42

6.2K 388 295
                                        

"Bakit naman di mo agad sinabi sa akin anak na bakla ka, matatanggap naman kita."

Napahilot nalang si Yoongi sa sintido niya, kanina pa niya pinapaliwanag sa Papa niya na hindi siya nagpapalit ng kasarian, pinapaliwanag niya na isang araw nagising nalang siya na babae siya pero hindi pa rin naniniwala ang Papa niya kaya naman sinasakitan na siya ng ulo.

"Eto ba boyfriend mo anak?" Tinuro ng Papa niya si Jimin kaya napairap siya.

"Pa, kaibigan ko nga lang si Jimin. Kulit mo naman?" Medyo napipikon ng tanong ni Yoongi.

"Anak, di mo kaylangan mahiya sa akin. Alam ko, tanggap ko. Matatanggap ka rin ng mama mo." Paliwanag pa nito kaya naman awkward na nakaupo si Jimin sa gilid habang nakikinig sa usapan ng mag-ama.

"Pa, listen. Hindi ko nga alam kung paano nangyari na isang araw babae na ako. Maniwala ka naman sa akin." Pakiusap ni Yoongi.

"Okay, naniniwala na ako." Sabi ng Papa niya kahit obvious namang hindi naniniwala. Kaya napailing nalang si Yoongi, wala ng pag-asang paliwanagan ang Papa niya. 

"Pero anak, tandaan mo palagi na kapag magsesex kayong dalawa ng boyfriend mo, gumamit pa rin kayo ng protection kahit hindi ka mabubuntis, para lang naman safe kayong dalawa, para wala kayong makuhang sakit, okay?" 

Napaiwas ng tingin si Jimin dahil nailang siya sa sinabi ng Papa ng kaibigan niya, habang napatago naman naman si Yoongi sa mukha niya dahil sa sobra-sobrang kahihiyan na dinudulot ng Papa niya sa kanya.

"Pa naman! Di ka naman naniniwala na babae ako eh." Inis na sabi ni Yoongi habang nakasibangot na.

"Naniniwala nga ako anak, pero pinanganak ka pa rin na lalaki." Giit ng papa niya, napairap nalang si Yoongi.

Awkward na tumayo si Jimin mula sa kinauupuan niya kaya naman agad napatingin ang Papan i Yoongi sa kanya. Naestatwa si Jimin mula sa kinatatayuan niya nang maramdaman niya ay matalim na tingin sa kanya ng Papa ni Yoongi.

"Pa, wag mong takutin yung bata." Utos ni Yoongi pero mas lalo lang diniinan ng Papa niya ang matalim na tingin niya sa kaibigan ng anak niya.

"Umupo ka muna ulit dito, di pa ko tapos sa'yo bata." Giit nito kaya naman bumalik si Jimin mula sa pagkakaupo niya.

"Mabubuhay mo ba 'tong anak ko? Tamad 'to." 

"Jusko naman pa! Hindi ko nga siya boyfriend, kaibigan ko lang siya. Kaibigan. Lang. Period! Nakikitira lang ako sa bahay niya kasi napalayas ako sa apartment kasi di ako nakakabayad, kasi di mo ko pinapadalhan ng pera, okay." Paliwanag ni Yoongi.

"Pinapadalhan kita, magastos ka lang talaga." Sagot ng Papa niya, "At tsaka, naglilive in na kayo. Sigurado ako na may nangyayari na sa inyo-- yung nakita ko pa lang kanina di ba? Hindi mo naman kaylangan ikahiya anak, tanggap naman kita." 

"Pa wala nga nangyari sa amin, talaga lang ganto kami kapag nasa bahay." Pikon ng paliwanag ni Yoongi, hindi naman kasi nakikinig Papa niya sa mga sinasabi niya.

"Ayy nako, siguraduhin mo lang maganda pakitungo sa'yo ng boyfriend mo na 'to ha. Kasi ako mismo papatay dito kapag sinaktan ka nito." Banta ng Papa ni Yoongi bago niya tiningnan ng masama si Jimin ulit, agad na-tense si Jimin dahil sa tingin ng Papa ni Yoongi.

"Baka ho nagugutom na kayo?" Awkward na tanong ni Jimin sa Papa ni Yoongi.

"Busog pa ako." Tugon nito.

"Baka ho yung kasama nyo po may gustong kainin?" Tanong ulit ni Jimin.

Sabay-sabay silang napatingin sa batang babae na nakaupo sa sofa habang tahimik na nanunuod lang sa kanilang lahat. 

"I want pizza." Sagot nung batang babae kaya naman tumango si Jimin bago kinuha ang pizza na kanina pa nakatambay lang dahil nga sa balitaktakan ng mag-ama ay hindi na sila nakakain. Inabot ni Jimin iyon sa batang babae kaya naman napangiwi lang si Yoongi habang pinagmamasdan kung gaano niya kahawig ang bata.

"Sino ba 'tong batang 'to?" Tanong ni Yoongi sa Papa niya.

"Ahh eto ba? Si Yoori, anak ko sa girlfriend ko sa probinsya." Kalmadong paliwanag ng Papa ni Yooongi kaya naman nanlaki ang mata ni Jimin bago napatingin kay Yoongi na para bang chinecheck niya kung okay lang ba si Yoongi sa nalaman niyang rebelasyon.

Napabuntong hininga nalang si Yoongi, "Kaylan ka ba titigil sa pambabae Papa? Ano na lang iisipin ni Mama kapag nalaman niya na may anak ka sa iba?" 

"OA mo naman anak, alam mo namang kabit ko lang rin 'yang Mama mo." 

Napanguso nalang si Yoongi kasi totoo naman, kabit lang rin ang Mama niya talaga lang ito ang kasama ng Papa niya sa araw-araw. Hindi kasi maiwasan ni Papa ang mambabae simula nung ipinagpalit siya ng totoo niyang asawa sa iba, naging iba-iba na ang mga naging asawa nito at iyon nga sa Mama niya ito nag-stay pero kahit na ganoon ay may iba pang nagiging karelasyon ito. 

Pinagsasabihan naman sya ni Yoongi pero hindi ito nakikinig at wala naman talagang pake ang mga magulang niya sa kanya. 

"Ano bang pinunta mo dito? Parang kaylan lang wala ka namang pake sa akin, may kaylangan ka no?" Tanong ni Yoongi kaya naman agad na lumawak ang ngisi ng Papa niya, para bang nakakaloko.

"Exactly anak! Talino mo talaga, mana ka sa Papa mo." Panunuya pa ng Papa niya kaya naman napairap ulit ito sa kawalan.

"Spill it." Bored na sabi ni Yoongi.

"So babalik na ako sa ibang bansa anak, syempre kasama ang Mama mo. Kaylangan may kasama 'yang Mama mo kasi alam mo naman minsan may toyo yun." Anito, "Eh ngayon kasi itong si Yoori--"

"Wait." Pagpigil ni Yoongi kasi parang alam na niyang ang sunod na sasabihin ng Papa niya, "Hindi pwede pa. Ayoko." Mariin na sabi nito.

"Anak, walang mag-aalalaga sa kapatid mo. May ibang pamilya na ang nanay niya, sadly, dadalhin ko rin siya sa ibang bansa pero wala pa kasi siyang passport at isa pa hindi ko pa nasasabi sa Mama mo yung tungkol sa kanya." 

"Wala akong pakialam Pa! Problema mo 'yan! Wag mo ko idamay dyan! Mag-upa ka ng mag-aalaga dyan sa bata na yan pero di ko aalagaan 'yan, kita mo nakikitira lang ako dito tapos magdadala pa ako ng bagong titira dito." Inis na sabi ni Yoongi.

"Anak mo 'yan, di ko anak 'yan, kaya problema mo 'yan. Bahala ka dyan." Dagdag pa ni Yoongi na pikon na pikon na talaga sa Papa niya.

"Sige anak, sasabihin ko na lang sa Mama mo na hindi mo sinabi sa kanya na nagpapalit ka ng kasarian na hindi mo man lang sinasabi sa amin na may ka-live in ka na dito. Sa tingin ko mga isang tatlong taon lang naman magagalit mama mo sa'yo para hindi ka padalhan ng sustento?" 

Talagang humawak pa ang Papa niya sa baba nito na para bang nag-iisip ng matino pero ang totoo ay arte niya lang iyon para takutin si Yoongi.

"Pa naman! Wala namang ganyanan, wala ka na ngang pinadala ng ilang buwan sa akin eh." Inis na sabi ni Yoongi.

"Anak, madami akong anak kaya naman kaya kong totohanin yung sinabi kong hindi ka sustentuhan." Bigla pa itong lumapit sa anak niya sa labas bago niyakap ito, halata rin sa mukha ng bata ang gulat pero pinabayaan nalang niya ang Papa niya na yakapin siya.

"Tsaka kawawa naman 'tong kapatid mong si Yoori kapag ibang tao ang nag-alaga sa kanya, paano nalang kapag may nangyaring masama sa kapatid sa kanya? Eto lang ang nag-iisa mong kapatid na babae, hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa kanya, kawawa naman baby girl ko." Madramang sabi ng Papa niya habang nagkukunwaring umiiyak.

Samantalang tahimik na kumakain ng pizza ang batang tinutukoy niyang kawawa.

Napairap si Yoongi sa totoo lang ay alam niya kung bakit ayaw nitong kumuha ng mag-aalaga kay Yoori, iyon ay dahil dagdag sustento na naman iyon. Kung siya ang mag-aalaga kay Yoori ay paniguradong dadagdagan lang ng Papa niya ng isang libo ang sustento niya buwan-buwan at bahala na silang maghati ni Yoori doon.

"Hindi ako marunong mag-alaga ng bata." Mariin na sabi ni Yoongi.

"Hindi rin ako marunong magtago ng balita sa Mama mo lalo na kung tungkol iyon sa pagiging babae ng anak namin."

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon