damit ko at hindi para ibili ka, magtigil ka nga! May pababe babe ka pang nalalaman dyan!" Singhal ni Yoongi bago niya hinawi ang kamay ni Jimin na nakahawak sa braso niya.

"Pagpasensyahan nyo na ho yung girlfriend ko, meron kasi ngayon." Pabulong na sabi ni Jimin sa saleslady bago niya ito kinindatan at sinundan na niya si Yoongi.

Nang makita niyang palabas na si Yoongi sa tindahan ng damit ay mabilis niya itong hinila pabalik kaya naman nakipaghilahan sa kanya si Yoongi, para silang tanga sa ginagawa nilang hilahahan sa gitna ng mall, ang daming tumitingin sa kanila pero wala silang pakialam.

"Ayoko na talaga, uuwi na ako!" Giit ni Yoongi.

"Saglit lang! Wala pa tayong nabibili na damit mo!" 

Ayaw na talaga ni Yoongi, ang gusto nalang talaga niya ngayon ay umuwi dahil pakiramdam niya ay kasinungalingan na lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. 

"Para naman sa'yo 'to." Malamunanay na sabi ni Jimin.

Napabuntong hininga nalang si Yoongi, dahil nga tamad siya lahat ng bagay ay kinatatamaran na rin niyang makipagtalo sa kaibigan niya, wala rin naman siyang magagawa dahil masyadong makulit si Jimin. 

Alam niyang hindi siya titigilan nito hangga't hindi siya napapasunod.

Panay ang pakita sa kanya ni Jimin na mga cute na damit pangbabae pero tumatango lang si Yoongi, ang sabi kasi ni Jimin ay ibibili daw siya nito. For the first time sa tanang buhay ng pagkakaibigan nilang dalawa ay ngayon lang siya ililibre ni Jimin.

At mga damit pangbabae pa ang ililibre sa kanya.

Wala ng pakealam si Yoongi kung bilhin ni Jimin lahat ng cute na damit pangbabae pero hindi niya iyon isusuot. Nauumay na nga siya ngayon pa lang, iniisip pa lang niya na magsusuot siya ng mga ganoon ay hindi na niya gusto.

"Sukat mo na 'yan lahat." Sabi ni Jimin.

Mabilis na napakunot ang noo ni Yoongi sa sinabi nito, "Bakit ko naman isusukat?" Iritadong tanong nito.

"Syempre kaylangan mo 'yang isukat dahil baka mamaya hindi pala kasya sa'yo o hindi naman pala bagay sa'yo edi hindi natin bibilhin, hahanap nalang ulit tayo ng bago, sayang naman kung hindi mo masusuot." Sabi ni Jimin habang namimili pa siya sa dalawang skirt na nakita niya.

"Ayoko." Inemphasize pa ni Yoongi ang bawat syllables ng salitang ayoko.

"Sige na please, para matapos na tayo at makauwi na tayo." Sabi ni Jimin. "Bilisan mo na." Pagmamadali pa nito.

"Inuutusan mo ba ko ha? Mas matanda pa rin ako sa'yo." Giit ni Yoongi.

"Oo na, mas matanda ka na sa akin bilisan mo na suotin mo ng lahat ng 'yan." Sabi ni Jimin habang tinutulak niya si Yoongi sa loob ng fitting room.

Dahil nasa loob na rin naman si Yoongi ay wala na siyang nagawa kundi isukat ang kulay light pink na dress na kanina pa gustong-gustong ipasuot sa kanya ni Jimin.

Medyo hindi na nahihiya si Yoongi nang maisuot na niya iyon dahil nakita niyang bumagay pa iyon, yun nga lang ay medyo maiksi iyon sa kanya o talagang ganuon ang yari ng damit, hindi niya alam, pero bagay naman iyon sa katawan niya lalo na at kitang-kita ang maganda, maputi at makinis niyang binti sa damit.

Mabilis na binuksan ni Yoongi ang fitting room kaya naman napatingin agad sa kanya si Jimin, inexpect ni Yoongi na magugustuhan iyon ni Jimin dahil bagay na bagay iyon sa kanya pero ng bumaba ang tingin ni Jimin ay mabilis itong napangiti.

Napatingi ito sa buong paligid bago siya lumapit kay Yoongi at pinasok ulit iyon sa loob ng fitting room. 

"Hubadin mo na 'yan! Ayoko nyan." Giit ni Jimin sa kanya.

"Teka! Bakit naman ayaw mo? Bagay naman sa akin ah." Ani Yoongi, hindi naman niya pinaglalaban yung damit dahil kung tutuosin ay ayaw naman talaga niyang magsuot ng ganoon.

Kaya lang medyo nadisappoint siya dahil hindi iyon nagustuhan ni Jimin, akala kasi niya paglabas palang niya sa fitting room ay papaulanan na siya ni Jimin ng mga puri pero hindi ganoon ang nangyari.

"Basta ayoko niyan! Mamili ka ng mas mahabang damit kaysa dyan, kung gusto mong isukat yung mga pants dyan, tingnan mo kung kasya sa'yo. Wag na yung mga maiiksing dress." Giit ni Jimin.

"Tss, wag maiiksi samantalang iyon nga yung mga gusto mong pinapasuot sa mga babae mo." Iritadong sabi ni Yoongi sa sarili niya, sapat lang para hindi siya marinig ni Jimin.

Inisip tuloy ni Yoongi na kaya ayaw siyang pasuotin ng maiksi ni Jimin ay dahil nauumay ito at naninibago na makita siyang nakasuot ng maiksi, pero samantalang kanina ay kung ano-anong mga dress ang pinagkukuha niya. 

Habang naghahantay si Jimin sa pagsusukat ni Yoongi ng mga damit ay kinuha niya sa bag niya ang maliit na notebook ni Yoongi at sinulatan niya iyon ulit.

2.) Wear girls clothes but don't show too much skin.

Paglabas ni Yoongi sa fitting room ay hindi siya napansin ni Jimin dahil abala ito sa pagsusulat.

Nang makita ni Yoongi ang sinusulat ni Jimin ay bahagya siyang napangiti bago siya bumalik sa loob ng fitting room at namili doon ng mga damit na hindi masyadong kita ang balat niya.

Pagtapos magsulat ni Jimin ng number 2 ay binalik din niya agad ang tingin niya sa fitting room at napansin niyang medyo matagal na si Yoongi doon, pero paglabas ni Yoongi ay inabot agad niya kay Jimin lahat ng bibilhin nila.

"Lahat ng 'yan hindi masyadong kita yung balat." Bulong ni Yoongi kay Jimin bago niya nginisihan ito.

Mabilis na nakabawi ng ngisi si Jimin na kinuha niya yung mga lingerie at iba pang mga underwear na napili niya kanina at sinama iyon sa mga damit na sinukat ni Yoongi. 

Mabilis na napangiwi si Yoongi ng makita niyang si Jimin ang namili ng mga underwear niya, minsan iniisip niya kung hindi ba pwedeng suotin nalang niya yung mga underwear niya nung lalaki pa siya pero alam niya rin naman sa sarili niya na hindi iyon pwede.

"Ayos lang naman magpakita ka ng balat, basta ba ako lang makakakita." Natawa ng nakakaloko si Jimin kaya naman mabilis siyang binatukan ni Yoongi.

"Manyakis ka! Pati ba naman ako mamanyakin mo pa, ipagbabalik mo nga 'yan." Utos ni Yoongi.

"Ayoko, tagal kong pinili ng mga 'yan! Wala namang makakakita sa'yo na nakasuot ka niyan, kaya ayos lang 'yan." Ani Jimin.

"Nagdadahilan ka pa!" Akmang babatukan siya ulit ni Yoongi pero nahawakan niya agad ang kamay nito.

"Sa tingin ko naman babagay sa'yo 'yan." Bulong ni Jimin na naging dahilan kung bakit nagtaasan lahat ng balahibo sa katawan ni Yoongi.

"Ahh talaga." Napipikon ng sabi nito pero nginisihan lang siya ni Jimin.

Binayaran ni Jimin lahat ng damit, tuwang tuwa pa rin siya sa ideya na mag susuot ng damit na pang babae ang kaibigan niyang masungit, kaya naman excited na siyang pagtripan ito. 

"Tara na, madami pa tayong bibilhin." Mabilis na hinila ni Jimin ang kamay ni Yoongi. 

Naglakad na silang dalawa ng hindi namamalayan na magkahawak silang dalawa ng kamay.

Things You Need To Do When You're A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon